23

538 28 1
                                    

The Adventure of Sleeping Beauty

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 23

Unedited...

"B-Balik na t-tayo," yaya ni Jacob at pinahidan ang mga luha ni Hael. "N-Nakapasok ka raw sa next round."
"P-Pinapahidan mo ang luha ko, pero ang luha mo, hindi mo kayang pahidan?" humihikbing sabi ni Hael at pinahidan ang mga luha ng binatang umiiyak. Gusto niyang umiyak ng sobra dahil sa pagkamatay niya sa panaginip pero sa tuwing makikita niya ang mga luha ng lalaking kaharap at marinig ang mga hikbi nito, umuurong ang iba pa niyang luha. Dinaig pa siya sa pag-iyak na para bang ito ang namatayan ng mahal sa buhay.
"P-Pasensya ka na. K-Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal at ang takot ko kanina, hindi talaga mawala," pag-amin ni Jacob. Gusto rin niyang awatin ang mga luha pero ayaw patigil. Sino ba ang hindi iiyak? Yakap mo ang mahal mo sa buhay na hindi na humihinga? At ang masakit, hindi mo alam kung magigising pa ba ito?
"Sorry rin kung labis kitang pinag-alala," sabi ni Hael at ginawaran ito ng halik sa pisngi. "Huwag ka nang umiyak, malulungkot ako."
"H-Hinalikan mo ako," hindi makapaniwalang sabi ni John Jacob na napahawak pa sa pisngi.
"Bawiin ko?"
"No!" mabilis na sagot ni Jacob. "Dagdagan mo."
"Tse! Balik na nga tayo sa auditorium!" ani Hael at hinawakan ang kaliwang kamay ng binata.
"Sana pagkatapos ng search, girlfriend na kita," pabulong na sabi ni John Jacob.
"Ewan ko sa 'yo," nakangiting sabi ni Hael at bumalik na sa auditorium.
Nang nag-talent portion na, kumanta si Hael. Maganda naman ang boses nito na halos lahat ay walang nagawa kundi ang makinig sa malamyos at mala-anghel nitong boses.
Sina Ann ay masaya habang nakatingin sa dalagang kumakanta. Nang matapos si Hael, lumabas naman si Mandy na sumayaw ng waka-waka.
"Bakit waka-waka ang sinayaw ni Ate Mandy? Hahaha. Para siyang ewan!" natatawang sabi ni Lance Leonard.
"Ang cute kaya ni Ate Mandy!" tili ni Anndy habang nanonood sa pinsan na sumasayaw at mayamaya pa'y tumigil at kumanta kasama si Aron na mukhang napipilitan lang. Nagtilian na naman ang mga babae dahil sa galing ni Aron kumanta na mukhang nagmana ang boses sa ama. Pero hindi naman ganoon kagaling. Sapat na para kiligin ang mga babae. Kahit na nakasimangot na si Mandy, ipinagpatuloy pa rin nito ang pagkanta.
Ang sumunod ay si Jairah na kumanta ng "Sundo" gamit ang gitara.
Nang matapos ang lahat sa pagbigay ng talent, inilabas ni Lee Patrick sa stage ang sports car ng sorority queen. Maayos na ito kahit na matindi ang naging damaged noong inilaban ng sorority queen kay Baron.
Napatutop ng bibig si Hael. Hindi siya pwedeng magkamali. Kahit na may binago, alam niyang ito ang race car ng babaeng iniligtas niya sa panaginip.
"A-Ano ang ibig sabihin nito?" naguguluhang tanong niya at nanayo ang mga balahibo. May patunay na hindi panaginip ang lahat pero paano nangyari ang lahat?
"Hi, alam na ninyong lahat na ito ang huling race car na ginamit ng sorority queen sa pakipagkarera kay Baron Angeles," sabi ni Dylan. "Alam kong hindi ninyo alam ang nangyari noon dahil ipinatago ng namayapa naming lola ang history at aklat ng sorority queen."
Napasandal si Hael sa wall. Tama ba ang narinig niya? Ibig sabihin, totoo si Baron? Totoong nakipagkarera ito sa sorority queen? Saan na ito? Ang daming katanungang naglalakbay sa utak niya.
"Lahat ng kagamitan ng dating sorority queen ay mapupunta sa susunod na mananalo pero ng mga bagay na antigo na, ilalagay na namin sa museum nitong paaralan at bubuksan sa lahat ng estudyante ng CTU!" Nagpalakpakan ang lahat ng estudyante. "Lahat-lahat kasama na ang aklat na naglalaman ng talambuhay ng dating sorority queen at mga fraternities na pinatanggal niya ang lisensya sa sec."
"Okay ka lang?" Inalalayan siya ni Jacob para hindi matumba. "Dadalhin na kita sa hospital."
"O-Okay lang ako," mahinang sabi ni Hael. Nang inanunsiyo ang pasok sa top 10, pasok sila nina Mandy at Jairah kasama ang leader ng Chi Omega na si Shane Ramirez at Alpha Khi Omega na si Jersel.
"Congrats!" masayang pagbati ni Hael at niyakap siya.
"K-Kinakabahan ako sa question and answer," sabi niya. Hinawakan ni Jacob ang mga kamay niya at pinisil. "Kaya mo 'yan."
Nang tinawag na sila, pumunta sila sa gitna ng entablado at nilagyan ng headphone ang tainga para hindi marinig ang tanong sa kanila.
"Good evening, Miss Crayson," bati ng emcee.
"Good evening," sagot ni Hael na nakangiti habang nakatingin sa audience. Grabe ang kaba niya. Namamawis na nga ang mga kamay niya pero sinubukan niyang maging mahinahon.
"For you, what is a sorority queen?" tanong ng emcee.
"Actually, I know nothing about sorority and fraternity. If given a chance to be the next sorority queen, I cannot promise anything. I cannot give the best answer to this question because I don't really know the real meaning of being a queen. My parents raised me to be a good citizen but not to be a queen. We don't have a palace. We don't have expensive clothes. We only have love in our family. We do respect our elders. But I believe, you can be a sorority queen if you start believing in yourself! Just be honest and have a self-confidence," sagot niya at ibinigay amg microphone sa emcee. Masyado nang magulo ang utak niya para mag-isip pa. Ang gusto lang niya ay matapos na ang pagsagot.
Nagpalakpakan naman ang iba. Si Mandy na ang sumunod.
"Good evening, Miss Mandy!"
"Good evening!" taas noong sagot ni Mandy at inilagay ang magkabilang kamay sa bewang.
"Looks confident, huh!"
"Of course?"
"Let us know why?"
"Because this night, I will be the next sorority queen," kampanteng sagot ni Mandy.
"Well? Dahil nasabi mo 'yan, here's your question," sabi ng emcee. "For you, what is a sorority queen?"
Ngumiti si Mandy at hinawakan ang microphone. "For me, a sorority queen is the one who can defend herself alone. A sorority queen can walk in the hallway like a queen without wearing her crown. A sorority queen is not just beautiful but also has skills. A sorority queen is the one who can control everything without the help of others. And the next sorority queen is ME!" proud na sagot ni Mandy kaya napatayo si Anndy. Bakit ba? Siya talaga ang number one fan ng pinsan niya.
Matapos makasagot ang lahat, tumayo sila sa likuran. Tumayo si Ann nang dinala ng mga tauhan ang isang transparent box na natatakpan ng itim na tela.
Nang hilain ni Ann ang tela, namilog ang mga mata ng mga estudyante. Napakagandang maskara na nababalot ng mamahaling diyamante. Napatingin si Hael sa maskara. Napakunot ang noo niya nang may mapansin siya sa ilang diyamante sa maskara. Parang nakita na niya ang mga ito noon?
Kinuha ni Ann ang microphone at nagsalita.
"Alam ng lahat na pinaghirapan ito ng sorority queen na mabawi mula sa taong nagnakaw ng dating maskara niya. Kung saan-saan pa nga nakarating ang buong pamilya niya para lang muling mabuo ang maskarang ito. Hindi basta-basta ang halaga ng maskarang ito." Hinarap niya ang mga kandidata sa likuran at nginitian ang sampu. "At kung sino man ang mapili ng maskara, sana lang ay karapat-dapat at ingatan niya ito kagaya ng pag-alaga at pagmamahal ng dating reyna."
Umakyat si Dylan at mga anak para tabihan si Ann at ibigay sa susunod na maging sorority queen.
Sina Cheska at Oliver ay umakyat din.
Ang mga mata ni Hael ay nasa maskara lang na hindi niya alam kung bakit parang may humihila sa kaniya na lapitan ito.
"Sana ako ang manalo," narinig niyang bulong ni Jersel.
Hindi interesado si Hael sa maskara pero biglang may napukaw sa puso niya.
"Here we go!" sabi ng emcee. "Nandito na ang resulta ng susunod na sorority queen! Heto na talaga!"
Kinabahan si Mandy. Kahit paano, ayaw niyang mapunta sa iba ang maskarang pinaghirapan ng pamilya nila kaya nga siya sumali rito. Hindi niya pwedeng biguin ang kaniyang lola.
"Congratulations to our new sorority QUEEN!" malakas na anunsiyo ng emcee habang nakangiting nakatingin sa resulta ng search. "Mandy!"
Napatutop si Mandy sa bibig. "Is it true?" bulong niya nang makitang nagtatalon-talon si Anndy sa tuwa.
"Congratulations!" bati ng katabing si Jairah at niyakap siya.
"Congrats!" masayang pagbati ni Hael.
"Congratulations, Mandy!" pagbati ni Cheska nang pumunta ang anak sa gitna ng entablado. Inilagay ni Cheska ang maskara sa mukha ng dalaga. Namangha ang lahat nang saktong pagkasuot ni Mandy ng maskara, kumislap ang mga puting diyamante na para bang nang-aakit sa mga mata ng lahat!

A/n:
Hanggang dito, wala pa ring apelyido si Mandy...

Sasagutin ang lahat ng katanungan sa susunod na chapter. Hehehe...

The Adventure of Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon