16

532 30 0
                                    


The Adventure of Sleeping Beauty

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 16

Unedited....

"Bakit ako?" nagtatakang tanong ni Hael.
"Wala," sagot ni Baron.
"May dapat ba akong malaman?"
"Wala naman. Baka agawin ka lang ni Lee sa akin!" sagot ni Baron. Lahat yata ng bagay na meron siya, inaagaw ni Lee.
" Praning ka lang," wika niya. Nang makarating na sila sa Festival mall sa Alabang, gumala muna sila hanggang sa nakarating sila sa may ilog.
"Wow! Ang daming tilapia!" tuwang-tuwa naman si Hael sa nakikita. May mga namimingwit pa sa ilalim ng tulay. "Baron, may pagong!" Tinuro niya ang malaking pagong na nasa gilid lang ng malaking bato.
Napatingin si Baron sa dalaga na nakikisabay sa mga batang tuwang-tuwa habang pinagmamasdan ang mga isda na visible sa tubig.
"Hindi ba bawal manghuli?" tanong ni Hael. Ang alam niya ang nag-e-exist na ito sa mundo niya pero hindi lang niya napuntahan.
"Oo, pero para ka namang tanga kapag manghuli ka diyan!" sagot ng binata.
"Saan nila ibinebenta ang mga isda?" tanong ni Hael. As in ang dami talaga.
"Diyan sa labas ng Starmall." Ang mga nagbebenta sa gilid ng daan pagbaba mo ng bus ay rito galing. Hindi naman bawal ang panghuhuli.
" Hael?" Pumuwesto si Baron sa likuran niya at ipinulupot nito ang mga kamay bewang ni Hael. "I love you."
Napangiti ang dalaga at napapikit. Totoo si Baron. Totoo ang init ng yakap nito. Totoo ang mainit na hininga nitong dumadampi sa balat ng leeg niya. Totoo ang ingay ng mga kabataang humahalakhak sa palibot nito.
"Sana ganito na lang tayo palagi para masaya," bulong ni Baron at masuyong hinalikan ang leeg ng dalaga at mas hinigpitan ang pagkakayakap dito.
"B-Baron..." sambit ni Hael at pinisil ang mga kamay ng binata. If only she could bring him to her present time. If only their time could meet in the middle, they would be the happiest couple on earth. If only.
"Are you okay?" puno ng pag-alalang tanong ni Baron at iniharap si Hael sa kaniya saka hinawakan sa pagkabilang maligat. "Did I hurt you? I-I'm sorry," masuyong pinahidan niya ang mga luha ng dalaga kaya mas lalong umagos ang luha nito.
"No," malumanay na sabi ni Hael at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Baron. Kahit nakapikit, makakabisado niya ang maamo at makinis na mukha ng binata. Gusto niya ang makapal na kilay nito na nagpa-badboy tingnan. "Masaya lang ako dahil kasama kita. Masaya lang ako dahil minahal mo ako kahit na ngayon lang tayo magkita."
Ngumiti si Baron kaya mas lalong na-inlove si Hael dahil sa pantay-pantay ang mapuputing ngipin.
"Masaya rin ako dahil dumating ka sa buhay ko, Hael. Masaya ako dahil ikaw ang naging rason kung bakit ngumiti na naman ako." Si Hael na lang ang meron siya. Ito na lang ang dahilan kung bakit mas gustuhin niyang mabuhay at gumising araw-araw. Sa pamilya niya, busy ang parents niya sa pagpakayaman. Sa mga kaibigan naman, wala na. Kinuha na ni Lee sa kaniya. Sina Ryan, Adrian at iba pa. Kaya nga hindi na natuloy ang pagsanib puwersa nilang magpatayo ng fraternity. Nabalitaan na lang niya noon na bumuo na sina Ryan kasama si Adrian kaya nang yayain siya, mas pinili niyang magtatag ng sarili niya. PKB o Phi Kappa Beta.
Dinala siya ni Baron sa mamahaling restaurant pagkatapos ay niyayang pumunta sa Laguna Bay at sabay na pinagmasdan ang papalubog na araw.
"Sana palagi kitang kasamang pumunta sa dagat at pagmasdan ang papalubog na araw," sabi ni Baron habang nakaupo sila sa malaking bato sa pusod ng dagat.
"Sana sa paggising ko, ikaw ang kasama kong pagmasdan ang papasikat na araw," sabi ni Hael na nakatingin sa dulo ng karagatan na humahalik sa langit.
"Iuwi na tayo, bukas naman," sabi bi Baron at inakay na siya patungo sa sasakyan para ihatid sa bahay nila.
"Baron!" tawag niya nang papasok na siya ng gate at tumakbo pabalik sa binata.
"Hey, pumasok ka na, madilim na," natatawang sabi ng binata. Nagulat siya nang yakapin siya ni Hael. Paano ba niya tatanggihan ang babaeng ito? Hindi niya kaya. Gumanti siya sa mga kayap nito.
"Mami-miss kita, Baron. Mami-miss kita!" naiiyak na sabi ni Hael. Hindi niya alam kung kailan sila muling magkita o magkikita pa ba sila? "A-Ayaw ko nang magising. A-Ayaw ko nang isipin na sa pagmulat ng mga mata ko, hindi na ikaw ang makikita ko," humihikbing sabi niya.
"Don't worry, darating ang araw na magkasama tayo palagi," sabi ni Baron.
"P-Paano," malungkot na sabi ni Hael at mas isiniksik ang mukha sa dibdib ni Baron. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito. Si Baron lang ang nagparamdam sa kaniya na ligtas siya. Na ganito kasaya ang buhay.
"Basta magkakasama rin tayo, gagawin ko ang lahat para madala kita sa harap ng altar..."
Napatingala si Hael para pagmasdan ang mukha ng binata.
"Tama ang pagkakarinig mo, papakasalan kita," seryosong sabi ni Baron at dinukot sa bulsa ang mamahaling singsing. Kanina pa niya ito pinag-iisipan pero naduduwag siya.
"I know it's too early but Hael, will you marry me?" tanong nito kaya mas lalong umiyak ang dalaga. "Wala ka rin namang magagawa kaya yes ka na!" Hindi na niya hinintay ang sagot ni Hael saka inilagay sa daliri nito ang mamahaling singsing na gawa sa diyamante.
"Alis na ako!" paalam niya sa dalaga. Takot siya na baka tumanggi ito. Someday, papakasalan niya si Hael. Someday, gagawin niya itong asawa niya at gagawa sila ng buonat masayang pamilya.
Napanganga si Hael at pinagmasdan ang kumikinang na singsing sa daliri niya. Hindi siya makapaniwalang engaged na siya kay Baron.
-------------------
"Jacob?" Nanlaki ang mga mata ni Hael nang pagmulat ay nakaupo sa gilid ng kama si Jacob at pinagmasdan siya.
"Ang himbing ng tulog mo," wika ng binata at tumayo. "Akala ko nga, hindi ka na magigising."
"Ano ang ginagawa mo rito? Bakit nakapasok ka?" tanong niya at bumangon. Kanina pa ba ito? Pasimpleng pinahidan niya ang bibig dahil baka tumulo ang laway niya.
"Binuksan ko ang pinto," sagot ni Jacob. "Gisingin lang sana kita para kakain na tayo."
"Inaantok pa ako," sabi ni Hael. Alas siyete na pala ng umaga nang tingnan niya ang alarm clock sa ibabaw ng maliit na mesa sa gilid ng kama.
"Huwag ka nang matulog, kakain na tayo." Hinila ni Jacob at kumot para hindi na makatulog si Hael kaya napilitan na ring bumangon ang dalaga.
"Five minutes, maghihilamos lang ako," sabi niya at pumunta na sa bathroom.
Matapos ang ritwal sa loob ng banyo ay lumabas na siya sa kuwarto.
"Kain na," nakangiting sabi ni Jacob at hinila ang isang silya para sa kaniya. May fried rice, tocino, hotdog, omellete at papaya sa ibabaw ng mesa.
"Ikaw ang nagluto?" tanong niya at naupo.
"Si Manang, pumunta rito para ipagluto tayo," sagot ni Jacob at lumapit sa ref. "Ano ang gusto mo? Coffee, tea, fresh milk, orange juice, apple juice, o hot choco?"
"Tubig na lang," sagot ni Hael pero fresh orange juice ang inilagay ni John Jacob sa tabi niya. "Bago lang 'yan, kaka-squeeze ko lang 'yan kanina."
"Salamat, nagtanong ka pa," sabi niya. Napasulyap siya sa binatang kaharap. Matangkad ito, guwapo at makinis din ang mukha na halatang kaka-shave lang.
"Alam kong guwapo ako pero iba pa rin kapag mabusog na ang mga mata mo, busog din ang tiyan mo," sabi nito at nginitian siya.
"Yabang mo!"
"Iba ang yabang kaysa sa may ipinagmamayabang!"
Hindi na siya nagsalita. Sa halip ay kinuha ang kanin at nilagyan ng plato.
Pinakiramdaman niya si Jacob na maganang kumain. Tumigil siya sa pagsubo at pinagmasdan ito. "J-Jacob? Kanina, ilang oras kang nasa kuwarto bago ako nagising?" tanong ni Hael.
"Pagkatulog na pagkatulog mo, saka ako pumasok pero sa huwag kang mag-alala, sa couch naman ako nahiga."
Nanlaki ang mga mata ni Hael. "D-Doon ka rin natulog?"
"Wala namang masama. Magkaiba naman ang higaan mo!" depensa ng binata. E sa natatakot talagma siya sa kidlat.
"Sabi mo hindi ka matutulog doon!" Galit na siya.
"Ano ang masama kung tutulog ako? Kapag mag-asawa na tayo, magkatabi na tayo kaya dapat na masanay ka na."
Natigilan si Hael at napahawak sa leeg niya saka napatingin sa mga daliri. Walang kuwentas at walang singsing.
"Hindi ka naman naghihilik at naglalaway kaya huwag kang mahiya!" sabi ni Jacob kaya sumalubong lalo ang mga kilay ng dalaga. "May sinambit ka lang na pangalan."
"P-Pangalan? K-Kaninong pangalan?" Napakagat siya sa ibabang labi. Si Baron lang naman ang nasa panaginip siya.
"Akin," mahinang sagot ni Jacob.
"As if naman na sambitin ko ang pangalan mo!" sabi ni Hael at uminom ng orange juice.
"Alangan naman sa Baron na iyon?" Tumaas na ang boses ni Jacob kaya uminom ulit si Hael ng juice. Hindi kaya nasambit talaga niya ang pangalan ni Baron?
"N-Nasambit ko ba talaga ang pangalang Baron?" nag-aalinlangang tanong niya. Biglang dumilim ang mukha ni Jacob.
"Sino siya? Bakit mo sinambit ang pangalan niya?" tanong ni JJ na ikinuyom ang mga kamao. Kanina pa niya gustong magwala pero pinipigilan lang niya. Habang tinitigan niya si Hael, sinambit nito ang "Baron" kaya umakyat ang lahat ng dugo niya sa ulo.
"W-Wala, hindi ko rin alam," tanggi ni Hael at ipinagpatuloy na ang pagkain dahil pinapatay na siya ni Jacob sa paningin nito.
"Sana huwag mo na siyang mapanaginipan!" ani Jacob kaya biglang nasaktan si Hael. Hindi puwede! Hindi niya kayang hindi makita si Baron. Kung puwede nga lang na manatili siya sa panaginip niya, gagawin niya.
"At kung totoo man siya, huwag ka nang makipagkita pa sa kaniya!"
"B-Bakit?"
"Dahil nagseselos ako!" sigaw ni Jacob at napahilamos sa mukha. Kanina pa 'to e. Kanina pa niya pinipigilan ang sariling magwala dahil baka magalit si Hael sa kaniya pero hindj na niya kayang kimkimin. "Oo, nagseselos ako at naiinis ako sa 'yo dahil hindi mo ako pinapansin! Balewala lang ako sa 'yo, habang ako, heto, umaasa na mahalin mo rin!" Tumayo na siya at muling pinagmasdan ang naiiyak na dalaga.
"S-Sorry, kasi... M-Masakit na eh! N-Nagseselos ako," pag-amin niya saka tinalikuran si Hael dahil kahit siya, nahihiya rin sa pag-amin niya. Ang hirap kayang amining nagseselos siya.

The Adventure of Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon