The Adventure of Sleeping Beauty
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 4
Unedited...
"Eh?" Lumingon si Jaffy kay Jacob na sinipa ang upuan niya.
"Huwag mo kasing takpan," bulong ni Jacob kaya sumimangot siya. Kaya mataas din ang grade nito e nangongopya lang ito sa kaniya.
"Cheater!" bulong ni Jaffy at hinayaan na lang itong mangopya sa kaniya. Basta siya, walang ginagawang masama. Ganiyan 'yan palagi. Akala mo e kung sinong matalino pero puro lang naman pangopya ang ginagawa. Pero minsan, mataas din talaga ang exam nito kahit na hindi nangongopya. Tamad lang ito mag-aral lalo na kapag nasa unahan siya nito.
Matapos niyang sagutan, tumayo na siya. Bahala si Jacob kung nakuha nito ang iba niyang sagot dahil may gagawin pa siya sa library.
Napasulyap siya kay Lee Patrick na nakatingin sa kaniya na para bang binabasa ang kilos niya. Nakakailang kaya lumabas na siya sa classroom.
Iniwan muna niya ang mga gamit sa locker room para hindi na siya mahirapan.
"Grabe! Ang pogi ni GV noh?" sabi ng babaeng nasa dulo ng locker.
"Sinabi mo pa! Kaya nga naiinis si LL sa kaniya."
"Hmp? Mas pogi pa rin ang quadruplets. Iba pa rin kapag lalaki!" nakangiting sabi ng isa. Lima silang magbabarkadang nag-uusap.
"Tama ba ang balitang nakikipag-sex si LL sa mga virgin?" tanong ng babaeng may mahabang baba at puno pa ng pimples ang mukha.
"Huwag ka nang mangarap, hindi ka naman virgin!" pang-aasar ng isa nilang kaibigan kaya nagtawanan sila.
"Si Lee Patrick? John Matthew at John Jacob, may nabalitaan na ba kayong girlfriend nila? O naka-one night stand man lang?" usisa ng isa. Inayos na ni Hael ang mga gamit at tumalikod na sa mga babaeng walang ginawa kundi bantayan ang kilos at galaw ng quadruplets.
"Wala pa. Pribado silang tatlo pero imposible namang wala e halos babae na nga ang luluhod para matikman lang nila!" Huling narinig ni Hael bago lumabas sa locker room. Tinatamad lang siyanv ilagay ang mga gamit sa baggage counter ng library dahil makikita ng mga estudyante kung gaano ka mumurahin ang mga gamit niya. Hindi naman sa ikinakahiya niya pero iwas sakit sa loob lang siya dahil sa mga mapanghusgang schoolmates.
Pagdating niya sa library, kinuha niya ang window cleaner at walis tambo. Sa pinakadulo siya mag-uumpisang maglinis.
Hindi na siya nananaginip tungkol kay Baron at sa matandang nag-utos sa kaniyang umutang ng itlog kaya naisip niya na panaginip lang talaga iyon. Siguro bunga na rin ng imahinasyon niya at pagpantasya na baka makatagpo siya ng lalaking medyo bad boy kagaya sa mga pelikula.
"Hi!" Lumingon siya sa lalaking nagsalita sa kaniyang likuran.
"Hello," bati niya at nginitian si Lee Patrick.
"Taga saan ka?"
"Nichols, Pasay pero province ko sa Leyte," sagot niya.
"Ah, doon ka nag-aral ng high school?"
"Oo," tipid na sagot niya at pinagpatuloy ang paglilinis ng bintana. Isang linggo na itong hindi nalinisan kaya medyo maalikabok na.
"Ang layo naman ng Leyte."
"Oo nga," pagsang-ayon niya. May iilang estudyanteng nakamasid sa kanila kaya naiilang siya.
Kahit nakatalikod, alam niyang nakatingin ito sa kaniya.
"Bakit mo ako kinakausap?" Hindi na niya napigilang magtanong.
"Hindi ka ba natutuwa na kinakausap ka ng isang sikat at may-ari ng paaralang ito?" balik-tanong ni Lee Patrick.
Umiling si Hael. "Nakapagtataka lang kasi. Wala naman tayong mahalagang bagay na dapat pag-usapan."
Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. "Just making a small conversation sa babaeng walang ibang ginagawa kundi ang matulog sa classroom pero matalino," sagot ni Lee Patrick at tumayo. "Pasensya na sa istorbo, Hael."
Nakahinga ng maluwag ang dalaga nang mawala na ang binata sa paningin niya pero may iilan pa ring nakadikit ang mga mata sa kaniya na para bang may ginawa siyang masama.
Matapos ang isang oras, lumabas na siya sa library para pumasok sa next subject nila. May fifteen minutes pa siya.
"Miss, sandali!" tawag ng isang estudyanteng kakalabas din ng library.
"Bakit?" tanong niya.
"Are you dating him?"
"Dating who?" tanong ni Hael. Wala naman siyang dine-date.
"Lee Patrick!" Nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig.
"Bakit naman ako makipag-date sa kaniya?"
"Malay ko! Pero oras na malaman kong nakikipag-date ka kay Lee Patrick, ako ang makakalaban mo!" taas noong pagbabanta ng babae na nagbabaga ang mga mata.
"Bakit, ano mo ba siya?" tanong niya. Kung kasintahan nito si Lee Patrick, bakit hindi niya alam.
"Nagde-date kami!" sagot ni Shane Ramirez.
"E di kayo na! Wala naman akong balak na agawin siya sa 'yo!" sagot ni Hael. Assumera lang ang kaharap niya. Date lang pala e.
"Dapat lang! Hindi mo ba ako kilala?"
"Sino ka ba?" tanong niya. Pakialam niya rito? Hindi naman niya ito kaklase.
"Ako ang leader ng Chi Omega sorority!" pagmamalaki ng kausap.
"Ah, okay!" walang ganang sagot ni Hael at tinalikuran ito pero hinila siya sa buhok kaya napaatras siya pabalik dito.
"Huwag kang bastos kung kinakausap ka!"
"Bitiwan mo ako!" Buong lakas niya itong tinulak kaya napaatras si Shane.
"Sis!" Agad na sumaklolo ang apat na kagrupo nito.
"Gusto mo kaming banggain?" sigaw ng isa at tinulak siya pero hindi naman natinag.
"Hindi ko kayo binabangga," sagot ni Hael. Natatakot siyang lumaban dahil baka ma-guidance siya.
"Hindi pala ha!" Sabay na siyang tinulak ng tatlo kaya napaupo siya.
"Aray!" daing niya nang pabagsak na maupo.
"Wala pang kumakalaban sa amin lalo na mga pobreng kagaya mo!" gigil na sabi ni Shane saka sinabunutan siya. Tatayo pa sana siya pero tinadyakan siya ng isa sa sikmura. Halos hindi na niya makita ang mga ito dahil sa buhok na nakatakip sa mukha niya.
"Hubaran ninyo!" Utos ni Shane sa mga kasama kaya napahigpit ang pagkahawak niya sa damit.
"T-Tama na!" pakiusap niya dahil hinahawakan na ng dalawa ang damit mga kamay niya.
"Ituloy n'yo ang kababuyang ginagawa ninyo sa kaniya dahil ako ang makakalaban ninyong lima!"
Lahay sila ay nanigas sa kinatatayuan nang makita ang naniningkit na mga mata ni John Jacob.
"J-Jacob..." nauutal na wika ni Shane. Ngayon lang nila ito nakaharap dahil mailap ang quadruplets.
"Pakialis ng mga mukha ninyo sa mga mata ko," mahina pero ma-otoridad na sabi ng binata at inabot ang kamay kay Hael para tulungan itong makatayo. Pupunta na sana siya sa tambayan nang makitang may tinitingnan ang mga estudyante.
Mabilis na umalis ang lima sa harapan niya. Namumula ang mukhang inabot ni Hael ang kamay nito saka tumayo.
"S-Salamat..." pasalamat niya habang nakayuko at hinila na ang kamay.
"Quits na tayo!"
Tumingala siya sa binata at nangunot ang noo. "Bayad na ako sa pagpapakopya mo sa akin," dagdag ni John Jacob. Tinatamad siyang mag-aral kaya nangongopya siya kay Hael.
Isang tipid na ngiti ang ibinigay ni Hael. Kung wala itong utang, tutulungan kaya siya nito?
Hindi na sumagot ang binata at tinalikuran na siya. Sumunod na lang siya dahil iisang classroom lang naman sila kahit na nahihiya siya sa mga estudyanteng nakatingin sa kaniya.
Natatakot siya dahil baka nakunan ng cctv camera ang nangyari at ma-kick-out siya.
Mabuti na lang dahil sinagot ng Panginoon ang panalangin niyang huwag istorbohin ng apat. Busy ang mga ito sa pag-uusap kaya nakaligtas siya. Nang uwian na, nag-abang siya ng jeep patungo sa bahay nila. Pagbaba niya sa 7/11, naglakad siya ng kaunti pauwi sa bahay nila.
"Magandang hapon po," magalang na bati niya sa lolo niyang nasa otsenta na ang edad at nagmano. Maliit lang ang bahay nila na gawa sa cemento pero luma na dahil may biyak na ang sahig sa gitna. Kahit ang bubong ay may butas na rin. Siya na lang minsan umaakyat para lagyan ng lumang gulong para hindi liparin ng hangin.
"Ang aga mo yatang umuwi, apo," sagot ng lolo niya. Malakas pa ito at ito ang kasa-kasama niya sa bahay dahil nasa probinsya ang mga magulang. Nag-iisang anak lang siya kaya ayaw pa sana siyang payagan ng nanay at tatay niya pero ipinangako niya sa sariling ipagpatuloy niya ang pag-aaral para maiahon ang mga ito sa kahirapan.
"May trabaho pa po kasi ako mamaya sa bar kaya hindi na ako nagbenta ngsigarilyo sa bus terminal," magalang na sagot niya. Alas siyete pa magsisimula ang trabaho kaya may panahon pa siyang maghanda ng hapunan nila. Para makatipid na rin. Ang kita sa pagbebenta ay pamasahe niya at pambili ng isang kilong bigas para hapunan at tanghalian ng lolo niya. Dating pintor ang lolo niya pero dahil sa katandaan at medyo malabo na ang mga mata, hindi na ito nakaguhit pa. Lolo's girl siya at hindi niya kayang lumayo sa matanda. Mahal din siya nito. Itong bahay na lang nila ang tanging kayamanan ng matanda kaya hindi siya sumama sa Leyte nang makapag-asawa ang anak na lalaki sa ina ni Hael. Ang saya pa niya nang napabalitaang dito na mag-aaral ang apo sa Maynila.
"Bukas na lang ho ako dadaan sa Liana's para bumili ng paninda ninyo," sabi ni Hael dahil napansin niyang kaunti na lang ang paninda ng matanda. Mga sabon, de-lata, chichirya lang naman ang paninda nila. Sapat na para makatulong sa pambayad ng tubig nila ang kita.
"Ako na lang," sabi ng matanda.
"Lolo Gawdin, ako na po at baka mapa'no ka," nakangiting sabi ni Hael. Hindi niya ito hinahayaang maglakad nang mag-isa dahil matanda na at baka masagasaan lang. Pero sa tuwing Linggo ng hapon, pinapasyal niya ang matanda sa Baclaran para magsimba.
Pumasok siya sa kuwarto para magbihis. Napangiti siya nang mahagip ng mga mata ang bondpaper na nasa maliit na mesa sa kanang bahagi ng pang-isahang kama.
Malapit na niyang matapos iguhit ang mukha ng lalaking nasa panaginip niya. Minsan, sa tuwing ipikit niya ang mga mata, umaasa siyang sana ay mapanaginipan niyang muli si Baron kahit na may pagkasupalado.
BINABASA MO ANG
The Adventure of Sleeping Beauty
PertualanganHindi niya alam kung saan nagsimula ang lahat. Hindi niya alam kung totoo ang mga nangyayari sa panaginip niya, pero isa lang ang sigurado ni Hael, mahal niya ito! Mahal niya ang lalaking nakikita niya sa kaniyang panaginip, si Baron! Pero ang pinak...