The Adventure of Sleeping Beauty
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 29
Unedited...
"Kain na tayo," yaya ni Ann nang lapitan ang dalawang nakaupo sa nausling malaking ugat ng punong mangga.
"Kain na tayo, Hael," sabi ni Jacob at inalalayan ang dalagang tumayo. Nag-uusap lang naman sila tungkol sa mga gagampanan ni Hael bilang sorority queen.
Pagpasok nila sa bahay, wala na ang tatlong kapatid.
"Nasaan na po sina Kuya LL?" tanong ni Anndy na kakaupo lang.
"Umalis!" nakasimangot na sagot Ann at naupo na rin sa tabi ng asawa na kaharap ng tatlo.
"Kain ka ng marami, Hael," sabi ni Jacob at nilagyan ng kanin ang plato nito. "Alam kong mahilig ka sa seafoods."
"S-Salamat," naiilang na sagot ni Hael. Asikasong-asikaso talaga siya ng binata.
"Alam kong nagugutom ka," nakangiting sabi ni Ann at inabot ang beef steak.
"Mom, allergic po yata si Hael sa onions," sabi ni Jacob saka hinarap si Hael. "Kumain ka na, hindi masarap kumain kapag marami ang ulam."
Sinimulan nang kumain ni Hael. Ang sarap ng garlic butter shrimp.
"Hija?" tawag ni Ann na hawak pa rin niya ang platong may beef steak. "Allergic ka ba talaga sa onions?"
"Opo," sabat ni John Jacob.
"Naku, hindi po," magalang na sagot ni Hael.
"Talaga?" Lumiwanag naman ang mukha ni Ann. "Tikman mo ang niluto ko, masarap 'to!"
Napasulyap si Ann kay Hael na masaya ang mukha. Si Jacob naman ay namumutla na at namamawis.
"Ikaw ho ang nagluto niyan?" manghang tanong ni Hael. "Paborito ko rin po ang beef steak, masarap din pong magluto ang nanay ko! Naalala ko pa nga noong nasa Leyte ako, palaging nauubos ang isang kalderong kanin sa amin ni Tatay."
"Ayiee! Si Dylan, nauubos din niya ang isang kalderong kanin!" pagmamalaki ni Ann. Ang dami kayang kanin ng asawa.
"Mom? Mamaya na lang kakain si Hael, puno pa ang plato niya," sabat ni John Jacob.
"Okay lang, Jacob," ani Hael, "Gusto ko ring kumain ng beef steak. Isa pa, pinaghirapan naman ni Tita Ann ang pagluto." Napansin niyang hindi gumagalaw ng beef steak ang magkapatid. Si Dylan lang ang maganang kumakain at ang dami pa ngang kanin ang sinusubo.
"Kyaaah. Love na kita, Hael!" sabi ni Ann at inabot ang plato ng beef steak.
"Kunti lang ang kunin mo, bawal kumain ng marami," sabi ni Jacob habang naglalagay sa plato si Hael. Nahiya naman ang dalaga kapag marami ang ilagay niya. Baka sabihin ng mga ito, patay-gutom talaga siya. Pero masarap kasi ang pagkakaluto ng ulam tapos itong beef steak, ang bango pa ng amoy, nakakagutom.
Masaya siya dahil nararamdaman niyang welcome siya sa mga ito lalo na sa ina ni Jacob. Walang pili si Ann sa magugustuhan ng anak kahit na mahirap lang siya.
Kinain niya ang isang pirasong beef.
"Tubig?" nag-aalalang tanong ni Jacob sabay abot ng isang basong tubig kay Hael nang mapansing umiba ang awra nito.
"S-Salamat." Kinuha niya ang tubig at inubos ang laman nito.
"Kamusta ang luto ko? Masarap ba?" tanong ni Ann na nag-aabang ng sasabihin ni Hael. "Alam mo, niluto ko talaga 'yan at kagabi ko pa na-marinate dahil sabi nila, pupunta ka," pagku-kuwento niya. Matagal na niyang hinihintay na bisitahin siya ni Hael kaya nang sabihin ng magkapatid na pupunta ito, hindi na siya nag-aksaya ng panahon.
"Po?" tanong ni Hael at napasulyap kay Jacob na namumula na ang mukha sa sobrang hiya. Kung kailan nanliligaw siya kay Hael, mukhang ang ina pa ang magpapahamak sa kaniya.
"Hindi ba masarap?" malungkot na tanong ni Ann.
"Masarap po!" sabi ni Hael at napasulyap kay Dylan na sarap na sarap sa kinakain. Nakailang subo pa nga ito ng kanin bago muling isubo ang beef steak.
Muli siyang sumubo ng isa pa pero ganoon pa rin ang lasa. Ngayon ay naintindihan na niya kung bakit pinigilan siya ni Jacob kanina. Kakaiba talaga ang lasa ng beef steak nito. Walang kasing asim at alat. Basta hindi niya maipaliwanag. Babad na babad pa ito sa paminta, toyo at kalamansi kaya pumait din. Basta mahirap i-explain.
"Kumain ka pa ng marami!" alok ni Ann. Nahihiya siyang ipakitang hindi siya nasasarapan kaya dinamihan na lang niya ang kanin. Mabuti na lang dahil pinuno na ni Jacob ang plato niya ng iba pang ulam para hindi na siya kumuha pa ng beef steak. Dinamihan na lang niya ang pag-inom ng tubig para iwas na magkaroon ng bato sa kidneys.
"Alam mo, araw-araw mong matitiman 'yan kapag mag-asawa kayo ni Jacob. Ipagluluto ko kayo ni GV!" excited na sabi ni Ann kaya napayuko si Jacob. Si Anndy naman ay nakangiti habang nakikinig sa kanila.
"Kainis!" bulong ni Jacob. Wala na. Ang ina niya ang magpapahamak sa kaniya. Naramdaman niya ang kamay ni Hael na humawak sa kamay niyang nasa ilalim ng mesa.
"Okay lang," bulong ni Hael at pinisil ang kamay niya.
Pagkatapos ng torture na pagkain, lumabas sila ni Jacob sa veranda para mag-usap.
"Pasensiya ka na sa luto ng mommy ko," paumanhin ng binata.
"Wala iyon, naintindihan ko," sagot ni Hael na napatitig sa mukha ni Jacob.
"H-Hael? Huwag mo akong titigan ng ganiyan."
"Bakit?"
"Naiilang ako," sagot ng binata. Ang hirap makipag-eye to eye contact sa taong mahal na mahal mo na para bang isinisigaw rin nito na mahal ka niya pero ayaw mong umasa.
"Bakit ka maiilang?"
"Kasi nga, mahal kita."
Ilang minuto ang katahimikang namayani sa dalawa.
"H-Hael, m-may pag-asa ba ako sa 'yo?" Kailangan niyang malaman ang totoo.
"Ano sa tingin mo?" balik-tanong ng dalaga at nginitian si Jacob.
"H-Hindi ko alam e. Ayaw kong umasa. Pero sana."
"Paano kung mahal din kita, ano ang gagawin mo?" Kahit pumikit siya, ang guwapong mukha ni Jacob ang nakikita. Sa tuwing maalala niya na iniyakan siya nito noong hindi siya magising, kinikilig siya.
"P-Papakasalan kita," seryosong sagot ni Jacob. Hindi siya nagbibiro. Ano mang oras, papakasalan niya si Hael kapag sinagot siya nito.
"Huwag na lang pala kita munang sagutin, ayaw ko pang mag-asawa eh!" sabi ni Hael kaya ang mukha ni Jacob ay parang binagsakan ng langit.
---------------------------
Tatlong araw na magmula nang nagpaturo siya ng self-defense sa quadruplets. Tuloy-tuloy lang hanggang sa matuto siya. Tumayo si Hael at napasulyap ang maskarang nakasabit sa dingding dito sa opisina niya. Lumapit siya rito at pinagmasdan ang mga diyamante.
"Long time no see," bulong niya saka hinaplos ang ilang diyamente sa gitna ng maskara. Hindi siya puwedeng magkamali, ito ang mga diyamanteng nasa kuwentas ni Hael noon. Napansin niya ang itim na tuldok sa gitna ng ilang diyamante.
Ayon sa Lolo Gawdin niya, binawi ni Patch ang lahat ng isinangla at binenta ni Baron. Nang halughugin nila ang mansion na tinitirhan ni Baron, kinuha nila ang kuwentas at singsing na nakatago sa volt kasama ang ilan pang mga alahas. Ang akala nito, sa maskara nito kinuha ang mga diyamante at sadyang pinagawa ng kuwentas at singsing.
"Kung saan ka man ngayon, salamat. Alam kong masaya ka na kasama ang totoong Hael na minahal mo," bulong ng dalaga. Oo, minahal niya si Baron pero kailangan niyang harapin ang kasalukuyan lalo na ang mga taong totoong nagmamahal sa kaniya bilang siya.
"Miss Hael?" tawag ni Arnold na kakapasok lang. May kasamang babae.
"Bakit?" tanong niya.
"May naghahanap sa 'yo."
"Salamat!" sabi ni Hael at pinaupo ang babaeng nasa singkuwenta ang edad. Nang makalabas na ang binata, may iniabot ang babae sa kaniyang puting folder kaya nagtatakang binuksan niya ito. Mga dokumento.
"Ano ang ibig sabihin nito?" nagtatakang tanong niya habang nakatitig sa binabasa. Charity and foundation na nakapangalan sa kaniya.
"As you can see, mga dokumentong nagpapatunay na ikaw ang nagmamay-ari o ikaw ang tagapagmana niyan." Naguguluhan siya sa natuklasan. "By the way, I am Attorney Sanchez, anak ng dating abogado ni Baron Angeles," pagpakilala nito kaya nanindig ang balahibo ng dalaga nang marinig ang pangalan ni Baron.
"B-Bakit ako?"
"Noong dalaga pa ako, nakausap si Tito Baron bago pumunta sa China. Ang sabi niya, lahat ng natitirang ari-arian niya na hindi nakuha ng mga Lacson, ay ilipat ko sa pangalan ng apo ng matalik niyang kaibigan," pagsalaysay ng kaharap. May beach resort pa at malaking halaga ng pera sa bangko.
"P-Pero hindi ko siya kadugo," nag-aalalang sabi ni Hael. Ngumiti ito.
"Yes, you are!" sabi nito kaya napakunot ang noo ni Hael.
"Am I?"
"Yes, Hael."
"P-Paano?" nagtatakang tanong ni Hael.
"Bago pa maikasal ang Lola Rosa at Lolo Gawdin mo, buntis na si Tita Rosa noon sa nanay mo."
Natigilan si Hael sa nalaman.
"A-At si B-Baron ang ama ng anak ni Lola Rosa na ngayon ay nanay ko?"
"Yes," sagot ng babaeng kaharap.
"Pero hindi minahal ni Tito Baron si Tita Rosa. Ginawa lang niya itong panakip butas para maibsan ang pangulila sa dating kasintahan. At nang malaman niyang buntis si Tita Rosa, iniwan niya ito at sinalo naman ng Lolo Gawdin mo. Siya ang umako ng responsibilidad ni Tito Baron dahil mahal niya si Rosa hanggang sa natutunan din siyang mahalin ng lola Rosa mo." Nakausap na niya ang dalawa pang kamag-anak ni Baron pero tinanggihan nila ang ari-arian nito kaya kay Hael mapupunta ang lahat.
Ilang minuto nang wala ang matandang babae pero sumasakit pa rin ang ulo niya. Minahal at itinuring siya na parang tunay na apo ng Lolo Gawdin niya at ang first love niya ay tunay pa niyang lolo, si Baron.A/n;
Wala akong maisulat kaya sinubukan kong magtipa ng keypad at nadala ako sa ganitong eksena. When you're writing on the spot. Lol!

BINABASA MO ANG
The Adventure of Sleeping Beauty
ПриключенияHindi niya alam kung saan nagsimula ang lahat. Hindi niya alam kung totoo ang mga nangyayari sa panaginip niya, pero isa lang ang sigurado ni Hael, mahal niya ito! Mahal niya ang lalaking nakikita niya sa kaniyang panaginip, si Baron! Pero ang pinak...