9

591 27 0
                                    

The Adventure of Sleeping Beauty

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 9

Unedited...

Naglalakad si Hael sa hallway nang mapadaan sa announcement board na pinagkakaguluhan ng mga estudyante.
"Ang daya! Wala na dapat si GV dahil tumigil siya sa pag-aaral!" reklamo ng isa.
"Tama ka! Ang unfair talaga!" pagsang-ayon nito at nagsimula nang mag-ingay ang mga ito. Naririnig niya ang search for sorority queen pero wala siyang pakialam dito. Ano ba ang alam niyasa sorority?
"Magwe-welga tayo kapag hindi nila tatanggalin si GV!"
Paunti-unting nagsialis na ang mga ito kaya tatlo na lang ang naiwang nakatingin. Ilang araw nang nakapaskil ang nasabing list ng qualified para sa next round.
"Sino si Hael Crayson? Saan sorority siya?" maarteng tanong ng isa.
"Never heard her name!" the one with curly hair answered.
"Eeeeh? She's nothing!"
Napakunot ang noo ni Hael. Tama ba ang paparinig niya? Pangalan niya ang pinag-uusapan ng mga ito?
Lumapit siya sa board at tiningnan ang mga pangalan. Napatutop siya sa bibig nang makita ang pangalan.
"Sino ang nagpalista sa akin?" bulong niya. Ngayon pa lang ay nanlulumo na siya. Bakit may pangalan siya? O baka may kapangalan lang siya?
"Sumali ka pala, Miss Crayson," wika ng isang prof na nasa likuran niya. Lahat sila ay nakahanda na sa gaganaping pageant. Nakasalalay sa susunod na sorority queen ang kapalaran ng katahimikan ng lahat. Depende sa kung paano niya iha-handle ang lahat.
"B-Baka kapangalan ko lang ho," magalang na sagot niya at muling pinagmasdan ang nakasulat na pangalan. "Paano nangyari?"
"Wala namang ibang Hael Crayson sa paaralang ito, ikaw lang," wika ng prof. Isa siya sa mga naging hurado sa pagpili ng mga pangalan. Lahat naman ay imbitado, mahirap man o mayaman basta taga CTU. Isa sa qualifications ay ang mataas na grades kaya pasadong-pasado ito. Dahil sa reklamong natanggap, nakapagpulong na sila at tatanggalin nila si GV at ipapalit si Jairah Rodriguez.
"Sumali rin siya?" tanong ng isang estudyanteng nasa likuran niya.
"Ewan, hindi naman siya qualified!"
"Ambisyosa lang talaga siya!"
Nakayukong lumayo si Hael sa board. Kahit siya, ganoon din naman ang sinabi sa sarili niya. Hindi naman niya sinasadya kung bakit napasama ang pangalan niya. Isa pa, saan siya kukuha ng pera?
Pagpasok niya sa classroom, napansin niyang nakasimangot si Jacob.
"Hael," tawag nito kaya nilingon niya.
"Bakit?"
"Ano ang cellphone number mo?" Lahat ng nakarinig ay napatingin sa kanila.
"Bakit mo hinihingi ang cellphone number niya?" tanong ni John Matthew na hinihintay ang dalawa pa nilang kapatid.
"Girlfriend ko na siya pero hindi ko alam ang cellphone number niya, ano 'yon? Saan ko ise-send ang good morning at good night ko? Sa 'yo?" sagot ni John Jacob kaya napasinghap ang mga babaeng kaklase. Kahit si Hael, hindi rin alam ang gagawin o sasabihin dahil sa sinabi ni Jacob.
"N-Nagbibiro lang siya," parang natataeng sabi ni Hael sa sobrang pagkapahiya.
"Huwag mong gawing biro ang relasyon natin dahil seryoso ako!" ani Jacob kaya biglang nasarado ang bibig ni Hael.
"Hala, sila na?"
"Bakit? Paano? Kailan lang?"
"Hindi ba, magkaaway sila?"
Para silang mga bubuyog na nagbubulong-bulungan. Pinalangin tuloy ng dalaga na sana ay gumuho ang kinatatayuan niya at lamunin siya ng lupa para makatakas.
"Jacob naman!" galit na sabi niya.
"Bakit? Wala namang masama kung aminin na natin sa kanila ang tunay na estado natin," inosenteng sabi ni Jacob kaya mas lalong nawalan ng kulay ang mukha ni Hael.
"Halika nga rito!" Hinila niya si Jacob. Nagpapatangay naman ang binata sa kaniya palabas ng classroom. Pumasok sila sa isang silid na walang estudyante.
"Bakit mo nasabi iyon? Bawiin mo!" nakapamewang na sabi ni Hael.
"Ang alin?"
"Ang sinabi mo!"
"Marami akong sinabi. Ang alin do'n?"
Biglang sumakit ang ulo ni Hael. Ganito ba talaga ito katigas ang ulo?
"Na tayo!"
"Ayoko nga! Bawi-uwak?" tanggi ng binata at ngumisi sa kaniya. "Hey, cellphone number mo!"
"Wala akong cellphone!" singhal ng dalaga. May cellphone siya pero Nokia3310 pa.
"Akin na ang cellphone mo! Ibigay ko ang number ko para matawagan mo ako!" Sabay lahad ng kanang kamay ni John Jacob.
"Wala akong cellphone!" Nakakahiya kayang ipakita ang cellphone niya.
"Ibibigay mo o huhubaran pa kita?"
"Wala nga akong cellphone--aah oo na!" Tinulak niya si Jacob palayo nang hatakin siya nito at kapkapan para makuha ang cellphone.
Dinukot niya ang N3310 sa bulsa at iniabot sa binata. Tahimik naman nitong inabot. Napatitig tuloy siya sa mukha nito.
"Paano 'to? Number mo na lang ang ibigay mo para tapos na ang usapan," wika ni Jacob at ibinalik sa kaniya ang cellphone niya.
Dinukot nito ang Iphone kaya wala siyang choice kundi ang ibigay kay John Jacob ang number kahit na labag sa kalooban.
"Ibigay mo rin pala. Kapag tumawag ako, sagutin mo tapos i-save mo ang number ko. Pangalan mo ng 'Lalab ko'."
"Bahala ka!" Tinalikuran na niya si Jacob at bumalik sa classroom. Nakasunod naman ito sa kaniya.
Tahimik ang lahat nang pumasok sila. Walang nagsasalita pero ang mga mata ay sa dalawa.
"Jacob!" bulalas ni Jaffy.
"Hey, chocolates ko, best?" tanong ni Jacob. Bestfriends na silang dalawa ni Jaffy at hindi na siya naiilang dito. Hindi kagaya noon, sobrang pinagpawisan siya kapag landiin siya nito.
"Bukas pa darating si Daddy," nakangiting sagot ng dalaga.
"Umalis ka na nga!" naiinis na pagtataboy ni John Matthew.
"Hmp, suplado mo!" sabi ni Jaffy at tinaasan ito ng kilay.
"Maniniwala na talaga akong nagseselos ka," nakangiting saad ni John Jacob.
"Jealous your ass!" ani John Matthew.
"Alam ko namang wala akong halaga sa 'yo! As if na ikaw na ang pinakaguwapong nilalang sa mundo!" wika ni Jaffy at padabog na lumabas ng classroom.
"May boyfriend na si Jaffy," sabi ni Jacob.
"Wala akong pakialam!" sagot ni JM at kinuha ang cellphone para aliwin ang sarili. Kanina pa nila hinihintay ang guro. Sina LL at Lee Patrick ay wala pa.
----------
"Hael, may naghahanap sa 'yo sa labas," wika ng estudyanteng lumapit sa kaniya sa library. Natigilan na lang si Hael dahil may hawak na siyang duster at tila naglilinis ng bintana ng library.
"Nandito na naman ako," bulong niya.
"Nasa CTU ako?" tanong niya sa babae.
"Oo, bakit? Saan ka ba?"
"Akala ko, nasa pluto na," pagbibiro niya. "Wait, working student pa ri ba ako? O anak na ng presidente?"
"Malala ka na!" natatawang sabi ng kaharap. "Mahirap pa rin tayo. Hayaan mo, bukas, anak ka na ng bilyonaryo!"
"Sana nga pero mukhang ganito na ang kapalaran ko," malungkot na sagot niya.
"Asawahin mo ang lalaking naghahanap sa iyo sa labas ng school, mukhang madatong!"
Nanlaki ang mga mata niya. Si Baron! Iyon lang naman ang puwedeng maghanap sa kaniya sa panaginip niya.
"Alis muna ako!" excited na tumakbo siya palabas ng library. Bahala na kung pagalitan siya ng librarian.
"Matinding kapalaran! Hanggang sa panaginip, tiga kuskos pa rin ako ng buong CTU!" bulong niya habang patakbong lumapit sa gate. Excited siya. Basta nasasabik siyang makita ang mukah ni Baron lalo na ang nakasalubong na mga kilay nito.
"Baron!" tawag niya sa lalaking nakasandal sa motor na tila naiinip na naghihintay sa kaniya.
"Busy ka?"
"Naglinis lang ng library," sagot niya.
"Let's go?" Iniabot sa kaniya anh helmet nito.
Masayang isinuot ni Hael at sumampa sa likuran ng binata. Habang nakatakbo ang motor, niyakap niya nang mahigpit si Baron at inamoy ito. Matapos ang mahigit limang minuto, nasa bilyaran na sila.
Nagpatangay lang siya kay Baron.
"Brod!" bati ng mga kaibigan nito at nakipag-handshake sa kaniya. Ang iba ay tumigil sa paglalaro ng billiard para lumapit at bumati sa kaniya.
"Girlfriend ko, si Hael!" pagpakilala ni Baron kaya napataas ang mga kilay ng mga babae.
"Hi, ang ganda pala ng girlfriend mo," nakangiting sabi ng isang kaibigan nito. Guwapo, matangkad at maayos pumorma.
"Back off, dude, she's mine!" pagbabanta ni Baro at pinisil ang balikat ni Hael. Pisil na magsasabing huwag siyang makipaglandian sa kaharap.
"We know, bro!" natatawang sabi ng binata at pinagmasdan si Hael. Hindi naman naiilang ang dalaga. Sa lahat ng kaibigan ni Baron, alam niyang mas mabait ito.
"Maiwan muna namin kayo!" Inakay na siya ni Baron patungo sa isa sa mag VIP room.
"Bakit nandito tayo? Ayaw mo bang makipag-usap sa kanila?"
"Mas gusto kong magkulong sa isang silid na kasama ka," seryosong sagot ni Baron at hinawakan siya sa kaliwang kamay. "Hael? Bukas na ang alis ko, sana mahintay mo ako."
Puno ng lungkot ang boses ni Baron kaya nakaramdam din ng lungkot ang puso ni Hael.
"M-Mag-ingat ka, hihintayin kita..." Ghad, kung puwede lang sana na dito na lang siya at huwag nang bumalik sa kasalukuyan.
"I will!" Niyakap siya ni Baron. Ang init ng katawan nito ay nagpalambot sa katawan ni Hael. Pakiramdam niya, secured siya sa mga bisig nito. "Hintayin mo ako at huwag kang magmahal ng iba, ako lang!"
Nakaramdam si Hael ng malamig na bagay sa leeg. Kumalas siya sa pagkakayakap at tiningnan kung ano iyon.
"Diamonds, for my future," bulong ni Baron. Pinagmasdan niya angnapakagandang kuwentas. Ang kinang nito ay parang galing sa makintab na bituin sa madilim na kalangitan.
"P-Pero ang mahal nito," wika ni Hael.
"No things that can be expensive as you, Hael," namamaos na sabi ni Baron at inilapit ang mukh sa kaniya kaya mabilis na tumakbo ang mga daga sa dibdib niya. Hahalikan siya nito. Amoy na amoy niya ang mainit at mabangong hininga ni Baron. Bigla siyang nanigas nang mapansing pumikit si Baron.
"Hoy!" Napatayo si Hael nang malakas na sinipa ni Jacob ang likod ng upuan niya.
"Yes, Miss Crayson?" tanong ng guro na nagche-check attendance na.
"P-Present, ma'am," nahihiyang sagot niya saka muling naupo.
"Tulog kasi nang tulog!" narinig niyang bulong ni John Jacob pero hindi na siya nag-abala pang lumingon. Napahawak siya sa bibig. Kung hindi kaya siya ginising ni Jacob? Naghalikan kaya sila ni Baron?

The Adventure of Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon