19

547 29 0
                                    


The Adventure of Sleeping Beauty

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 19

"Jacob, kayo naman ang may-ari ng school, pwede bang pakisabing hindi na ako sasali," pakiusap ni Hael habang kumakain sila sa tree park.
"Bakit? Ayaw mo bang maging sorority queen?" tanong ni Lee Patrick. Kanina pa sila pinagtitinginan dahil sa dalawang guwapong kasama niya. Minsan lang ibalandra ng mga ito ang mukha.
"Ayaw ko. Wala akong panahon sa ganyan."
"Subukan mo lang," giit ni Lee Patrick na nakatitig sa mukha ni Hael. Maganda ito. Inosente pero alam niyang sa likod ng mga mata, may katapangang itinatago. Napakamot siya sa ulo nang mapasulyap kay Jacob na para siyang lalamunin nang buo.
"Hindi kayo bagay," sabi ng bibig nito na walang boses.
"Mas hindi kayo!" wika rin ni Lee Patrick at pinandilatan ang kapatid. Panira si Jacob sa plano nila ni John Matthew. Hindi puwedeng magka-boyfriend si Hael dahil siya ang susunod na sorority queen kung tama ang pagkakaintindi nila sa sinabi ni Patch. Kumikinang ang mga diyamanteng suot ni Mandy sa tuwing lalapit si Hael. Ewan lang nila sa iba pang mahilig magsuot ng diamonds. Hindi naman sila gumagala sa buong campus.
"Ayaw ko talaga," nakasimangot na sabi ni Hael.
"Hindi na puwede. Sabi ni Mommy, maki-kickout sa school ang mga nakalista na hindi sasali," giit ni Lee Patrick.
"Sino ba kasi ang nagsulat ng pangalan ni Hael ko?" nakasalubong ang kilay ni Jacob.
"Oo nga! Hindi naman ako nagsulat. Akala tuloy nila, ambisyosa ako!" segunda ni Hael. Wala talaga siyang maalalang nagsulat siya ng pangalan sa listahan.
"Hindi ko rin alam," inosenteng sagot ni Lee Patrick at sinubukang huwag magpabuko.
"May itinatago ka ba?" tanong ni John Jacob kaya naikuyom ni Lee Patrick ang kamao. Matalas nga pala ang pandama nitong kapatid niya.
"Wala ah."
"Kagaya ka rin kay John Matthew," bulong ni Jacob. "Kung ano ang itinatago mo, pananatilihin mo na lang 'yan na sikreto. Makiapid ka pa!"
Nakahinga nang maluwag si Lee Patrick. Iba ang tinutukoy nito. Kung hindi niya nakikitang gusto nga ni Jacob si Hael, baka sakaling ligawan o magustuhan niya ito. Pero wala pa talaga sa utak niya na makipagsabayan kay Jacob. Siguro dahil wala pa siyang nagugustuhan.
"Hael? Kami na ang bahala sa susuotin mo, ako na ang magpo-provide," sabi ni Jacob.
"Huwag na lang kaya ituloy ang search? Kay Mandy na lang ninyo ipasa. Tutal, gusto naman niya at siya talaga ang tunay na apo," suhestiyon ni Hael.
"Kung gano'n nga lang sana ka-simple ang lahat," malungkot na sagot ni Lee Patrick. Ayaw nilang ipasa sa iba ang maskara pero wala silang magagawa. Iyon ang gusto ng Lola Patch nila.
"Mauna na ako, susunduin ko pa si Anndy," paalam ni Lee Patrick at tumayo.
"Si Anndy? Bakit ba pakiramdam ko, hindi naman talaga si Anndy ang pakay mo?" ani Jacob at mataman na tinitigan ang kapatid kaya nakikita niya kung paano paunti-unting nagbabago ang mukha nito.
"Ano ang ibig mong sabihin, John Jacob?" may diin na tanong ng kapatid.
"Pedophile ka ba?" usisa ni John Jacob. Ipinagpatuloy ni Hael ang pagkainm dahil siya na lang ang hindi pa nakaubos.
"Ulol mo! Ang pedophile, twelve years old and below 'yon! Fourteen na si Christine!" depensa ni Lee Patrick.
"Wala naman akong sinabi na si Christine, paano mo nalaman?" nakangising sagot ni John Jacob.
"Ewan ko sa 'yo! Ang bata pa niya para sa akin! Ano tingin mo sa akin? Papatol sa batang naglalaro pa ng barbie?"
"Why not?"
"Psh! Maiwan ko na nga kayo!" napipikon na saad ni Lee Patrick saka tinalikuran na ang dalawa.
"Hael? Ihatid kita mamaya ha," sabi ni Jacob saka nagtalumbaba sa harapan ng dalaga at pinagmasdan ito.
"Huwag na. Kaya ko namang umuwing mag-isa."
"Hael naman. Huwag ka namang maging suplada sa akin."
"Hindi naman ako suplada."
"Ano ang tawag mo sa ginagawa mo?" Hindi na niya kayang tiisin kaya ipalabas na niya ang sama ng loob. "Kapag mag-text ako, hindi ka nagre-reply. Kapag tumawag, hindi mo sinasagot. Kapag magkasama tayo, nasa malayo ang isip mo. Wala na ba talaga akong pag-asa sa 'yo?" Dinukot niya ang panyo sa bulsa saka inilahad kau Hael. "Dahil ba rito? Ito ba ang dahilan kaya hindi mo ako kayang mahalin? Siya ba ang rason kung balewala lang ako sa 'yo?"
Agad na inagaw ni Hael ang panyo na may pangalan ni Baron. Wala siyang magawa noong isang araw kaya nilagyan bita ng pangalan ni Baron pero naiwala niya. Ito pala ang nakapulot.
"Nakita namin 'yan sa hallway. Nang makita kong may pangalang Baron, alam ko na ikaw ang nagmamay-ari niyan! Ikaw lang naman ang patay na patay kay Baron!" May himig ng pagkapait ang boses nito kaya sumimangot naman si Hael.
"Selos ka?" Huli na para mabawi pa ang sinabi. Kusa na lang dumulas sa dila niya iyon. Kasi naman, mukhang nagseselos talaga si Jacob. Namumula pa ang tainga nito at nakasalubong ang mga kilay.
"May dapat ba akong pagseselosan?" balik-tanong ni Jacob kaya natahimik ang dalaga. Mali talaga ang itinanong niya. Baka isipin pa nito, assumera siya. "Kung meron, abot hanggang bubong ng langit ang selos ko sa Baron na 'yon at kung wala naman, nagseselos pa rin ako," pag-amin ni John Jacob.
Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan ng dalawa na kahit ang maiingay na mga estudyante sa paligid ay hindi nila naririnig.
"Hael naman kasi, mahalin mo na ako," pagsusumamo ni Jacob. "Kung mali ang mangalimos ng pag-ibig, hayaan mo akong magkamali."
"J-Jacob..." pabulong na sambit ng dalaga nang hawakan nito ang mga kamay niya na nasa ibabaw ng maliit na table na nasa pagitan nila. Ang mainit na mga palad nito ay nagbigay ng init sa kaniyang dugo para mabuhay ang kung ano mang damdaming nakakubli sa kaniyang puso.
"Mahal kita... Nagseselos ako dahil gusto ko, akin ka lang," seryosong sabi ng binata.
Ilang gabi na niyang pinag-iisipan ang bagay na ito. Mahal niya si Baron at gusto na rin yata niya si Jacob kaya mas lalo siyang naguguluhan. Pareho pa naman silang mga mayayaman at hindi sila bagay dahil mahirap lang sila.
Unedited...
"Balik na tayo sa classroom?" tanong niya.
"Tapos ka na bang kumain?" balik-tanong ng binata.
"Oo, halika na."
Palakad na sila sa hallway nang makasalubong sila ni Mandy.
"May susuotin ka na bang mga damit?" tanong ni Mandy kay Hael na nakapamewang. "Marami akong basahan. Gusto mo, bigyan kita?"
"Ate Mandy naman," saway ni Jacob. "Huwag mo namang insultuhin ang kasintahan ko."
"Kasintahan?" nasusuka na tanong ni Mandy. "Pinatulan ka niya, Jacob?"
"K-Kuwan..." Napakamot na lang siya sa ulo. Gusto sana niyang sagutin ito tungkol kay Aron pero baka magwala ang pinsan.
"Bakit mo siya pinatulan?" baling niya kay Hael. "Kasi mayaman siya? Guwapo? What?"
"Haist! Tama na nga po."
"Nakita mo ba si Stupidman?" tanong ni Mandy na ang tinutukoy ay si Aron.
"Hindi po," sagot ni Jacob.
"Sino si Stupidman?" bulong ni Hael pero hindi nakaligtas sa tainga ni Mandy.
"Wala kang pahintulot mula sa akin na tawagin siyang stupidman!" pagsisinuplada ni Mandy saka tinalikuran na sila.
Naunang pumasok si Hael sa classroom.
"Ambisyosa! Akala mo naman, gusto talaga siya ni Jacob! Ginagamit lang siya para magkaroon ng mataas na marka si Prince Jacob!"
"Oo nga! Siya? Papatulan ni JJ? Yuck! Asa siya!"
"Pustahan, nasusuka si John Jacob kapag magtalikod siya!"
Dumiretso si Hael sa upuan niya. Napasulyap siya kay Lance Leonard at GV na nakaupo sa dulo. Malaki na ang tiyan ni GV pero hindi pa rin ito tumigil sa pag-aaral. Kung sabagay, nandiyan naman si LL para umalalay rito.
"Babalik na ako sa classroom," sabi ni GV.
"Mamaya na," sabi ni LL.
Napasulyap si Hael kay Jacob na papasok sa classroom at may bitbit na bouquet ng puting bulalak.
"Ano ang drama mo?" tanong ni LL sa kapatid.
"Huwag mong sirain ang moment ko!" saway ni John Jacob at lumapit kay Hael.
"Hael, alam kong nag-aalinlangan kang sagutin ako. Alam kong wala pang official na tayo pero sana, sa unang araw ngayong pasukan, ito rin ang first day ng in a relationship status natin!" Tumahimik ang lahat at nakikinig kay Jacob. Para namang napako si Hael sa kinauupuan na hindi niya kayang igalaw ang buong katawan.
"Hael, noon pa lang, gusto na kita. Unang kita ko pa lang sa 'yo sa paaralang ito, sinabi ko na sa sarili ko na ikaw ang gusto ko. Ikaw ang babaeng gusto kong makasama kaya hindi ako nanligaw sa iba." Kahit siya, hindi rin niya alam kung saan humuhugot ng lakas ng loob pero mas lulunukin niya ang hiya kaysa sa mawala si Hael sa kaniya.
"J-Jacob, nakakahiya," atubiling sabi ng dalaga na pulang-pula na ang buong mukha.
"Mas nakakahiya sa akin pero para sa 'yo, lahat ay gagawin ko," seryosong saad nito kaya napangiwi sina Lee Patrick at John Matthew na kakapasok lang. Ilang beses pa nga nilang kinusot ang mga mata para masigurado kung si Jacob nga ang nakikita.
Ang mga kaklase nila ay napatili nang makitang lumuhod si Jacob sa harapan ni Hael at ngumiti.

"Hael, will you be my girlfriend?" malamyos ang boses nito na parang musika na nagbibigay ng kiliti sa puso ni Hael. Napanganga siya. Hindi niya alam ang isasagot. Basta nakatitig lang siya sa nangungusap na mga mata ni Jacob. Gusto niya itong lapitan. Gusto niyang yakapin. Gusto niyang sabihin ang tunay na nilalaman ng kaniyang puso.
"K-Kung h-hindi mo ako kayang m-mahalin, okay lang. P-Pasensya ka na kung napahiya ka sa ginawa kong ito." naiiyak na sabi niya at laylay ang balikat na tumayo siya saka mapait na ngumiti kay Hael. "Pero hindi pa rin ako susuko. Liligawan pa rin kita hanggang sa makuha ko ang puso mo," determinadong sabi nito at tumalikod kay Hael. Napatakip sa bibig ang mga nakasaksi sa nangyari. As in? Tinanggihan ni Hael si Jacob?
"Jacob," tawag ni Hael kaya tumigil ang binata sa paglalakad at dahan-dahang humarap sa dalaga kahit na alam niyang bakas ang lungkot sa kaniyang mga mata.
"S-Sorry," paumanhin ni Hael. Hindi niya kayang nakikitang ganito kalungkot si Jacob. Nadudurog ang puso niya pero wala siyang magagawa. Hindi pa siya sigurado sa nararamdaman. Natatakot siya. Mahal din niya si Baron. Nangako siya kay Baron na ito lang ang mamahalin niya.
Pinilit ni Jacob na gumuhit ang ngiti sa mga labi. "Wala iyon, hindi pa rin ako susuko! Kahit na ilang beses mo man akong tanggihan, susuyuin at susuyuin pa rin kita. Hihintayin ko ang araw na ako ang piliin mo at kahit ano man ang mangyari, umasa kang hindi ako bibitaw!" Hindi man niya nakita ang tinutukoy nitong si Baron, pero malilintikan talaga ito kapag mahanap niya!

The Adventure of Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon