25

768 41 0
                                    


The Adventure of Sleeping Beauty

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 25

"Hi!" masiglang bati ni Jacob nang lumabas
ang dalaga sa lumang gate nila.
"Hello!" nakangiting bati ni Hael.
"Shall we?" Yumukod pa ang binata kaya
napangiti si Hael.
"Loko ka! Huwag ka ngang ganiyan!" saway
niya. Nakakailang.
"Normal lang naman na yumukod ako sa iyo,
mahal na reyna!" todo ngiti na sabi ni Jacob
at napatingin sa maamong mukha ng
kaharap.
Ang inosente nitong pagmasdan sa white
plain shirt, white cap and red sling bag.
"Tigilan mo nga ako!" napailing na sabi ni
Hael at napatingala sa binatang maaliwalas
ang mukha.
Pinagbuksan siya nito ng pintuan para
sumakay.
"Thanks, Jacob!" pasalamat niya saka
sumakay na at inayos ang seatbelt.
"Are you ready?" he asked.
"A little bit nervous," she honestly
answered.
"Nandito lang kaming apat, handang
sumuporta sa 'yo in case you need us,"
panigurado ng binata kaya ngumiti si Hael.
Hanggang ngayon, hindi pa rin siya
makapaniwalang siya ang nanalo kagabi. Siya
na ang bagong sorority queen pero magulo
pa rin ang utak niya. Ang daming
katanungang hindi pa nasasagot.
"P-Paano kung ayaw nilang sumunod sa
akin? Paano kung lalaitin lang nila ako?"
"They shouldn't," ani Jacob at hinawakan
ang kamay niya. "Ako ang makakalaban nila,"
he added.
Habang nasa biyahe, hindi mapigilan ni Hael
na mag-isip. Paano kung mas lalong
magkagulo dahil siya ang nanalo? Pero sabi
ni Jacob, tutulungan daw siya.
"We're here," he said at faced her. "Are you
ready?"
"No," she replied.
"C'mon, kaya mo 'yan. Tandaan mo, ikaw
ang napili ng maskara. Ibig sabihin, may
tiwala siya sa 'yo lalo na sa kakayahan mo,"
pagbibigay lakas-loob ni Jacob. Walang
pasok ang buong CTU ngayon dahil
idineklarang rest day. Pero ang lahat ng
kasapi ng kapatiran ay kailangang bumalik
para sa community service. Ang daming
kalat kagabi kaya kailangang linisin ang
buong paaralan.
"Who would have thought? Ikaw pala ang
matagal nang hinahanap ng maskara ni Lola
Patch."
"W-What if ako ang nanalo dahil sa utang na
loob?" tanong niya kay Jacob.
"Wala ka bang tiwala sa sarili mo?"
"Jacob, seryoso ako. Paano kung ako lang
ang pinili ng maskara dahil may utang na
loob ang isang tao sa akin?" Naaalala niya
ang pagligtas niya kay Patch. Baka ito ang
naging kapalit sa lahat ng ginawa niya
noon?
"Malaki ang responsibilidad na gagampanan
mo bilang isang sorority queen. Kung utang
na loob ang lahat, bakit kailangan mong
magkaroon pa ng pasanin sa buhay? Pwede
ka namang bayaran ng taong iyon ng pera o
sa ibang bagay," sagot ng binata. Hindi
mukhang pera si Hael kaya kampante silang
hindi nito aabusuhin ang lahat ng ipinamana
ng yumaong lola. "Huwag mo nang isipin
iyon, okay? Ang mahalaga, napunta sa tama
at mabuting tao ang pinakainiingatan ng
pamilya namin."
Bumaba si Jacob at pinagbuksan si Hael ng
pinto.
"Ang kamay mo," wika ni Hael nang akbayan
siya.
"Arm stretching," pilyong sabi nito kaya
napailing na lang si Hael. Hindi pa sila ni
Jacob dahil hindi pa naman ito nagtanong sa
kaniya kung sila na ba?
"Good morning!" bati ni Ann nang lingunin
sila.
Lumapit siya kay Hael at niyakap ang dalaga.
"Kumain ka na, Hael?"
"Opo," magalang na sagot ng dalaga.
"Dahil first day mo ngayon bilang sorority
queen, bibigyan kita ng kiss!" sabi ni Ann at
hinalikan sa kaliwang pisngi ang dalaga.
"Ang ganda talaga ng mga manugang ko!"
puri niya na hindi pa rin inalis ang mga mata
kay Hael. Nailang tuloy ang dalaga.
"Mom? Tama na, baka hindi pa ako sagutin
ni Hael dahil sa 'yo," saway ni John Jacob.
"Hindi pa kayo?" nanlaki ang mga matang
tanong ni Ann at palipat-lipat ang mga mata
sa dalawa.
"Mommy naman. Ini-enjoy lang namin ang
moment na magkasama kami ni Hael,"
depensa ng binata at pinisil ang balikat ng
dalaga. Marami ang mga bumalik ngayon at
naglilinis ng buong CTU. Ang iba ay sa labas
na ng paaralan at may ang ibang fraternity
ay nagbibigay ng pagkain sa mga batang
lansangan.
"Kapag walang gulo, maayos naman ang
fraternity at sorority sa paaralang ito," wika
ni Ann habang nanonood sa dalawang grupo
ng sorority na gumagawa ng bracelet gamit
ang beads para ipamigay sa mga batang
may cancer.
"Pero hindi lahat ng oras ay tahimik,"
mahinang sabat ni Hael. Hindi maiiwasan lalo
na sa ibang chapters.
"Yes, pero kahit paano, alam nilang may
hahawak na sa leeg nila oras na gumawa sila
ng katarantaduhan," ani Jacob.
"At kayong apat lang naman ang nag-
uumpisa ng gulo!" nakasimangot na sagot ni
Ann. Ilang beses na kaya silang pinatawag sa
guidance dahil sa apat na 'to. Ang
pinakamalala ay kay Lance Leonard na dinala
pa ang pusa nitong si Pitoy at ayaw
magpaawat.
"Mom, pupunta lang ho kami sa office,"
paalam ni Jacob. Okay na ang opisina para
kay Hael.
"Sige, hanapin ko lang si Dylan," sabi ni Ann.
Kanina pa iyon nagtatampo dahil ayaw
niyang makipag-body bonding kagabi.
Iginiya ni John Jacob si Hael sa opisina nito.
Naabutan nila si Arnold na may ipinatong sa
mesa ni Hael. Iginala ni Hael ang paningin.
Maliit lang ang opisina at lahat ng gamit ay
kulay itim pero malinis tingnan.
May maliit na silid para tulugan at nasa
closet ang lahat ng damit na gustong suotin
kapag gusto niyang mamalagi rito. Isa lang
ang bathroom na mas mabango pa kaysa sa
bahay nila sa Nichols.
"Brod, heto na pala ang mga listahan ng
miyembro ng bawat fraternity."
"Nandiyan na ba ang list ng sa atin?" Ito ang
bilin sa kaniya ni Hael kagabi bago sila
maghiwalay. Isa-isahin ng dalaga ang lahat
ng miyembro ng fraternity dahil ibibigay na
nina Dylan ang access sa site ng fraternities
at sororities para mailipat na ang lahat ng
documento rito. Magagaling ang
pinagkatiwalaan nilang IT at sinigurado
nilang hindi mapasok ng hacker.
"Labas na ako, brod," paalam ni Arnold sa
kaibigan.
"Mabuti naman," sagot ni Jacob. Kanina pa
niya gustong masolo si Hael kaya ngumisi
ang matalik na kaibigan. Ito ang bestfriend
nilang apat lalo na ni LL. Mapagkatiwalaan
naman si Arnold.
Nang makalabas na ito, ini-lock ni Jacob
ang pinto kaya napakunot ang noo ni Hael.
"Para walang makaistorbo dahil magiginv
busy tayo," pagdadahilan niya. Ayaw talaga
niyang may makaistorbo sa kanila. Tumango
ang dalaga at naupo na sa upuan at binuklat
ang mga papel. Inilista niya sa isang papel
kung sino ang leader at kung ilan ang legal
na kasapi ng isang fraternity at kapag wala
sa listahan nila, hindi iyon legal na kasapi ng
kapatiran.
Balak din niyang bigyan ng isang lugar ang
bawat fraternity para sa community service
at least once a week. Kailangang dumaan sa
tatlong buwang servicing bago pa i-hazing
ang neophytes. Mahaba pa ang panahon
para mag-isip ng ikabubuti ng lahat.
"Kailangan mo ng tubig?" tanong ni Jacob
at inabot sa kaniya ang mineral water.
"Thanks."
"Don't pressure yourself, mahaba pa ang
panahon mo." Naupo siya sa harapan ng
dalaga. "Ikaw ang mag-isip, kami ang
magpapatupad."
Napatingala si Jacob sa maskarang nakasabit
sa dingding na nasa likuran ni Hael. Mas
pinili ng dalaga na rito na ilagay kasama ang
ibang paintings kaysa sa itago sa kung saan.
Hindi naman siya interesado sa maskara.
"Jacob, salamat sa lahat ng kabutihan mo,"
sagot ni Hael at tumayo dahil umiinit na ang
puwet niya sa kakaupo.
"Lahat ng kabutihan ko, may kapalit, Hael,"
seryosong sabi ni Jacob at tumayo saka
hinarap ito at hinawakan sa magkabilang
balikat. "Mahal kita at gusto kong maging
akin ka, Hael," seryosong sabi ni Jacob.
Hindi makakilos ang dalaga. Naririnig niya
ang malakas na kalabog ng puso habang
paunti-unting inilapit ni Jacob ang mukha sa
mukha niya.
Napalunok siya ng laway nang masuyong
hinahaplos nito ang pisngi niya. "I love you,
Hael," buong pusong saad ng binata bago
sakupin ang mapupulang mga labi ng
dalaga.
Hindi alam ni Hael kung ano ang gagawin.
Napapikit siya sa lambot ng mga labi ni
Jacob. Tumigil ang binata at tinitigan siya sa
mga mata. "I'm sorry but I love kissing your
lips." Bago pa makaisip ngnisasagot si Hael,
sakop na naman ng binata ang mga labi
niya. Ayaw man niyang aminin pero
nagugustuhan niya ang ginagawa ni Jacob
hanggang sa natibag na nito ang depensa
niya at ibinuka ang bibig para makapasok
ang mainit na dila ni Jacob. Kusang gumalaw
ang mga kamay niya para ipulupot sa leeg
nito upang hindi matumba.
Parehonh silang hinihingal nang maghiwalay
ang mga labi pero nakadikit ang mga noo.
"J-Jacob..." naiilang na sambit ng dalaga.
"I love you, m-mahal kita."
"Huwag kang umiyak," nakasimangot na sabi
ni Hael kaya umurong ang mga luha ng
binata.
"M-Mahal mo rin ba ako?"
"Halika na," yaya ni Hael at hinila ito palabas
dahil kanina pa siya nagugutom.
"Hindi mo talaga ako mahal," malungkot na
sabi ng binata nang buksan na sana ni Hael
ang pinto. Hinarap niya ang binata at
tiningala.
"Ano ang sabi mo?"
"W-Wala, sabi ko, mahal kita," nakangiting
sabi ni Jacob.

Nag-tip-toe si Hael at mabilis na ginawaran
ito ng halik sa mga labi para hindi na
magtampo.
Wala sa sariling napahawak si Jacob sa mga
labi. "H-Hinalikan mo ako," namumulang sabi
niya kaya natawa si Hael. Sa naging
reaksiyon ni Jacob, pakiramdam niya, siya
ang pinakamagandang babae ngayong araw.
"Ayaw mo?" tanong niya. Kunwari ay
nagtatampo rito.
"Hindi ah!" Sunod-sunod na umiling si
Jacob. "Anytime na gusto mo akong halikan,
gawin mo lang kahit na walang pahintulot.
Hindi ako magagalit."
Tumalikod si Hael at binuksan na ang pinto.
"Hinalikan ako ni Hael," bulong ni Jacob
habang nakasunod sa dalaga. Napatakip siya
sa bibig. Totoo ngang hinalikan siya ni Hael.
"Okay ka lang?" tanong ng dalaga nang
humarap sa kaniya. "Bakit namumula ka?"
"Wala, ah. Okay lang ako," sagot ni Jacob at
inakbayan si Hael. "Masaya lang ako dahil
nag-kiss tayo."

The Adventure of Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon