22

660 38 0
                                    


The Adventure of Sleeping Beauty

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 22

Unedited...

"Ladies and gentlemen, let us all welcome our fifty candidates!" anunsiyo ng emcee kaya naghiyawan ang lahat nang sunod-sunod na lumabas ang 50 contestants.
Sa production number, kukuha sila ng 20 para maka-proceed sa next round na talent hanggang sa sampu na lang ang matira para sa Q&A portion.
"She slayed it!" bulong ni John Matthew habang nakatingin kay Hael na lumabas. Nasa unahan silang magpamilya ng auditoriun sa isang table.
"Galing ni Ate Mandy!" pumapalakpak na sabi ni Anndy. "Go Ate Mandy! Aja!"
Nakatingin si Ann sa mga contestants. Ang bongga ng production number. Isa-isang nagpakilala ang mga ito sa gitna at isa-isa rin niyang pinagmasdan. Mula sa sapatos hanggang sa hairdo.
"Mom? Sino kaya ang mananalo sa kanila? Sana si Ate Mandy!" excited na sabi ni Anndy habang manghang nakatitig sa magagandang dilag sa harapan. "Pero okay rin kapag si Ate Jairah," dagdag niya. Ang ganda rin naman ni Jairah at bongga ang tsunami walk na parang kinopya lang kay Shamcey Supsup.
"Malalaman natin 'yan mamaya," sagot ni Ann.
Lahat ng participants ay bumalik na sa backstage. Ipinalabas ng ikang tauhan ang ducati na ginamit ng sorority queen sa una nitong karera. Kagaya ng inaasahan, marami ang namangha. Kahit luma na ito, napanatiling maayos at mukhang bago tingnan ng mga Lacson.
"Mom? Puntahan ko lang si Hael," paalam ni John Jacob at tumayo.
"Kasali pala ang girlfriend mo?" tanong ni Ann. Nakita na niya si Hael pero hindi madalas. Mukhang mabait naman ang dalaga.
"Yes, Mom," sagot ni John Jacob at pumunta sa backstage.
"Si Hael?" tanong niya sa baklang umaasikaso kay Hael.
"Iyon nga ang problema, hindi ko siya mahanap," natarantang sabi ng bakla. Pang bente si Hael at nang matapos itong magpakilala at bumalik sa backstage, hindi na niya mahagilap.
"H-Hanapin ko lang," kinakabahang sabi ni John Jacob at inikot ang buong silid ng backstage pero walang Hael kahit na anino.
"Hael, nasaan ka?" desperadong sabi niya at lumabas ng stage.
"Ano ang nangyari? Bakit ganiyan ang mukha mo?" tanong ni Lee Patrick nang makasalubong niya.
"S-Si Hael, hindi ko makita," sumbong niya at bigla na lang kumabog ang dibdib niya. "B-Baka kung ano ang nangyari. B-Baka napahamak siya..." Marami pa naman ang desperada na napasama sa top 50 para lang makuha ang maskara at yaman na ipamamana ng sorority queen kasama na ang naipong fundings ng lahat ng fraternities at sororities noon. Kapag hindi mabuti ang kukuha, mawawalan ng saysay ang ipinaglaban at pinaghirapan ng kanilang angkan.
"Diyan lang 'yan, saan ba siya pupunta," kampanteng sagot ni Lee Patrick. Impossible namang may mangyaring masama kay Hael dahil ito ang magiging sorority queen.
"Paano kung hindi?" tanong ni Lee Patrick sa sarili. Paano kung hindi nga is Hael at napahamak ang dalaga?
"Hanapin mo siya! Maghiwalay tayo!" sabi niya sa kapatid. May ilang minuto pa silang natitira bago ianunsiyo ang makakapasok sa next round.
------------------
"Hi, nag-iisa ka yata?" nakangiting tanong ng bestfriend ni Baron at naupo sa tabi ni Hael.
Iginala ng dalaga ang mga mata. Nasa party pa rin siya. Nakikita niya ang mga bisitang nagsasayawan at wala pa si Baron sa table niya.
"P-Pinuntahan lang niya ang birthday celebrant para batiin," sagot niya at kinabahan. Sa pagkakatanda niya, kanina pa siya hinihila ng antok habang ginagawa ang production number sa auditorium ng CTU. Nasa kalagitnaan siya ng search pero bakit ngayon pa siya napunta sa ganitong mundo?
"Alam mo Hael, ang swerte ni Baron sa 'yo. Bukod na maganda, mabait ka pa," nakangiting sabi ng binata.
"S-Salamat," nakangiting pasalamat ni Hael. Gwapo ito, at magaan ang loob niya.
"Alam mo bang nag-iba na si Baron? Iyong ugali niya, nag-iba na buhat nang makilala ka niya." Nakangiting salaysay nito. "Noong una naming pagkita ni Baron, mainitin ang ulo niya. Ne minsan, hindi ko pa siya nakitang ngumiti at palaging gumagawa ng gulo pero nang makilala ka niya, nag-iba ang lahat. Ngumingiti na siya at palaging tumatawa. Iyong tipong wala siyang bukambibig kundi ang pangalan mo at kung saan ka niya ititira oras na makasal na kayo."
Napangiti si Hael. "Talaga? Iyon ang sabi niya?"
"Oo," tugon ng binata.
"Ehem... Tapos na ba kayong mag-usap?" tanong ni Baron na nakasalubong ang kilay. Nawili ang dalaga sa pakipag-usap sa bestfriend nito kaya hindi niya namalayang nakabalik na pala si Baron.
"Sorry, bro! Inaaliw ko lang si Hael habang wala ka."
"Inaaliw? O pinopormahan mo na?" diretsahang tanong ni Baron kaya tumawa ang bestfriend nito.
"Don't worry, inaaliw lang talaga," ani nito saka tumayo at tinapik sa balikat ang kaibigan. "Mauna na ako, marami pa akong gagawin."
"Uwi na tayo," yaya ni Baron na nawala na ang magandang modo.
Tumayo na rin si Hael at sumunod sa binata palabas ng resthouse.
"Kung galit ka dahil sa pakikipag-usap ko sa kaniya, sorry na," paumanhin ng dalaga.
"Sumakay ka na," walang ganang sabi ni Baron at binuksan ang pinto ng frontseat pero nagulat siya nang yakapin siya ni Hael.
"S-Sorry na, hindi ako sanay na ganito ka," humihikbing sabi ni Hael at mas hinigpitan ang pagkayakap sa binata. "M-Mahal naman kita eh. Mahal na mahal..."
Naramdaman ni Hael ang pagganti ng yakap ni Baron sa likuran niya. Napapikit siya at mas hinigpitan ang pagkayakap sa binata. Nandoon sa kaibuturan ng kaniyang puso ang takot. Takot na mawala ito.
"S-Sorry rin, mahal din kita, Hael," bulong ni Baron at mas niyakap ang dalaga. Kapag kayakap niya ito, nakakaramdam siya ng kapanatagan sa puso. Kapag nasa bisig niya ito, pakiramdam niya ay panatag ang buhay niya. Iyong wala siyang ibang inisip kundi ang future nila ni Hael. Na magkaroon ng masaya at buong pamilya. Marami siyang pangarap para sa dalaga.
"T-Takot lang ako na baka agawin ka ng iba at mawala ka sa akin," malumanay na sabi ni Baron at kumalas sa pagkakayakap sa dalaga saka hinarap ito at hinawakan sa magkabilang pisngi. "I love you."
"Oh, I love you too, Baron." Muli siyang umiyak. Mas natatakot siyanna baka hindi na sila muling magkita. Paano kung ito na ang huli nilang pagkikita? Paano kung hindi na niya ito mapanaginipan?
"Tara na, may laban pa kami ng pasaway kong bestfriend," sabi ni Baron. Magpapalit siya sa damit pang karera sa hotel.
"Galingan mo," sabi ni Hael.
"Sure! Para sa 'yo ang laban na 'to!" sabi niya saka inayos ang seatbelt ng dalaga.
"Paano kung matalo ka?"
"Ang mahalaga, lumaban ng patas!" sagot ni Baron at pinaandar na ang sasakyan. "Kapag matalo ba ako, magbabago ang paningin mo sa akin?"
Tumawa si Hael. Para itong bata. "No, kahit ilang beses ka mang matalo, para sa akin, ikaw ang palaging panalo."
"Sabi ko na nga," nakangiting sabi ni Baron. Kahit na matalo man siya sa lahat ng laban, basta't nasa kaniya si Hael, okay lang, panalo pa rin siya. Si Hael ang winning trophy niya.
Ilang sandali pa ay nasa tapat na sila ng hotel.
"Magpapalit lang ako ng damit," sabi ni Baron.
"Dito na lang ako, hihintayin kita."
"Hael? Kapag maisilang mo na si Baby, gusto kong kamukha ko siya," sabi ni Baron na hindi pa rin bumaba sa sasakyan.
"Baby ka diyan!" nanlaki ang mga mata niya. Hindi pa siya ready. At wala pa ngang nangyari sa kanila.
"Bakit? Sa dalawang buwan ni Baby, mahal ko na siya. Excited na akong maisilang mo siya." Nasa mukha ni Baron ang kasiyahan.
"B-Buntis ako?" nag-aalalang tanong ni Hael. Wala naman siyang naalalang may nangyari sa kanila. For Christ's sake, virgin pa siya!
"Normal lang 'yan na i-deny mo, sabi ng doctor last week, magtwo-two months na siya. Alam kong bata pa tayo pero..." Hinawakan ni Baron ang kaliwang kamay niya at pinisil. "Huwag kang mag-alala, magsusumikap ako para sa inyo. Sisikapin kong maging masaya kayong mag-ina ko." Puno ng determinasyong sabi ni Baron. Para sa kaniya, hindi hadlang ang edad para maging responsableng ama.
Bago pa makapagsalita si Hael, nakababa na si Baron. Napahawak si Hael sa tiyan. Seryoso ba ito? Buntis siya? Paano? Alam niyang pili lang ang mga araw na pinupuntahan niya pero bakit? Mas lalo siyang naguguluhan.
May kumatok sa pinto ng unahang sasakyan pero hindi niya binuksan. Bigla siyang kinabahan nang makita ang dalawang lalaki.
"B-Baron..." sambit niya. Umaasa siyang madala ng hangin ang munting tinig niya sa kasintahan.
Muling kumatok ang tao sa labas. Napasiksik siya sa upuan at napahawak sa tiyan. Bakit pakiramdam niya, may masamang mangyayari? Napasulyap siya sa itim na sasakyan sa hindi kalayuan, bukas ang bintana nito kaya nakikita niyang naninigarilyo ang ama ni Baron sa driver's seat habang nakatingin sa kaniya.
"B-Baron..." natarantang sabi niya nang pinipilit na buksan ng dalawang lalaki ang pintuan. Sumenyas ang ama ni Baron sa dalawang lalaki kaya mas lalo siyang nataranta.
"Baron!" sigaw niya nang makita ang isang lalaki na binunot ang baril sa bewang at itinutok sa bintana ng sasakyan. Umiiyak na siya sa takot.
Bang!
Bang!
Napatili si Hael dahil sa putok. Narinig pa niya ang pagkabasag ng salamin ng bintana ng sasakyan.
Bang!
Bang!
Sunod-sunod na putok ang narinig niya pero nakahawak siya sa tiyan. Gusto niyang protektahan ang sinasabi ng kasintahang sanggol sa sinapupunan niya, ang magiging anak nila.
Nakita niya si Baron, mabilis na tumatakbo palabas ng hotel palapit sa kaniya. Wala na ang dalawang armadong lalaki. Nakalayo na sila gamit ang motorsiklo matapos pagbabarilin itong sasakyan ni Baron.
"H-Hael!" umiiyak na sabi ni Baron at niyakap siya.
"O-Okay lang ako..." sabi ni Hael. Nahihilo siya. Nakaramdam siya ng pagkangilo sa bandang dibdib at parang may mainit na likidong dumadaloy sa balat ng dibdib niya.
"D-Dadalhin kita sa h-hospital..." nanginginig na sabi ni Baron. Puno na ng dugo ang mga kamay niya mula sa tama ng bala sa dibdib ng kasintahan pero wala siyang pakialam! Sumakay siya at minaneho ang sasakyan patungo sa pinakamalapit na hospital.
"M-Mahal kita..." nanghihinang sabi ni Hael at nangdidilim ang paningin.
"Damn! M-Mahal kita kaya huwag kang mawala!" Kahit na nanlalabo ang mga mata, sinikap niyang magmaneho sa mabilis sa abot ng kaniyang makakaya.
"M-Malapit na tayo, Hael!" sabi niya at napahigpit ang pagkakahawak sa manibela. "Magbabayad ang lahat ng miyembro ng alpha sigma rho!" sabi ni Baron. Nakita niya ang isa sa bumaril kay Hael, naka-frat shirt pa ito ng alpha sigma rho.
"I-Itigil mo ang s-sasakyan," pakiusap ni Hael. Kinakapos na siya ng hininga.
"No!"
"B-Baron, h-hindi na ako aabot," sabi ni Hael. Wala na siyang makita. Nahihirapan na siyang huminga.
"S-Sa huling hininga ng bu... b-buhay ko, y-yakapin mo ako..." umiiyak na pakiusap ni Hael. Biglang tumigil si Baron at naramdaman ni Hael ang mainit at mahigpit na yakap ng kasintahan.
"K-Kahit saan ako m-magpunta, m-mamahalin kita," nahihirapang sabi ni Hael. Parang may humihila sa kaluluwa niya. Ang sakit at sikip ng dibdib niya na hindi na niya kayang huminga.
"M-Mahal din kita, Hael... M-Mahal na mahal..." umiiyak na sabi ni Baron at niyakap si Hael. Yakap na sobrang higpit dahil natatakot siyang baka mawala ang init sa katawan niya.
"Hael!" sigaw niya habang tumutulo ang mga luha. Napahawak siya sa kwentas nito na naging kulay pula na ang mga diyamante dahil sa dami ng dugo. Wala na si Hael. Wala na ang mag-ina niya.
Hinihingal na dumilat si Hael at sinagap ang hangin sa paligid saka napahawak sa naninikip na dibdib.
"H-Hael..." umiiyak na sabi ni Jacob. Kanina pa niya sine-CPR ang dalaga pero hindi pa rin nagigising. Kahit pulso, hindi na niya makapa sa kamay at leeg nito.
"A-Akala ko, h-hindi ka na magigising, a-akala ko, iniwan mo na ako." Natatakot siya. Kaninang nakita niya itong natutulog, mabilis na ginising niya pero hindi nagmumulat ng mga mata si Hael. "S-Salamat at nagising ka... S-Salamat dahil h-hindi mo ako iniwan..." Wala siyang pakialam kung nagmumukha man siyang kawawa dahil sa pag-iyak. Basta ang mahalaga, nabuhay si Hael. Nagising niya ang dalaga sa masamang panaginip nito.
Naramdaman na lang ni Hael ang pagtulo ng mga luha niya nang yakapin siya ng binata. Pinakiramdaman niya ang sarili, maliban sa mainit na yakap ni Jacob, wala siyang tama ng baril sa dibdib.
"Baron..." sigaw ng isip niya habang tumutulo ang mga luha.

A/n:
...And the rest was history...
Itinakdang magkita pero hindi itinadhana...
Masasagot ang iba pang kasagutan sa mga susunod na pahina...

The Adventure of Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon