7

563 30 0
                                    


The Adventure of Sleeping Beauty

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 7

Unedited...

"Uy, Hael!" Kinalabit siya ng kaibigang bakla rito sa bar habang nakatayo siya sa gilid ng counter at nag-aabang ng costumer na hihingi ng ice cubes.
"Bakit?"
"Tingnan mo ang mga papasok, ang popogi!" Tili nito kaya napatingin si Hael sa pinto ng bar.
Nanlaki ang mga mata ni Hael sa magkapatid na papasok.
"Kilala mo sila?" tanong ni Jeryl.
"K-Kaklase ko," naiilang na sagot ni Hael. Maliwanag pa ang ilaw dahil naghahanda palang sila sa stage para sa dance show mamaya.
"Woah! Ang gaguwapo talaga ng mga taga CTU. Kunga mayaman langa ako, doon din ako aaral. O kung kasing talino mo, magsa-scholar din ako."
"Matalino ka naman," sagot ni Hael. Matalino naman talaga itong si Jeryl.
"Hindi keri ng powers ko ang CTU teh, hanggang pang mababang unibersidad lang si Aketch!" Pareho silang working student ng baklang ito kaya sila rin ang nagtutulungan.
"Ang daming nagpapapansin sa kanila," puna ng bakla. Ang mayayamang matrona ay halis maghubad na sa harapan ng dalawa na nakaupo sa table habang kinakausap ng kasama nilang waiter.
"Dito ka lang, tulungan ko lang sila sa paghugas ng mga plato," paalam ni Hael dahil baka makita pa siya ng dalawa. Sakto lang naman ang bar na ito. May mayayaman ding costumer pero mostly ay mga driver ang suki nila. Pagpatak ng alas dose, lumalabas na ang striptease performers.
Nawili na siya sa paghuhugas dahil sa mga bulang naging sanhi kung bakit naging madulas ang kaniyang mga kamay. Wala na siyang panahon na linisin ang mga kuko kaya ito na lang ang dahilan kung bakit nanatiling malinis ito, ang paghuhugas.
"Hael, tawag ka sa labas," sabi ni Jeryl na kumekembot ang bewang habang papunta sa kaniya. Ladlad ang kabaklaan nito pero hindi kagaya ng iba na nagpapalda. Porma lalaki pa naman ito kahit papa'no.
"Naghuhugas pa ako," sagot niya habang binabanlawan ang nasabunan na.
"Magagalit si manager! Ako na diyan."
"Bakit daw?"
Ngumisi ito, "Special request ka ng pogi nating costumers," kinikilig na sabi nito.
"Sino?"
"Iyong kaklase mo. Ayieeee... Malaki ang daks nila, teh!"
"Sina Lee Patrick?" tanong niya at pinunasan ng tuyong towel ang mga kamay.
"Lee Patrick pala ang name ng future hubby ko? Now ko lang na know!" tili nito at inilagay sa tainga ang imaginary hair niya.
"Loko ka! Maiwan na muna kita."
Napabuntong hininga muna siya bago lumabas para magkaroon ng kaunting lakas. Kapag ang quadruplets ang kaharap, para siyang dinadala ng mga ito sa impyerno.
"Ang tagal mo!" reklamo ni John Jacob ma nakasalubong na ang kilay. Padami na rin nang padami ang mga costumer. Pinatay na nga ang ilang ilaw kaya ang ibang magkasintahan, nagtutukaan na sa madilim na sulok.
"Bakit nandito kayo?" tanong niya at naupo sa harapan ng dalawa. Wala pa namang musika at umiinom lang talaga ang iba habang nag-uusap.
"Dito ka pala nagtatrabaho, Hael?" tanong ni Lee Patrick na nakatitig sa kaniyang mukha.
"Oo, bakit?"
"Wala naman, ano ba ang special na inumin ninyo rito?" tanong ni Lee Patrick. Simple lang ang dalagang nasa harapan nila. Walang kaarte-arte sa katawan at walang pakialam kung maganda ba ito o hindi.
"Nandiyan sa menu list, pakitingnan na lang ng gusto ninyo," sagot niya.
"Sleeping ugly," tawag ni John Jacob kaya sumimangot siya. "Ilan ang costumer mo gabi-gabi?"
"Pinagsasabi mo?" tanong niya.
"Magkano ang presyo ng serbisyo mo?"
Halos malaglag ang panga ng dalaga sa tanong ni John Jacob. Napansin niyang siniko ito ni Lee Patrick at tiningnan ng masama.
"Ganoon na ba kababa ang tingin mo sa akin?" galit na tanong niya.
"Hey, no offense, nagtatanong lang," inosenteng tanong ni Jacob. Wala siyang nakitang masama sa tanong niya. Sa isang babaeng bayaran kagaya ni Hael, normal lang naman na tanungin ito ng presyo.
"Ouch!" daing ni Jacob at napahawak sa ulo nang batukan ni Lee Patrick.
"Hindi ka ba titino? Nakakainsulto kq na kay Hael!" galit na sabi ni Lee Patrick. Siya ang nahihiya para sa kapatid. "Pasensya na sa itinanong ng kapatid ko, Hael, virgin pa 'yan," paumanhin ni Lee.
"Nahiya naman ako sa pagka-virgin mo!" sagot ni Jacob.
"Bakit kayo nandito?" tanong ulit ni Hael at sinikap na itago ang lungkot na nararamdaman. Hindi naman lahat ng nagtatrabaho sa bar, nagpapabayad na. Nasanay na siya sa mga ganitong tanong ng mga parokyano lalo na't bata pa raw siya at maganda pero bakit nasasaktan siya dahil ang magkapatid ang nagtatanong sa kaniya? Wala naman siyang dapat na ipaliwanag sa mga ito dahil kahit ano pa ang sasabihin niya, mababa na talaga siya sa paningin nila.
"Gusto lang namin ipaalala sa iyo na gumawa ka ng proyekto natin, babayaran ka namin," sagot ni Patrick.
"Hindi ko iyon nakalimutan pero kayo na lang ang bahala maglagay sa powerpoint dahil wala naman akong laptop," sagot niya.
"Sige, tapusin mo lang at kami na ang bahala," pagsang-ayon ni Lee Patrick. Si John Jacob ay iginala ang paningin sa palibot. Firstime niyang pumasok sa ganito ka mumurahing bar. Kahit sa mga silya, mukhang tinipid at ang mga costumer, dugyot ang iba.
"Hael? Nagpe-perform ka rin ba? Humuhubad ka rin ba sa gitna?" usisa ni Jacob. Curious siya pero naiinis sa isiping marami ang lalaking nakatingin sa hubad na katawan ni Hael.
"Wala ka na bang itanong na matino, Jacob?" sabat ni Lee Patrick nang mapansin ang pagkailang ni Hael.
"Bakit? Ano ang masama? Kaya pala siya tulog nang tulog dahil ganito ang trabaho niya gabi-gabi?"
"Iyon lang ba ang ipinunta ninyo rito?" mahinahong tanong ni Hael. Hindi siya iiyak! Hindi tutulo ang mga luha niya dahil lang sa pang-iinsulto ni Jacob sa pagkatao niya. Sanay na siyang ganito ang turing ng mga tao sa kaniya.
"Hael? Magkano ang sahod mo rito gabi-gabi?" tanong ni Lee Patrick.
"Wala na kayong pakia--"
"Dodoblehin ko!" pagputol ni Lee Patrick sa sasabihin niya kaya natigilan ang dalaga.
"Seryoso ka?" tanong ni Jacob sa kapatid.
"I'll pay you double, huwag ka lang magtrabaho pa rito!" ani Lee Patrick.
"M-May gagawin pa ako," nauutal na sagot ni Hael. Kung ano man ang binabalak ni Lee Patrick, ayaw na niyang patulan.
"I'm dead serious," wika nito at hinawakan ang mga kamay ni Hael para pigilan sa pagtayo. Palipat-lipat naman ang mga mata ni John Jacob. Kanina sa condo, kinatok siya ni Lee Patrick para samahan ito. Wala naman siyang gagawin kaya sumama na siya.
"Wait," sabat ni Jacob. "May gusto ka ba kay Hael, Lee Patrick?"
"What if I am?" seryosong sagot ng kapatid na ikinakunot ng noo ni Jacob. Palagi na lang nitong ipinagtatanggol si Hael at ngayon, may gusto na?
"E di ikaw na may love life!" sagot ni Jacob. Hindi siya sang-ayon sa kapatid.
"Marami pa akong gagawin," sabi niya saka tumayo at iniwan ang dalawa.
Makalipas ang isang oras, sinilip niya ang dalawa pero wala na ang mga ito kaya nakahinga siya ng maluwag.
Magdadaling araw na siyang nakauwi. Gusto pa sana niyang lalaki ng sigarilyo sa terminal pero napagod na siya. She knows her limits. Mahirap na, bala magkasakit pa siya.
"Lo? Ba't gising ka na?" tanong niya sa lolo nang madatnang nagkakape ito sa maliit na sala nito. Alas tres pa lang ng madaling araw.
"Hindi na ako makatulog at nag-aalala ako sa 'yo, apo. Baka 'kako napa'no ka," sagot ng matanda at nakangiti habang nakalingala sa kaniya. "Gusto mo ng kape? Ipagtimpla kita."
"Naku, huwag na po, busog ako," sagot niya. Libre ang pagkain sa kanila. "May dala po akong pansit, mainit pa ho ito, Lolo."
"Mamaya na, kape lang muna ako, Apo. Initin ko na lang 'yan mamaya kapag magutom ako."
Araw-araw, may dalang pansit si Hael at ulam. May 24 oras namang karenderya sa labas ng bar nila. Medyo malaki-laki ang tip na ibinibigay sa kaniya.
"Matulog na po ako," paalam ni Hael at dumiretso na sa maliit na kuwarto. Binuksan niya ang lumang lampshade at kinuha ang maliit na alkansya sa ilalim ng kama. Puno na ang dalawa at itong isa naman ang pupunuin niya. May 300 pesos siyang tip kaya tiniklop niya ang apat na papel na singkuwenta at inihulog. May natira pa siyang singkuwenta pesos para sa ulam nila mamayang tanghalian. At sa hapunan, didiskarte siya. Maglalako siya ng babana cue mamayang hapon.
Ipinikit niya ang mga mata at umaasang huwag siyang istorbohin ni Baron sa panaginip dahil pagod siya.
"Gising na! Gabi ka na nga umuwi, tanghali ka pa magising?"
Halos maiyak si Hael sa narinig. Wala na. Nandito na naman siya sa mundo ng nakaraan.
"Lola, pagod po ako." Tinakpan niya ng unan at tainga pero hinatak naman ito ng matanda.
"Nasa labas ang kasintahan mo! Ke bata-bata, naglandi ka na?"
"Lola naman, hindi po kami ni Baron! Wala kaming relasyon!" sagot niya saka naiinis na tumayo.
"Ang tanda ko na para lokohin mo!" sagot ng matanda at tinaasan siya ng kilay. Pabalya niyang binuksan ang pinto at hinarap ang binatang nasa sala.
"Bakit ka nandito?"
"Bakit mo ako iniwan kagabi? Sino ang naghatid sa iyo?"
"May paa ako kaya marunong akong umuwi! Pakiusap, matulog muna ako!"
Sa mukha nito, alam niyang nasa trouble siya.
"Sumama ka sa akin!"
"Not now, Baron. I'm so tired!" pakiusap niya pero hila-hila na naman siya nito palabas ng bahay at pinasakay sa ducati. Walang imik na yumakap siya sa bewang nito. Ganoon pa rin ang amoy nito, mabango at kaysarap langhapin.
Tumigil sila sa bahay ni Baron at tumungo sa helipad.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya nang nakasakay na sila sa chopper.
"Basta! Tumahimik ka na lang diyan!"
Sa isang island sila ibinaba ng piloto.
"Ang ganda naman! Saan na tayo?" tanong niya nang mapansin ang puti at mapinong buhangin. Ngayon lang siya nakapunta sa lugar na ito.
"Guimaras," sagot ng binata.
"Ang ganda! Sa inyo ito?" manghang tanong ni Hael.
"Yes, private resort namin. Mabuti naman at nagustuhan mo."
"B-Baron?" tawag niya habang naglalakad sila sa dalampasigan. Ang sarap langhapin ng sariwang hangin.
Tumigil ito at hinarap siya.
"Bakit, Hael?"
"May gusto ka ba sa akin?" prangkang tanong niya. Tutal, panaginip lang naman ito. Napangiti siya nang namula ang pisngi nito. Akalain mo 'yon? Nahiya ang mokong?
"W-Wala ah. Bored lang ako kaya bilabg kabayaran, samahan mo ako rito!"
"Wala ka bang mga kaibigan at ako ang kinukulit mo?"
"Meron, inagaw lang ng iba ang bestfriend ko," malungkot na sagot ni Baron at sinipa ang puting shell sa daanan.
"Sino ka ba talaga? Bakit ikaw palagi ang kasama ko? Ano ang kinalaman mo sa pagkatao ko?" desperadang wika ni Hael.
"Pinagsasabi mo? Malay ko diyan sa pagkatao mo!" sagot ni Baron.
"Baron? Nagmahal ka na ba?" tanong niya.
"Anong tanong 'yan? Ang weird mo!" pagsisinuplado ni Baron. Ang weird nga niya dahil ang cute nito sa mga mata niya. Napailing siya. Mali yata ang iniiisip niya? Pero ang guwapo nito.
"May boyfriend ka ba, Hael?" seryosong tanong ni Baron.
"Wala," sagot ng dalaga.
"Good."
"Bakit, Baron?"
"Mula ngayon, ikaw na muna ang gawin kong girlfriend!" Naguguluhang pinagmasdan niya ang binata. Seryoso ito sa sinabi.
"B-Bakit ako?" Alam ba nitong hindi siya nararapat sa mundo nila? Dahil sa future naman talaga siya nakatira?
"Dahil gusto na kita!"
Natigilan si Hael. Biglang bumilis ang puso niya. Gusto raw siya ni Baron? Napakagat siya sa ibabang labi. Alam niyang mali pero bakit parang gusto rin niya?
"Mula ngayon, akin ka na, Hael! Girlfriend na kita at ako na ang boyfriend mo!"
Geez! Mukhang wala na siyang takas.

The Adventure of Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon