The Adventure of Sleeping Beauty
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 24
Unedited...
Pumunta si Mandy sa gitna para magbigay
ng speech. Pero nakaramdam siya ng
pagkabigat ng mga paa kaya umiyak siya.
Noon pa man, pangarap na niyang maging
sorority queen. Hindi dahil sa gusto niya
kundi dahil sa alam niya kung gaano kamahal
ng ina yumaong lola ang sorority mask. Sabi
nga nito, nabuo ang maskara dahil sa dugo't
pawis nito. Pero noon pa man, alam na niya
ang totoo.
"Lola, gusto ko pong maging katulad mo,"
sabi ng batang si Mandy habang nakatingala
kay Patch na nakaupo sa hardin at
pinagmasdan ang mga paru-parong may
iba't ibang kulay na palipat-lipat sa mga
bulaklak. "Gusto kong maging sorority
queen."
Nakangiting sinuklay ni Patch ang malambot
na buhok ng apo. "Mabuti naman."
"Lola? Paano kung hindi po ako ang
magiging reyna, magagalit ka ba sa akin?"
"Hindi," tipid na sagot ni Patch. "Maganda
ka, matapang na bata at sa mga magulang
mo, prinsesa ka para sa kanila."
"Sa akin na lang po kasi ang maskara,
promise, iingatan ko po," pamimilit ni Mandy
at itinaas pa ang kanang kamay.
"Matagal ka nang reyna dahil apo kita. Kung
sakaling darating man ang panahon, mas
gusto kong sa iyo ipamana pero kung ayaw
ng maskara, wala akong magagawa. But
with or without a mask, isa kang reyna."
"Thank you," sabi ni Mandy at niyakap si
Patch.
"Mawala man ako, tandaan mo, Mandy, ang
pagparaya ay isang patunay na isa kang
tunay na reyna at apo ng sorority queen."
Sumariwa ang usapang iyon sa utak ni
Mandy habang umiiyak. Inabot niya ang
microphone at nagsalita. Lahat ng mga
mata ay sa maskarang lumiliwanag
nakatutok pero hindi sa kaniya na nakasuot
nito.
"M-Maraming salamat sa lahat ng dumalo at
naging saksi kung paano ako nanalo," pag-
uumpisa niya at ngumiti sa mga ito. "Lola
Patch, kung saan ka man ngayon, alam kong
masaya ka para sa akin. Alam kong proud ka
dahil gusto kong alagaan ang pinaghirapan
mo. L-Lola, I did it! Ako ang itinanghal na
sorority queen," mapaklang tumawa siya.
"See? I did it! Sabi ko sa 'yo eh, ako pa rin
ang tatanghaling sorority queen!' proud na
sabi ni Mandy. Tumahimik ang lahat. Isang
malalim na buntonghininga ang pinakawalan
ng dalaga bago muling magsalita.
"P-Pero alam kong mas sasaya ka kapag
ibigay ko talaga ang maskara sa tunay na
nagmamay-ari nito," malungkot na sabi niya.
Sina Lee Patrick at John Matthew ay tahimik
na nakikinig. Alam nilang may mali. Hindi ito
ang kinang na nakita nila noong isang araw
sa kuwarto.
Tinanggal ni Mandy ang maskara at iniharap
sa mga tao. "Tonight, hindi lang pageant
ang masaksihan natin. Oh, ako pa rin si
Mandy at ako pa rin ang reynang luluhuran
ninyo!" pagbibiro niya.
"Standing behind me is the real heiress of
this authentic diamonds!" sabi ni Mandy at
humarap sa mga contestants.
"It is an honor na bilang isa sa mga
tagapagmana ng sorority queen na
maglagay nito sa mukha mo," sabi niya at
lumapit kay Hael.
"B-Bakit ako?" naguguluhang tanong ni
Hael.
"My grandmother once told me, every
diamond has the ability to shine when there
is someone who recognize its good facets
and inhibit its flaws."
Magtatanong pa sana si Hael pero isinuot na
ni Mandy ang maskara sa mukha niya.
Napatili ang mga tao nang biglang namatay
ang lahat ng ilaw sa paligid. Ang iba ay
natakot sa kadilimang bumalot sa buong
paligid pero napapikit sila sa kakaibang
liwanag na nakikita sa gitna ng stage.
Biglang kuminang ang iba't ibang kulay ng
diyamante. Kinang na tila sumasayaw sa
mga mata nila. Kinang na nagtanggal ng
takot at pangamba sa puso nila. Kinang na
nagbigay liwanag sa buong auditorium.
Kinang na ngayon lang nila nakita sa
talambuhay nila.
Nanayo ang balahibo ng mga tao sa
nasaksihan lalo na ni Hael. Natatakot siya
pero parang may malamig na bagay na
humaplos sa puso niya. Haplos na
nagpawala ng sakit ng nararamdaman. Isang
haplos na nagpabura ng sakit ng nakaraan.
Ang bilis ng pangyayari na walang ne isang
nakakilos at nakaisip na kumuha ng litrato o
video. Biglang lumiwanag ang buong
paligid. Lahat sila ay napanganga na
nakatingin kay Hael na nakasuot na ng
maskara pero wala nang kinang. Isang
normal na mga diyamante na lang ang
nakadisenyo sa suot na maskara.
Hindi pa rin sila naka-recover sa nangyari.
"I-I think, nakapili na ang maskara," sabi ni
Dylan nang siya ang unang matauhan.
Nagsimula na naman ang ingay sa paligid.
Mga nagtatanong kung nananaginip lang ba
sila? O totoo ang nasaksihan? Hanggang
ngayon, nakatayo pa rin ang mga balahibo
nila.
"B-Bakit ako?" tanong ni Hael na hindi pa
pumasok sa utak ang nangyayari. Kagaya ng
mga nasa paligid, hindi rin siya
makapaniwala. Nananaginip na naman ba
siya?
"Congrats, Hael!" pagbati ni Lee Patrick.
Lumapit sina Ann, Cheska at Dylan.
"Ang ganda mo, bagay sa 'yo ang maskara,"
puri ni Ann at niyakap ito.
"Ikaw pala ang gusto ng maskara at hindi
ang anak ko," sabi ni Cheska na wala
namang bitterness dahil kahit siya, ayaw
niyang maging sorority queen ang anak.
Abuso si Mandy sa kapangyarihan. Kahit
alam niyang may kabutihang taglay ang anak
pero masyadong mainitin ang ulo nito at
kahit na wala namang ginagawa sa kaniya,
sinisigawan nito.
"Congrats," nakangiting sabi ni Jacob at
hinalikan siya sa pisngi.
"S-Salamat," naiilang na sabi ni Hael at
napasulyap sa binata. Ang guwapo nito
ngayon sa suot na puting tuxedo.
"Alam kong guwapo at in love ka na sa akin
kaya sana, sagutin mo na ako," bulong ni
Jacob at hinapit siya sa bewang. Bumaba
ang mga mata nito sa mga labi ni Hael kaya
nagsitakbuhan ang mga daga sa dibdib niya.
"Hael?" tawag ni Ann at hinawakan ang
kamay niya kaya napakamot na lang si Jacob
sa ulo. "Dahil ikaw na ang sorority queen,
punta ka palagi sa bahay, ha. Tuturuan
kitang magluto tapos kuwentuhan tayo nina
Anndy at GV," masayang sabi niya. Noong
una niyang in-invite si Hael, hindi ito
nakapunta.
"Magkuwentuhan na lang kayo nina GV pero
huwag nang magluto," sabat ni LL. "Maawa
ka naman sa apo mo, Mommy! Baka mapano
ang mine ko."
"Malas mo kay Ann kung balak mong sagutin
si Jacob, Hael!" panunuya ni Cheska.
"Malas din naman ni Baby Aron sa 'yo kung
si Mandy ang mapangasawa niya!" Ayaw rin
patalo ni Ann.
"Tama na ninyo iyan," sabat ni Dylan.
"Pumunta na tayo sa museum." Kahit pagod
na at maghahating gabi na, mas pinili ng
mga tao na dumiretso sa school museum ng
CTU dahil ngayon din bubuksan ang museum
na iyon na naglalaman ng mga luma pero
mamahaling kagamitan ng sorority queen
mula mga damit nito.
"Jacob? Hindi ko alam kung paano
ganpanan ang tungkulin ko," bulong ni Hael
habang papasok sila sa museum.
"Nandito kami, Hael, hindi ka namin
pababayaan," panigurado ni Jacob. Silang
apat ang tutulong kay Hael para ipatupad
ang peace and order sa pagitan ng mga
fraternity at sorority.
Alam ni Hael na hindi siya pabayaan ng
quadruplets lalo na ni Jacob. Hindi basta-
basta ang kapangyarihang pinapasan niya.
Sumalubong kina Hael ang mamahaling
sasakyan. Ang mga estudyante ay panay ang
pagkuha ng litrato sa bawat bagay na
makikita pero walang ingay dahil bawal.
"S-Sino sila?" tanong ni Hael kay Jacob
nang makita ang litrato. Tumayo ang
kaniyang balahibo nang mamukhaan ang
dalawang nasa picture frame.
"Sila ba?" nakatingalang sabi ni John Jacob.
"Ang grandparents ko noong binata't dalaga
pa sila." Napalunok ng laway si Hael. Hindi
siya puwedeng magkamali, ito ang
magkasintahang kaibigan ni Baron noon sa
panaginip niya.
"Hael, dito ka lang, tinatawag ako nina
Mommy," sabi ni Jacob at iniwan siya.
Nahagilap ng mga mata ni Hael ang isa pang
litrato na nakasabit sa wall kaya dahan-
dahan siyang lumapit dito. Mukha ng isang
matandang kahit na may edad na, maganda
pa rin. Nasa mga mata nito ang tapang at
pagiging dominante.
Nanginginig ang mga kamay niya na hinaplos
ang larawan at napapikit.
"Lola!" umiiyak na sabi ni Hael at niyakap
ang matanda.
"Makayakap ka naman!" wika ng matanda.
"Lola Pasing, si Baron!"
"Hindi mo siya makikita, Hael," malungkot
na sabi ng matanda at tumulo ang mga
luha.
"K-Kailangan ko siyang makausap! K-
Kailangan niyang malaman ang totoo! H-
Hindi sina Lee ang nagpapatay sa akin kundi
ang ama niya!" humagulgol siya. Kailangan
niyang makita ang binata para pagsabihan
ito.
"Hael, may mga bagay na hindi na maibalik
pa. May mga paniniwala na hindi na
maitama pa," umiiyak na sabi ng matanda at
ngumiti sa kaniya.
"P-Pero bakit? S-Sino siya? Bakit nandito
ako?" naguguluhang tanong niya at nakatitig
sa mga mata ng matanda.
"Dahil may mga kuwentong hindi naiusalat
para mapasama sa kasaysayan,"
makahulugang sabi ng matanda.
"A-Ano ang ibig mong sabihin?"
"Ang ibig kong sabihin, hindi lahat ng
nakasulat sa aklat ay tama na. Maniniwala ka
bang si Lapu-Lapu ang pumatay kay
Magellan? Kung ako ang tatanungin, no,
hindi siya ang nakapatay kundi ang isa sa
mga tauhan niya. Hindi siya bata pa at
makisig katulad ng inilalarawan siya ng
karamihan kundi ang tunay na Lapu-Lapu ay
matanda na at siya lang ang namumuno ng
laban noon pero ang paniniwala ng lahat,
siya ang nakapatay dahil siya ang itinuro sa
atin at iyon ang pinaniniwalaan natin."
Tumahimik si Hael at napaisip. "Ganoon din
'yon, Hael. May mga pangyayari na hindi
natin nalalaman kung sa aklat at kuwento
lang tayo nakadepende."
"P-Pero kailangan ni Baron malaman ang
totoo," umiiyak na sabi niya kaya ngumiti
ang matanda.
"Ngayong hawak mo ang pagkakataon,
babaguhin mo ba ang kasaysayan? O hayaan
mo ang nangyayari sa kasalukuyan?"
makahulugang tanong ng matanda.
"A-Ano ho ang ibig mong sabihin?"
Masyadong magulo ang utak niya para
unawain ang sinasabi ng matanda. Ang
gusto lang niya ay makita ni Baron ang
lahat.
"Oras na baguhin mo ang kasaysayan,
mababago rin ang nasa kasalukuyan. Walang
gulo. Walang aksidente. Hindi magkatuluyan
ang mga magulang ninyo kung itama mo
ang pagkakamali ng nakaraan."
Umiyak si Hael. "P-Pero si Baron..."
"Kaya ka nandito para malaman ang dahilan
niya," sabi ng matanda. "Pero patay ka na,
Hael. Hindi ito ang mundo mo. Nandito ka
lang para malaman ng iba ang kuwento
niya."
"P-Paano mo nalaman ang pagkatao ko? S-
Sino ka ba talaga, Lola Pasing?" nagtatakang
tanong niya. Ngumiti ang matanda at
niyakap siya ng mahigpit.
"Ako ang nasa kasalukuyan, Hael," bulong ng
matanda.
"Hael!" Nagmulat ng mga mata si Hael nang
maramdaman niya ang mainit na yakap ni
Jacob sa kaniya.
"H-Huwag ka nang matulog o pumikit,"
umiiyak na sabi nito. Wala siyang pakialam
kung magmukha siyang kawawa sa mga
makakita. Basta natatakot siya nang
makitang nakapikit na naman ang mga mata
ni Hael. "N-Natatakot ako na baka hindi ka
na dumilat..."
Hinarap ni Hael at binata saka masuyong
hinaplos ang mukha ni Jacob. Mahal niya si
Baron pero mas mahal na niya ngayon si
Jacob.
"Tahan na, hindi na ako matutulog pero may
itatanong ako," nakangiting sabi niya. Mahal
niya ito kaya magpakatotoo na siya. But of
course, ilihim niyang si Baron talaga ang
first love niya.
"A-Ano?" Tumahan na ito sa pag-iyak.
"Sino ang matandang ito sa litrato?"
seryosong tanong niya. Kailangan niyang
malaman kung sino si Lola Pasing niya dahil
hindi ito nagbago ng mukha.
Ngumiti si Jacob at napatingin sa litrato
bago magsalita, "Siya ba? Siya si Lola
Patch."A/N:
Lahat ng katanungan ay masasagot sa mga
susunod na chapter... Salamat...
Sa mga nagtatanong kung paano namatay si
Baron, nasa last part ng "The Assasin and
Her Hot Professor".
After namatay ni Hael, nasa "SORORITY
QUEEN" ang karugtong. Hindi ko lang alam
kung nagkatugma. Hahaha. Di ko kasi
inakalang aabot ako sa ganitong plot. Pero
kung tinatamad kayong magbasa, hintayin
ang next chapter. Susubukan kong
maintindihan ninyo ang story na ito kahit na
hindi ninyo nabasa ang ibang stories. My
ghad! Pasensya na. Ganun talaga ako.
Baliktad magsulat. Nauna pa ang future
kaysa sa past. Hehehe. Char char lang. Pero
seryoso, lahat ng stories ko, hindi 'yan
pinagplanuhan. Ung rason lang talaga kung
bat nagka-series e wala na akong maisip na
pangalan at higit sa lahat, mahirap mag-isip
ng apelyido. Malay ko ba na darating ako sa
ganito... Hehehe. Wala akong plot e.
BINABASA MO ANG
The Adventure of Sleeping Beauty
AventuraHindi niya alam kung saan nagsimula ang lahat. Hindi niya alam kung totoo ang mga nangyayari sa panaginip niya, pero isa lang ang sigurado ni Hael, mahal niya ito! Mahal niya ang lalaking nakikita niya sa kaniyang panaginip, si Baron! Pero ang pinak...