2

969 37 3
                                    

The Adventure of Sleeping Beauty

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 2

Unedited...
Kakapasok lang ni LL sa classroom at tahimik ang lahat. Ewan niya kung bakit pero wala talagang ingay.
"Bakit ang tahimik?" tanong niya kay Arnold na bestfriend niya.
"Ewan ko kung bakit? Pagkapasok ko, wala namang umiimik kaya quiet na rin ako," pabulong na sagot ng kaibigan na labis nitong ipinagtaka. Kanina noong naglakad siya patungo sa elevator ay wala ring katao-tao sa hallway. May iilan palang naglalakad pero walang tumatambay. Wala ring upuan sa labas at kung may ingay man ay mga gurong nagtuturo.
"Pssst..." sitsit niya kay Lee Patrick. "Bakit ang tahimik nila?"
"Malay ko, pagdating ko, ganiyan na 'yan sila." sagot nito at tumingala kay John Jacob na kakarating lang.
"Ano ang nangyari at tahimik ang buong CTU?" tanong ni John Jacob.
"Ewan. Kakarating ko lang din," ani LL, "Si John Matthew?"
"Ewan ko, nauna pa 'yon umalis sa atin." Sagot ni John Jacob at naupo sa tabi ni Lance Leonard.
"Sira ang upuan..." reklamo ni Jacob at tumayo. "Miss!" Kinalabit niya ang babae sa harapan nilang tatlo. "Palit tayo ng upuan. Baka masira ko ito," pakiusap niya. Tahimik na tumayo ito at nakipagpalitan kay John Jacob.
"Himala, hindi siya natutulog," bulong ni Lee Patrick. Napansin din pala niya ang palaging pagtulog nito? Ang akala ni LL ay siya lang.
"Baka dancer sa club," nakangising saad ni John Jacob.
"Baka," pag sang-ayon ni Lee Patrick. Ang ganda rin naman nito. Mahaba ang buhok at balingkinitan ang katawan.
"Brod, si GV!" Bulong ni Lee Patrick. Napagitnaan nila ni John Jacob si Lance Leonard.
"So?" Nasa kabila lang pala ang classroom nila kaya palaging nadaan.
Naningkit na naman ang mga mata ni LL nang mapansing napapasulyap ang mga babae sa labas kaya tumayo siya nang hindi na talaga matiis ang pagmumukha ng tarantadong tomboy.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Lee Patrick.
"Bigyan ng leksyon ang babaeng nagbabalatkayo!" Hindi pa siya nakaganti sa katarantaduhang pang-i-insulto ni GV sa kaniya noong isang araw. Nakasunod ang dalawa sa likuran ko bilang back-up kung sakaling magkarambulan man.
Napailing na lang si Hael sa tatlong magkapatid. Actually, quadruplets sila at sila ang pinaka tinitilian ng mga babae sa campus na ito dahil maliban sa matatangkad, ang guwapo at yaman pa ng apat. Sila ang anak ng may-ari ng paaralang pinapasukan niya. Working student siya rito at wala siyang goal sa buhay kundi makatapos sa pag-aaral.
Princess GV!
Princess GV!
Princess GV!
Nagkakagulo na sa labas at naghiyawan pero mas pinili niyang magbasa ng librong hiniram sa library. Hindi siya interesado sa mga estudyanteng walang ibang ginawa kundi ang humanap ng gulo at magbulakbol sa buhay.
Hindi naman kasi siya kasing yaman nila.
"Hi!" Napatigil siya sa pagbabasa at tumingala sa lalaking nakangiti sa harapan niya. Ngumiti rin siya. "Hello?"
"What's your name?" tanong ni Lee Patrick.
"H-Hael..." naiilang na tanong niya.
"Working student, right?" Naupo ito sa tabi niya. Wala ang atensiyon ng mga kaklse niya sa kanila dahil busy ang mga ito sa nangyayari sa labas sa pagitan nina LL at GV.
"Y-Yes..." Ang guwapo naman ni Lee Patrick. Bilugan ang mukha, matangos ang ilong, makapal ang kilay, at may mapupulang labi na kahit hindi nakakasawang titigan.
"Ah..." wika nito na para bang may iniisip.
"Bakit?"
"Wala lang. Napansin ko lang na palagi kang natutulog," nakangiting sabi nito at bumalik na sa labas.
"Himala, kinausap niya ako," bulong niya. Wala kayang kinakausap ang mga ito lalo na kapag hindi naman mahalaga ang pag-uusapan. Tinanong lang nito ang pangalan niya.
Nagsitakbuhan ang mga kaklase niya pabalik sa loob at tumahimik ang buong paligid. Napasulyap si Hael sa labas at nakita niya ang mag-asawang Lacson. Hindi niya maialis ang mga mata sa mag-asawa lalo na sa ina ng quadruplets. Ang ganda nito at hindi halatang may mga anak na. Kung isasama sa apat, mapagkamalang girlfriend lang ng isa sa kanila. Ganoon din si Dylan, makisig at guwapo tingnan.
Napabuntong hininga siya. Isa siya sa mga babaeng nangangarap tuwing gabi bago matulog na makita ang kaniyang first charming. Iyong ipagtanggol siya at kainggitan ng mga kababaihan dahil guwapo at mabait ang kaniyang kasintahan pero nasa reyalidad siya. Hindi niya makakamit iyon dahil hindi naman siya kagandahan at mahirap lang siya. Kahit napapaligiran siya ng mga guwapo't mayayaman, wala ring papansin sa kaniya kaya mag-aaral na lang siya at mag-isip kung paano kumita ng pera para may pantustos araw-araw.
Napasulyap siya sa lalaking kakapasok lang. Sa lahat ng magkapatid, ito ang pinakamatangkad sa kanila. Napansin niya ang mga kaklaseng napapasulyap kay John Jacob. Nabigla siya nang magtama ang kanilang mga mata. Gusto sana niyang ibahin ang direksyon pero huli na.
"Feeler!" bulong niya nang tinaasan lang siya ng kilay ng binata. Malamang iniisip nito na isa siya sa mga fans nito. Isa sa mga pinakainiiwasan niya ay ang makabangga ang apat dahil baka ma-kick-out siya. Hanggat maari, ayaw niyang may makalabang estudyante dahil wala siyang laban lalo na kapag pera at kapangyarihan ang pag-uusapan.
Nagsibalik na sa upuan ang mga kaklase nang dumating ang guro. Hindi siya makapag-concentrate dahil ang iingay ng quadruplets sa likuran niya. Gusto sana niyang sawayin ang mga ito pero mahirap pakiusapan ang apat na prinsipeng matitigas ang ulo kaya hindi na siya umimik.
"Hindi mo ba talaga tantanan si GV?" tanong ni John Matthew.
"Hindi hanggat hindi ako makakaganti sa tomboy na iyon!" narinig niyang sagot ni LL. Puno pa ng galit ang boses nito.
Sinubukan ni Hael na huwag magpa-distract sa apat at makinig sa guro. Napapansin niyang si GV ang pinag-uusapan ng mga ito palagi. Kahit paano, kilala naman niya si GV dahil sikat ito sa campus. Astigin at walang sinasanto. Tomboy pero mas lalaki pa sa lalaki kung pumorma. Noong unang kita niya rito, napahanga siya sa kapogian nito. Makinis ang balat at agaw pansin ang porma pero natuklasan niyang lider pala ito ng sorority ng mga tomboy. Sa isang mahirap na kagaya niya, imposibleng makakasali siya sa sorority o frasority. As if may pakialam siya.
Nang matapos ang lecture, may thirty minutes break sila kaya pumunta sjya sa library para kunin ang schedule niya rito sa library.
Monday-Wednesday ay dito siya tapos Thursday-Saturday ay sa canteen siya. Pero monthly, papalitan daw ang schedulem at baka ma-assign siya sa paglilinis ng ilang bahagi ng school buildings.
Malawak ang paaralan. Lima ang buildings at may apat na palapag sa bawat isa tapos rooftop na. May elevator pero para lang sa mga bisita at kina LL.
Naupo siya sa pinakasulok ng library at kinuha ang aklat para magbasa. Kanina pa siya inaantok dahil alas tres pa lang ng madaling araw ay nasa bus terminal na siya ng Five Star patungo sa iba't ibang probinsya. Minsan sa DLTB o Victory Liner, depende sa kung saan niya maisipang maglako para may pang umagahan sila ng lolo niya.
"Hael!" tawag ng isang estudyanteng hindi niya kilala. "May naghahanap sa 'yo sa labas ng gate!"
"Ako?" tanong niya sabay turo sa sarili.
"Oo. Wala namang ibang Hael dito," sagot nito kaya tumayo siya saka naglakad palabas ng library. Nagtaka siya. Hindi lang niya siguro napansin na nag-iba ng kulay ang building. Bakit parang may kulang sa buong paligid? Parang dumami ang mga puno at nawawala ang parking lot?
Lumabas siya at palinga-linga sa paligid. Kaunting building lang ang nakikita niya. Wala pang matatas at hindi niya nakikita ang malaking pangalan ng SM City.
"Weird," bulong ni Hael.
"Mabuti naman at lumabas ka! Ang tagal mo!" Ilang beses niyang kinisap ang mga mata. Hindi siya puwedeng magkamali. Ito ang mayabang na lalaki sa panaginip niya noong isang araw.
"Panaginip lang 'to," bulong niya at ipinikit ang mga mata.
"Panaginip mo mukha mo!" sabi ni Baron. "May utang ka pang dapat na pagbayaran!"
Napasimangot siya lalo na't ang yabang nito tingnan habang nakasakay sa motorsiklo. Mas nairita siya sa mga hikaw na nasa kaliwang tainga.
"Sumakay ka na! May utang ka pa!" Nakasalubong ang mga kilay nito.
"Ayoko! Gigising na ako!" sabi niya. Ang alam niya ay nanaginip lang siya.
"Ayaw mo? Gusto mong buhatin pa kita at isakay?" Bumaba ito kaya napapikit siya. Gusto na talaga niyang magising.
"Waah! Ibaba mo ako!" Pinaghahampas niya ito sa likod nang naramdamang hindi na siya umalapat sa lupa pero ang lakas ng binata. Ibinaba siya at ibinigay sa kaniya ang helmet. Napahawak siya sa kamay na sumasakit dahil sa paghampas. "Kung ako sa iyo, sumakay ka na bago pa ako mag-iskandalo!"
Napatingin siya sa paligid, sila na ang pinagtitinginan ng mga estudyante.
"Okay, panaginip lang 'to," wika niya kaya napataas ang kilay ni Baron. Sumakay siya at napahigpit ang pagkayakap sa bewang ng binata nang mabilis na pinatakbo ang motorsiklo.
"Dahan-dahan lang!" singhal niya pero tila natutuwa pa ito na mas binilisan ang pagpatakbo. Wala siyang nagawa kundi ang ipikit ang mga mata at mas lalong higpitan ang pagkapit sa jacket nito.
"In fairness, ang bango ng mokong!" bulong niya at napangiti. Firstime niyang sumakay sa ganitong sasakyan pero hindi siya natatakot kahit na mabilis. Siguro dahil alam niyang hindi siya mahuhulog? O dahil iniisip din niyang panaginip lang ito.
Tumigil sila sa isang billiaran.
"Baba na!" Siniko siya ni Baron kaya dali-dali siyang bumaba at tinanggal ang helmet.
"Saan tayo--"
"Ingay mo!" sabi nito at hinila siya papasok sa billiarian.
"Bro! Kailan ka umuwi?" tanong ng lalaking nakasalubong nila kaya napatingin ang mga tao sa paligid na kaedad lang ni Hael.
"Last week lang," sagot ni Baron.
"Girlfriend mo?" tanong ng babaeng may maiksing palda at halos lalabas na ang kaluluwa ng dibdib sa suot nitong damit.
"Alalay ko," walang sagot ni Baron kaya sumalubong ang kilay ni Hael. Mahirap na nga siya sa totoong mundo, pati pa naman ba sa panaginip niya?
"Hindi niya ako alalay!" naiinis nam sagot ni Hael saka tinalikuran ang mga ito pero nahawakan siya ng binata sa braso.
"At saan ka pupunta?"
"Iihi lang!" pagdadahilan niya. Ibubunggo niya ang ulo para magising na siya. "Seryoso, naiihi na talaga ako." Todo akting pa siya at napahawak sa puson, "Please, kailangan ko ng bathroom."
Nagdududang pinagmasdan siya ni Baron at mayamaya pa ay tinawag ang lalaki nitong kaibigan.
"Pakisamahan sa restroom at kapag makatakas, ikaw ang malalagot sa akin!" pagbabanta nito.
"Okay, brod!" sagot ng binata saka iginiya siya patungo sa restroom.
" Salamat," ani Hael. Hahanap siya ng pagkakataong makatakas. Sana lang ay may butas sa loob ng banyo. Pumasok na siya at pagkasara ng pinto, napabuntong hininga siya dahil sa kawalan ng pag-asa. Walang chance na makakatakas siya kaya napapikit siya.
Nang dumilat siya, katahimikan ang sumalubong sa kaniya. Pasimpleng pinulot niya ang aklat na nahulog. Nagising na siya. Pagtingin niya sa relo, sampung minuto na siyang nakatulog. Tumayo siya saka ibinalik ang aklat sa pinagkuhanan kanina para bumalik na sa klase.
"Bakit magkarugtong ang panaginip ko?" tanong niya sa sarili habang palabas ng library. Hanggang ngayon, nanunuot pa ang pabango ng binata sa kaniyang ilong.
"Baron," bulong niya, "Magkikita pa kaya tayong muli?" tanong niya na nakangiti.






A/n:
Subukan kong makakatayo ito kahit na hindi na ninyo mabasa ang previous stories...
But I really need to take some scenes from the past...💖💗❤💚💜
Yes, sa new readers, konektado po ito sa mga previous stories ko.

The Adventure of Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon