20

702 36 0
                                    

The Adventure of Sleeping Beauty

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 20

Unedited...

"Rosa? May klase pa ba tayo mamaya?" tanong ni Hael sa matalik na kaibigan habang pababa sila ng hagdan mula sa third floor.
"Wala na. Palagi ka na lang uma-absent, mababa na ang grades mo, Hael. Baka mawala ang scholarship mo," paalala ni Rosa.
"Ahm, Rosa? May tanong ako sa 'yo."
"Ano?" Tumigil pa ito sa gitna ng hagdan para harapin ang matalik na kaibigan.
"Para sa 'yo, anong klaseng tao ako? Anong klaseng kaibigan?" tanong ni Hael kaya napataas ang isang kilay nito.
"Mabait ka. Medyo pasaway lang," prangkang sagot ni Rosa at ipinagpatuloy ang pagbaba. "Mula nang makilala mo ang lalaking palaging nag-aabang sa 'yo sa labas, natuto ka nang mag-skip ng klase natin."
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Hael. Sa mundo niya, nag-aaral siya. Pati pa naman ba rito?
"Hael, nasa labas na naman ng campus ang suitor mo," sabi ng nakasalubong nilang kaklase.
"Talaga?"
"Hep!" Pinigilan siya ni Rosa sa braso. "Hindi puwede!"
"Sige na, minsan lang akong maging pasaway!" sabi ni Hael at niyakap nang mahigpit ang kaibigan saka tumakbo palabas ng paaralan. Mabait si Rosa at sa tingin niya, tama lang na naging bestfriend niya ito. Well, wala naman siyang matatawag na bestfriend sa totoong mundo.
"Hi!" masiglang bati niya kay Baron at humalik sa pisngi nito.
"Let's go?" Ibinigay sa kaniya ang pink niyang helmet.
Niyakap niya si Baron nang umandar na ang motor. Isinandal niya ang ulo at ipinikit ang mga mata. Mahal niya ito, sigurado siya. Pero si Jacob, biglang lumungkot ang puso niya nang makita sa balintataw ang malungkot na mga mata nito kahapon habang papalabas ng classroom nila. Hindi niya napansin na tumutulo na pala ang mga luha niya. Bakit ganito? Noon, hindi niya pinangarap na magkaroon ng boyfriend na mayaman. Sa imahinasyon niya, oo. Ang katauhan ni Baron ang pangarap niyang maging boyfriend pero alam niyang malayo sa reyalidad ang lahat.
"Hindi kaya nabuo lang siya dahil sa imahinasyon ko?" bulong ni Hael at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa binata. Ayaw niya. Gusto niyang palagi niya itong kasama.
Pagdating sa private resort na pagmamay-ari ng isa sa kagrupo nin Baron, nakipag-handshake ang mga kasama niya.
"Brod, bakit mo siya dinala?" Nasa mukha ni Luis ang hindi pagkagusto sa pagdala ni Baron kay Hael.
"Hindi naman siya manonood. Dito  lang siya sa loob," sagot ni Baron at kinuha ang paddle sa guitar case.
"A-Ano ang gagawin ninyo?" Kinakabahang tanong ni Hael at yumakap sa braso ng kasintahan.
"Dito ka lang, may initiation kami," sagot ni Baron. "Babalikan kita, Hael. Mga ten minutes lang."
Sampu ang neophytes na i-hazing nila ngayon. Dinala niya si Hael dahil gusto niyang makita at makasama ang dalaga.
Lumabas na ang mga kasama ni Baron dahil nag-uumpisa na raw mag-exercise ang mga neophytes.
"Manood ka lang ng TV, at kahit na ano man ang naririnig mo, huwag kang lumabas, okay?"
"O-Okay," sagot ni Hael. May ideya na siya sa hazing pero hindi pa nakakita ng actual initiation.
"Brod, sumunod ka na lang," sabi ng huling kasama nito na may bitbit na medicine kit para kapag may hinimatay o mag-quit, malalapatan nila ng paunang lunas.
"May look out na tayo sa labas?" tanong ni Baron. Kailangang may magbantay para kapag may mag-raid o may mga pulis, makahanda sila at maitago ang lahat ng gamit sa pag-hazing.
"Nando'n na sina Gabby at Kino," sagot nito.
"Hael? Dito ka lang, okay?"
"Sige," sagot ni Hael. Nang tumalikod na si Baron, nahulog na naman siya sa malalim na pag-iisip.
Mahal niya si Baron pero naaawa siya kay Jacob.
"Naaawa nga lang ba?" bulong niya. Alam niya ang kasagutan pero natatakot lang siya. Naguguluhan dahil alam niyang kapag papipiliin siya, si Baron ang pipiliin niya.
"Bakit nandito ako? Ano ang kaugnayan mo sa buhay ko?" tanong niya. Pang ilang libo na yata niya itong naitanong sa sarili. Bakit mahal niya si Baron? Ang sorority queen na nakita at iniligtas niya, ito kaya ang sorority queen noon?
"Nasaan si Baron?" napalingon siya sa lalaking nagsalita sa likuran niya. Parang gusto tuloy niyang tumakbo nang malamang ang ama ito ni Baron.
"M-Magandang umaga po, sir," bati niya pero ne ngiti, hindi ginawa ng matanda.
"Nasaan ang anak ko?"
"N-Nasa likuran po," magalang na sagot niya.
"Ikaw pala ang sinasabi nilang kinababaliwan ng anak ko?" Boses pa lang ay alam niyang makapangyarihan na ito. "Ano ang kailangan mo sa anak ko? Pera ba?"
"H-Hindi po..." Kahit na natatakot, sinikap niyang maging magalang sa pagsagot sa matandang kaharap.
"Huwag mo nga akong pinagloloko!"
"Mahal ko po ang anak ninyo," pag-amin niya. Sigurado siya sa nararamdaman.
Hindi na nagsalita pa ang matanda, dumiretso ito sa likuran ng resthouse.
Naririnig niya ang ungol at pagsigaw ng mga lalaking tila nasasaktan at nahihirapan pero hindi siya umalis.
Ilang sandali pa ay bumalik si Baron at ang ama nito.
"Uuwi na ang bestfriend mo nextweek at umaasa akong makukuha mo na siya," wika ng ama na walang pakialam sa presensiya ni Hael.
"Hindi ko na siya mahal!" madiin na sagot ni Baron.
"At sino ang mahal mo? Ang babaeng ito?" Napayuko si Hael nang itinuro siya ng matanda.
"Yes," walang gaton na sagot ng binata at naupo sa tabi ni Hael. "Si Hael na ang mahal ko at wala akong pakialam sa mga negosyo mo, dad!" Hinawakan niya ang kamay ni Hael at pinisil nang mapansin niyang natatakot ang dalaga.
"Bullshit! Kailangan natin ang mga Lopez para mas lumago at mas makilala sa industriya ang negosyo natin!" Tumaas ang boses ng matanda kaya napabalik sa likuran ng resthouse ang dalawang kasama ni Baron dahil baka madamay pa.
"Kilala na tayo kaya hindi a natin kailangan ang mga Lopez," giit ni Baron at nakipagtitigan sa ama. Hindi sila close nito. Palagi ring nagtatalo dahil iba ang gusto nito.
"At ano ang maitulong ng babaeng 'yan sa 'yo? Ne hindi nga mayaman 'yan!" Napasulyap ang matanda sa kwentas na suot ni Hael.
"Lahat ba ng pera mo, isinusuporta mo sa kaniya?" Hindi siya makapaniwala. "Kaya pala wala nang natira sa savings mo ay dahil pinambili mo ng luho ng patay-gutom na 'yan?"
"Hindi siya humihingi sa akin at pinaghirapan ko naman ang bagay na meron ako kaya wala ka nang pakialam kung saan ko gagamitin at kung kanino ko ibibigay!" depensa ni Baron. Lahat ng savings niya, galing sa bulsa niya mula sa pagre-race at kung ano mang diskarte sa buhay.
"Pakasalan mo ang nag-iisang anak ng mga Lopez!" giit ng ama.
"Si Hael ang papakasalan ko at wala ka nang magagawa!" giit ni Baron kaya napakagat sa ibabang labi si Hael. Ngayon niya lubos nalaman kung gaano siya kamahal ng kasintahan.
"Kapag mangyari iyon, itatakwil na kita at 'wag ka nang umasa pang matutulungan kita sa mga luho mo!" pagbabanta ng ama.
"Walang problema sa akin!" matapang na sagot ni Baron. Kahit walang yaman, para sa kaniya, siya pa rin ang pinakamayaman sa buong mundo dahil pagmamay-ari niya si Hael.
"Hanggang saan ka kayang dalhin ng pagmamahal mo?" makahulugang sabi ng ama bago talikuran sila.
"B-Baron, bakit mo iyon ginawa? Sana iiwan mo na ako," sabi ni Hael. Kusa na lang umangat ang mga kamay niya at hinaplos ang maamong mukha ni Baron.
Kinuha ni Baron ang mga kamay ni Hael at dinala sa mga labi upang halikan. "Hindi ko kaya..."
"Pero magagalit ang ama mo..."
Hinarap siya ni Baron at tinitigan ang maamong mukha ng dalaga
Umiwas naman ang mga mata ni Hael dahil sa uri ng tingin nito. Iyong parang hinahanap nito ang kaluluwa niya para sabihin ang nais niyang malaman.
"Mahal kita at walang sinuman ang makapaghiwalay sa atin," seryosong saad ni Baron, "Hindi hadlang ang katayuan mo sa buhay para mahalin kita. Kung ayaw ng ama ko sa iyo, aalis ako sa bahay. Hindi kita iiwan kahit na ano man ang mangyari!"
"B-Baron..." naiiyak na sambit ni Hael. Sino ang mag-aakalang ang Baron na kinatatakutan ng iba, may itinatagong kalambutan ng puso? Ang lalaking matapang, astig at walang sinasanto, ay ang lalaking handa siyang ipaglaban kahit kanino?
"Who would have thought? Ang corny ko!" natatawang sabi nito kaya ngumiti si Hael. Si Baron ang tipo ng taong kaya mong ipagmayabang dahil alam mong mahal ka niya at kaya ka niyang ipagtanggol.
"Hael? Dadalo tayo sa birthday party ng bestfriend ko next week," pag-iiba ni Baron.
"I-Ikaw na lang," sagot ng dalaga. Hindi siya sigurado kung papayag ang panaginip niya. Hindi nga niya alam kung paano o ano ang dahilan kung bakit nandito siya.
"Invited ka rin. Sabi niya, isasama kita sa birthday party niya..." sagot ni Baron. "Halika na, ibabalik na kita sa CTU dahil mukhang mababa na ang grades mo dahil sa akin."

The Adventure of Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon