30

651 28 0
                                    


The Adventure of Sleeping Beauty

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 30

Unedited...

"Hi," bati ng lalaking pinagbuksan ni Hael ng pinto.
"H-Hello," nag-alinlangang sagot niya. Guwapo ito, matangkad, maputi at mukhang mayaman.
"Ikaw si Hael?"
"Opo," sagot niya sa lalaking sa tingin niya ay matanda lang ng ilang tao sa kaniya. 28 years old, maybe? Iyon naman ang sinasabi ng mukha nito. "Sino po kayo? At bakit hinahanap ninyo ako?"
"I'm Kevin Villafuerte," pagpakilala nito saka inilahad ang kanang kamay para makipag-handshake.
"K-Kevin?" ulit niya at pinagmasdang maigi ang kaharap.
"Yes, I'm Kevin," nakangiting sagot nito at mataman na pinagmasdan siya sa mukha.
"Can we talk?"
"Pasok ho muna kayo," nataranta niyang sabi pero umiling ang lalaki.
"Naghihintay ang asawa ko sa sasakyan. I'm her to invite you for a lunch with my family," pang-imbita nito. "Isama mo na ang lolo mo."
Pinuntahan niya ang Lolo Gawdin niya sa likod-bahay pero tumanggi itong sumama kaya siya na ang sumama kay Kevin.
Habang nasa biyahe, napag-alaman niyang malapit na pala itong magkuwarenta. Ang bait din ng asawa nitong si Ella.
Sa mansion sila ng mga Villafuerte dumiretso. Ipinakilala siya ni Kevin bilang pamangkin.
"Half-sister ko po ang mother niya," pagpakilala ni Kevin sa mag-asawang kumupkop sa kaniya.
"A-Anak din siya ni Baron?" Naikuyom ni Ian ang kamao. Kinabahan si Hael pero pinisil ng katabi ang kamay niya para huwag siyang mag-alala.
"Opo. Last week lang niya nalaman nang makausap ko ang anak ng dating abogado ni Baron," sagot ni Kevin. Hindi niya kayang tawaging "ama" ang taong hindi naman nagpakaama sa kaniya.
"H-Hello, ikaw pala ang pinsan ko," bati ni Yna na katabi ang asawang si Kyler. Apo rin siya ni Baron na kapatid ni Ann kay tita ng quadruplets na nakapag-asawa ng isang Villafuerte.
"Mas matanda pa kami sa 'yo, tita?" naka-pout na sabi ni Keana. Katabi nito ang kakambal na si Kean.
"Sino pa ba ang anak ni Baron? Baka mamaya, isang dosena pala kayo!" may galit sa boses ni Ian pero pinakalma siya ni Sunshine. Kung hindi dahil kay Baron, hindi sana nawalay ang anak nila sa kanila.
"Dad, wala po siyang kasalanan," malumanay na pagpaliwanag ni Kevin. "K-Kagaya ko, biktima rin siya."
Yumuko si Hael at nagsalita, "B-Bilang apo ni Lolo Baron, a-ako na po ang humihingi sa inyo ng kapatawaran sa lahat ng ginawa niya sa pamilya ninyo," panimula ni Hael. Hindi puwedeng wala siyang gawin. "K-Katulad ninyo, b-biktima rin ho siya ng kapalaran. N-Niloko at pinaikot lang siya ng kaniyang ama kaya nagawa niyang m-maghiganti. W-Wala ho siyang kasalanan. K-Kung may kasalanan man ho siya, i-iyon ay labi siyang nagmahal," umiiyak na sabi niya. Alam niyang huli na para humingi ng tawad dahil wala na si Baron pero siya na lang ang paraan para malaman ng mga ito ang totoong nangyari. Si Ian ang nag-iisang anak ni Ryan Villafuerte na dating barkada nina Lee at Patch kaya nadamay rin ito sa paghihiganti ni Baron.
Ipinaliwanag niya ang lahat ng nalaman sa mga Villafuerte sa pamamagitan ng paghikbi pero nandiyan sina Yna at Kevin para umalalay sa kaniya. Masaya siya dahil sa bandang huli, naunawaan siya ng mga ito. The damage has been done pero wala na silang magawa kundi ang tanggapin ang mga nangyari sa nakaraan. Wala na si Baron at wala ring nagawa ang paghihiganti nito dahil ngayon, sila pa rin ang nagwagi. Sila pa rin ang buo at masayang pamilya.
"Umaasa ako na walang bahid ng kasamaan ang dugo ninyong tatlo," sabi ni Ian. Masakit sa pamilya nila ang ginawa ni Baron pero wala na silang magagawa. Nangyari na ang nangyari.
------------------
Masaya si Hael. Pinuntahan nina Kevin ang half-sister nito sa Leyte. Nag-offer ang mga ito na bigyan ng bahay rito sa Maynila pero mas pinili ng mga magulang na manatili sa Leyte dahil naroon ang pangkabuhayan nila kaya binigyan na lang nina Kevin at Yna ng puhunan para magpatayo ng negosyo.
"Good morning!" bati ni Lee Patrick nang makasalubong si Hael.
"Morning," nakangiting bati ni Hael.
"Masaya ka yata?" puna ni Lee Patrick saka inabot sa kaniya ang tatlong pulang rosas.
"Wala namang rason para maging malungkot. Salamat dito," sabi niya at kinuha ang mga bulaklak.
Napatigil siya nang makita si Jacob na nakatayo sa harapan nila.
"Hi," bati niya. Isang buwan na siyang sorority queen at palaging nandiyan ang quadruplets para sa kaniya.
"Hello!" makasalubong ang kilay na sagot ni Jacob.
"Para kanino 'yang bulaklak mo?" tanong ni Lee Patrick nang mapansin ang bitbit nitong white roses.
"Para sa basurahan!" galit na sagot ni Jacob at itinapon sa pinakamalapit na basurahan ang dalang bulaklak na para sana kay Hael pero kagaya nitong nagdaang araw, naunahan naman siya ng kapatid. Ang mga nasa paligid ay nanghihinayang sa bulaklak na itinapon nito.
"J-Jacob, sayang naman ang flowers," sabi ni Hael at napatingin sa basurahan.
"Hayaan mo na. Wala rin namang silbi ang mga 'yan dahil marami ka namang bulaklak na dala!" Tinalikuran niya ang dalawa at pumunta sa classroom nila. Naiinis na naiirita siya sa mga ito. Alam naman ni Lee Patrick na mahal niya si Hael tapos aagawin pa sa kaniya. Ang masama, napapansin niyang nagpapaagaw naman si Hael kaya masama ang loob niya.
"Basted ka na naman?" tanong ni John Matthew nang pumasok siya. Wala pa ang mga kaklase nila dahil thirty minutes pa ang klase. Nauna lang sila dahil walang maisip na gagawin at tatambayan.
"Araw-araw kang basted?" tanong ni LL, "Kawawa ka naman."
"Tumigil kang baliw ka!" saway niya kay LL. Badtrip na nga siya, dagdagan pa nitong dalawa.
"Baliw ka diyan!"
"At least ako, hindi ako nasiraan ng ulo kagaya mo!" depensa ni Jacob. "Putiks, walang ibang kinakausap kundi ang pusa!"
"Eh ano naman? At least mas matino pang kausapin si Pitoy kaysa sa 'yo!" depensa ni LL na ang tinutukoy ay ang alagang pusa.
Napasulyap silang tatlo kina Haet at Lee Patrick na pumasok.
"Uy, kayo na?" natatawang tanong ni John Matthew kaya tumahimik si Jacob. Huwag lang talagang magkamali ng sagot ang kapatid niya.
"Malapit na," sagot ni Lee Patrick na inakbayan si Hael. "Kapag ikasal kami--"
"Mangarap ka!" singhal ni Jacob nang hindi na makatiis. "Ano ba ang gusto mo, Lee Patrick? Prangkahan tayo sa harap ni Hael!"
"Gusto ko?" poker face na sagot ng kapatid. "Gusto kong sagutin na ako ni Hael."
"Putiks ka! Tara, suntukan sa labas!" yaya ni John Jacob. Nangangati na ang kamao niyang suntukin ang kapatid. Sa dinami-rami, bakit ito pa ang naging karibal niya.
Tinanggal ni Hael ang kamay ni Lee Patrick sa balikat niya. Naiilang din siya kapag ginagawa ito ng binata. Kahit ang mga estudyante, naguguluhan na kung sino ba talaga sa dalawa ang gusto niya. May mga nagsasabi pang ang landi raw niya at ginagamit ang pagiging sorority queen para lang mapalapit o akitin ang dalawa sa quadruplets.
"Tara!" yaya rin ni Lee Patrick kaya nataranta si Hael.
"H-Huwag naman ninyong gawin ito!" pakiusap niya. Sina LL ay tuwang-tuwa pa sa nangyayari.
"Kung ikaw ang piliin ni Hael, sino ba naman ako para tumutol?" pagsuko ni Jacob saka tumayo at nilagpasan ang dalawa.
"L-Lee," nauutal na sabi ni Hael. Nag-aalala siya kay Jacob.
"Okay lang, sundan mo siya," nakangiting sabi ni Lee Patrick saka hinawi ang ilang hibla ng buhok ng dalaga na nakatakip sa mukha. "Iyakin 'yon kaya pigilan mo ang mga luha ng mokong. Baka bumaha sa buong CTU."
Tumakbo si Hael para sundan si Jacob pero hindi na niya ito nakita kaya nagtanong-tanong siya sa mga nakakasalubong.
"Sa canteen siya dumiretso," sagot ni Arnold kaya nagmamadaling tumungo siya sa canteen.
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya bago nilapitan si Jacob.
"Jacob?" tawag niya sa binatang tahimik na nakaupo.
"Bakit nandito ka? Akala ko ba, doon ka na kay Lee Patrick mo?" Ngumiti si Hael saka niyakap ito mula sa likuran. Kaunti lang naman ang mga estudyante kaya okay lang.
"Wala naman akong gusto kay Lee Patrick, friends lang talaga kami."
"Pero malapit mo na siyang sasagutin!"
Mas lumapad ang mga ngiti ni Hael. "Hindi rin. Walang pag-asa dahil hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kaniya," pag-amin niya at hinigpitan ang pagkakayakap kay Jacob mula sa likuran. Naramdaman niya ang paghawak nito sa mga kamay niya.
"Talaga?" sumigla bigla ang boses ng binata kaya kumalas si Hael at naupo sa harapan nito.
"Oo, hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kaniya dahil ang totoo niyan, may mahal na akong iba at hindi si Lee Patrick iyon," sagot niya at tinitigan ito sa mukha kaya nasaksihan niya kung paano naging malungkot ang mukha nito.
"G-Gano'n ba?" naiiyak na sabi ni John Jacob. "S-Sasagutin mo na ba ang taong iyon?"
Sinalubong ni Hael ang mga mata ni Jacob para malaman nitong hindi na siya nagbibiro. "Yes, sasagutin ko na siya!" Wala na rin namang raso para itago pa ang tunay niyang nararamdaman. Lahat ay nasa ayos na. Naihingi na rin niya ng tawad si Baron sa mga Lacson. Alam niyang hindi pa lubusan ang kapatawarang naibigay ng mga ito sa lolo niya pero paunti-unti, alam niyang mawala rin ang galit sa puso nila. It takes time lang. Nagulat siya nang tumayo si Jacob.
"Good luck sa inyo. Sana mahalin ka niya nang higit pa sa pagmamahal ko sa 'yo," malungkot na sabi ni John. Siya itong masugid na nanliligaw pero siya pa itong binabalewala. "Magiging okay rin ako, huwag kang mag-alala. Pero oras na lokohin ka niya, sabihin mo lang sa akin, kamao ko ang matitikman niya!"
Napanganga si Hael nang nilayasan siya ni Jacob. Nasa pinto na ito ng canteen nang matauhan ang dalaga. "Ano ang nangyari sa kaniya?" tanong niya sa sarili.

The Adventure of Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon