The Adventure of Sleeping Beauty
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 14
Unedited...
"Hael? Saan ka pa pupunta?" tanong ni John Jacob habang palabas sila sa classroom. "Sa library ba? Sa rooftop ka na lang maglinis, tutulungan kita."
"Wala akong sched, may pupuntahan pa ako bago umuwi, maiwan na kita," sabi ni Hael. Mula nang magtapat si Jacob sa kaniya sa rooftop, naiilang na siya at hindi na rin sila nagpapansinan. Ngayon lang siya nito kinausap ni Jacob.
"Sa bus terminal ba?" tanong ni Jacob. Alam niya. Noong isang araw, sinundan niya si Hael at mula sa malayo, nakamasid siya. Kitang-kita pa niya kung paano ito umakyat sa mga bus na hindi pa umaalis para lang makabenta ng tubig, kendi at kung ano pang puwedeng maibenta.
"Mauna na ako," paalam ni Hael. Hindi siya bulag, nakita niya ang sasakyan noon ni Jacob at alam niyang nakatingin ito sa kaniya mula sa malayo.
Nagpalit muna siya ng damit sa CR saka iniwan sa locker ang damit. Kinuha rin niya ang hindi pa naubos na kendi kahapon at inilagay sa itim na backpack.
Paglabas niya, sumakay siya sa jeep at patungong Gil Puyat. Pagdating niya sa DLTB bus terminal, agad na kinuha niya ang box na lagayan ng mga kendi sa maliit na tindahan.
"Magbebenta ka ba ng tubig, Hael?" tanong ni Manang na pinagkuhanan ng mga nagbebenta ng tubig. Sampu ang maliit na mineral water at kinse ang benta ni Hael kaya may limang piso siya bawat tubig.
"Sige po," kumuha siya ng tatlong tubig saka pumasok sa bus.
"Tubig po?" tanong niya sa ale. Pero ne hindi man lang siya sinulyapan.
"Kendi, baby?" tanong niya sa batang nakatingala sa kaniya. Ang guwapo nito. Sa tantiya niya ay nasa limang taong gulang na ito.
"Magkano ang kendi, Miss?" tanong ng ina nito.
"Dalawang piso o ang isa at tatlo limang piso ho," magalang na sagot niya. X.O, Maxx at chewing gum lang naman ang ibinebenta niya.
"Sige, pabili ako." Inabot nito ang limang piso at kumuha ng tatlong candies.
"Salamat ho," masayang sabi ni Hael.
"Miss, tubig mo magkano?" tanong ng binata sa pinakadulo ng bus.
"Kinse ho isa, bibili kayo?" tanong ni Hael. Napansin niyang naka-uniporme pa ng Arellano University ang anim.
"Sige, ubusin ko na ang tatlo. Bilhin ko ng singkuwenta basta may kiss ako sa 'yo!" Isang nakakalokong ngiti ang ibinigay niya kay Hael ngunit nginitian niya lang ito.
"Naks! Tindi ng banat ah!" natatawang sabi ng isa. Lumapit si Hael sa kanila kahit na medyo naiilang siya sa mga titig ng lima.
"Miss? Magkano ka? Ikaw na lang ang bibilhin ko, huwag ka nang magbenta rito, ang ganda mo pa naman. Mas bagay ka sa kama ko," sabi ng lalaking hangang-hanga sa kagandahan ni Hael.
"Uy, pasikatin natin siya! I-post natin sa facebook. Malaki ang chance mong maging artista! The kendi girl!" wika ng isa na kinuhanan siya ng picture pero mabilis na itinakip ni Hael ang kamay sa mukha.
"Huwag n'yo po akong kunan ng litrato," naiiyak na sabi ni Hael. Nahihiya siya. "Waah!" tili niya nang maramdaman na may humipo sa pang-upo niya.
"Ang ganda mo!" pilyong sabi ng isa.
"Tabi!" Nagulat si Hael nang pinaupo siya sa bakanteng upuan ng lalaking nasa likuran niya.
Booogsh!
"Jacob!" hiyaw ni Hael at tumayo nang bumulagta ang lalaking unang tumayo.
"Hayop kayong mga puta kayo!" galit na sigaw ni Jacob saka tinadyakan ang isa pang tumayo.
"Tumayo kayo para matikman ninyo ang kamao ko!" sigaw ni Jacob kaya nagsibabaan ang mga pasahero. "Laban lang! Nang matanggalan ng lisensya ang frat ninyo!" gigil na gigil na siya.
"J-Jacob..." Hinawakan siya ni Hael sa braso. Naramdaman ng dalaga ang panginginig ng katawan nito dahil sa galit.
"Ano? Tumayo kayo!"
Lahat sila ay tumahimik. Ang isang bumulagta ay nanghihinang tinulungan ng kaibigan para maupo muli. Kilala nila si Jacob. Sino ba ang hindi makakilala sa anak ng fraternity king? Kaka-survived lang nila noong isang linggo sa fraternity kaya mga takot pa. Mahigpit na pinagbawalan sila ng seniors nila na huwag banggain ang mga miyembro ng Alpha Sigma Rho lalo na ang quadruplets.
"Ano ang nangyayari rito?" tanong ng isang pulis na rumesponde dahil nasa LRT sila nakabantay ng ka-buddy niya. Sa ilalim lang kasi ng Gil Puyat LRT station itong bus terminal ng DLTB.
Walang sumagot. Kahit si Hael ay napayuko dahil sa takot. Naramdaman siguro ni Jacob ang panginginig niya kaya inakbayan siya nito at pinisil sa balikat.
"Binastos nila ang girlfriend ko!" sagot ni Jacob at sinamaan ng tingin ang lalaking nangbastos kay Hael. Damn! Kitang-kita talaga niya ang ginawa nito nang paakyat na siya.
"Ikaw!" Tinuro niya ang lalaking sinuntok kanina. "Sa labas tayo!" Hinila niya si Hael palabas ng bus.
Biglang namutla ang binata nang tumigil si Jacob at muling humarap sa kanila. "Ayaw mong sumunod? Ipapatapon kita sa Ilog Pasig!"
Nangangatog ang tuhod na sumunod siya kay Jacob. Marami na ang taong nasa labas ng bus para mag-usisa kung ano ang nangyari at kung bakit may dalawang pulis.
Boogsh!
Kakababa lang ng lalaki nang isang malakas at solidong suntok ang pinakawalan ni Jacob sa mukha niya dahilan ng pagkatanggal ng dalawang fron teeth nito. Pinahidan niya ang mukha dahil sa dami ng dugo na umaagos.
"Ugh!" daing niya nang sinipa ni Jacob sa sikmura kaya napasandal siya sa bus at nimilipit sa sakit.
"Jacob, tama na," naiiyak na sabi ni Hael at hinatak ito palayo sa lalaking hinang-hina. 'Sing tigas ng bakal ang kamao ni Jacob na kahit isang suntok lang, pakiramdam niya ay nadurog ang mga kalamnan niya. Ang mga kasamahan ay pinababa ng dalawang pulis. Ang isa ay tumawag sa pinakamalapit na police station dahil hindi na sakop ng kanilang jurisdiction ang area. Sa LRT lang talaga sila at sa Baclaran pa ang kanilang main station.
Mabuti na lang dahil nagpapigil si Jacob at sumunod sila sa police station para magpa-blotter.
Pagkalabas nila sa presinto ng Pasay, pinapasok na ni Jacob si Hael sa kotse at walang imik na nagmaneho.
"S-Saan mo ako dadalhin?" kinakabahang tanong ng dalaga. Kanina pa siya hindi kinikibo ni Jacob. "Magsalita ka naman, oh!"
"Magkano ba ang kinikita mo araw-araw sa lugar na iyon?" Madilim ang mukha ni Jacob. Kulang na lang ay lamunin siya nito ng buo.
"B-Bakit mo natanong?"
"Babayaran ko!"
"H-Huwag na."
"Hindi ka na babalik sa lugar na iyon." Parang boss na sabi ni Jacob at iniliko ang sasakyan.
"Bakit? Kailangan kong magbenta."
"Hindi na sabi eh!" Tumaas na ang boses ng binata kaya napahigpit ang pagkakahawak niya sa seatbelt. Ngayon lang niya nakita na ganito kagalit si Jacob. Oo nga't nagalit ito sa kaniya noon pero iba talaga ngayon. Iyong galit na tingin pa lang ay matakot ka na.
"Huwag ka nang magbenta dahil babayaran kita!"
Tumahimik si Hael at tumingin sa matataas na building ng Makati.
Ilang sandali pa ay pinapasok na ni Jacob ang sasakyan sa parking lot ng condominium nila at pinababa siya. Nang mapansing nag-alinlangan siya ay hinawakan siya sa kamay at hinila siya ni Jacob patungo sa elevator. Ang mga nakakasalubong nila ay napakunot ang noo. Kadalasanan sa mga kumuha ng unit ay mga kaedad lang nila na gusto nang mag-seperate sa parents nila.
Pagsakay nila, sumakay rin ang limang magbarkada. Walang nagsasalita. Inaamoy nila ang bango ni John Jacob na nakahawak pa rin sa kamay ni Hael.
Napansin pa ng dalaga na ininguso ng isa ang mga kamay nila ni Jacob kaya nanlaki ang mga mata ng mga ito. Wala pa silang nakitang dinala na ibang babae si Jacob maliban na lang sa pamilya nito.
Pagkabukas ng pinto, hinila na siya ni Jacob patungo sa unit nito.
"K-Kaninong unit ito?" tanong niya habang nagsa-swipe ng card si Jacob. Nang bumukas ang pinto, tinulak siya papasok. Automatic na sumara ang pinto ng unit nito.
Iginala ni Hael ang mga mata. Ang ganda ng unit. Kulay itim ang sala set pati na ang makapal na kurtina. Kahit ang mga gamit ay ganoon din, kulay itim.
"Like what you see?"
"Bakit mo ako dinala rito?"
"Gusto mo ng trabaho? Dito ka magtrabaho!"
Napaupo si Hael sa malambot na sofa. Ito na yata ang pinakamagandang unit na nakita niya. Lahat ng kagamitan ay kumikintab sa linis.
"Bakit dito? Ano ang gagawin ko?"
"Samahan mo akong manood ng TV at makipagkuwentuhan sa akin," sagot ni Jacob kaya napasimangot si Hael.
"May reklamo ka, Hael? Mas okay na rito ka. At least, makampante naman ako na safe ka!"
"Safe naman ako," pagtatanggol ni Hael sa sarili.
"Safe ka? Ne hindi mo nga kayang ipagtanggol ang sarili mo! Araw-araw ka ba nilang binabastos?" Tumaas na naman ang boses nito kaya napasimangot si Hael habang nakatingala sa nakatayong binata sa harapan niya na naka-crossed arms pa.
"Sanay na ako sa ganun!"
"Ako hindi!" mariing sagot ng binata. "Hindi ako sanay na binabastos ang mga mahal ko sa buhay."
Nagkatitigan sila pero si Hael din ang unang bumaba. Bigla siyang nakaramdam ng pagkailang.
"A-Alas sais na, uuwi na ako, baka hinintay na ako ni Lolo Gawdin," sabi niya.
"Kumain ka muna bago umuwi," mahinahong sabi ni Jacob nang makita ang pagkailang sa mga mata ni Hael. "Huwag kang matakot sa akin, wala pa akong kinatay na tao."
Kinuha niya ang cellphone at nag-order ng makakain.
"Jacob? Salamat sa pagtanggol mo sa akin kanina," sabi ni Hael nang maupo ito sa tabi niya. Gusto sana niyang lumayo rito pero baka kung ano pa ang isipin nito. Naasiwa siya. Ngayon lang sila nagkatabi sa pag-upo nang ganito kalapit na kahit ang braso nito ay bumubunggo sa braso niya.
"Wala iyon. Basta magtatrabaho ka rito sa unit ko."
"Magwawalis at maghuhugas, ganun?"
"Pwede."
"Wala ka bang katulong?"
"Meron naman. Every other day siyang pumupunta rito." Humarap si Jacob sa kaniya kaya yumuko siya. Kunwari ay tinitingnan niya ang mga daliri sa paa. Ayaw niyang iangat ang mukha dahil pakiramdam niya, iniisa-isa talaga nitong pagmasdan ang mukha niya. Kahit yata white heads niyang nakatago, hinahanap nito.
"A-Ano pa ang gagawin ko rito?" halos pabulong na tanong niya. Mas lalong nawawalan siya ng hangin nang hawakan ni Jacob ang kaliwang kamay niya.
"Ipakita mo lang sa akin na safe ka," sabi ni Jacob at dinala sa mga labi nito ang kamay niya. Napalunok si Hael. Hindi nito inaalis ang mga labi kaya pakiramdam niya, umiinit ang pisngi niya at bumilis na naman ang tibok ng kaniyang puso.
"J-Jacob..." Hinila niya ang kaniyang kamay. Hindi niya kayang tumagal pa ang mga labi nito sa balat niya. Nakukuryente siya.
"Mahal kita, Hael."
"B-Bakit ako?"
"Bakit hindi ikaw?" balik-tanong ng binata.
"Jacob, mahirap lang ako. Alam mo ba ang sasabihin ng ibang tao kung totoo man na mahal mo ako?"
"Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba basta ang alam ko, mahal kita kahit na mahirap ka!" giit ni Jacob. Tumayo ito para pagbuksan ang nag-doorbell.
BINABASA MO ANG
The Adventure of Sleeping Beauty
PertualanganHindi niya alam kung saan nagsimula ang lahat. Hindi niya alam kung totoo ang mga nangyayari sa panaginip niya, pero isa lang ang sigurado ni Hael, mahal niya ito! Mahal niya ang lalaking nakikita niya sa kaniyang panaginip, si Baron! Pero ang pinak...