31

665 30 0
                                    







The Adventure of Sleeping Beauty

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 31

Unedited...
"Bakit ganiyan ang mukha ng baby Jacob ko?" paglalambing ni Ann nang pumasok sa kuwarto ng anak. Nakaupo ito sa isang sulok at namumula ang mga mata.
"Kumain ka na. Ano ba ang problema mo?" salubong ang kilay na tanong ni John Matthew. Lahat sila ay pumasok na sa kuwarto nito dahil hindi ito kumain kagabi tapos buong araw ay hindi pa lumabas ng kuwarto.
"Um-absent ka pa," ani Lance Leonard.
"Ano ba ang problema, Jacob?" tanong ni Dylan at naupo sa kama habang nakatitig sa tulalang anak.
"Wala na. Na aning na 'yan!" sabi ni Lee Patrick.
"Kuya, kain ka na po," sabi ni Anndy.
"Wala akong gana," mahinang sagot ni John Jacob.
"Binasted ka ni Hael, ano?" panunuya ni Lee Patrick pero agad na itinikom ang bibig nang sinamaan ng tingin ng ina.
"Kahit basted-in niya ako, sigurado naman akong hindi ka niya sasagutin!" At least, dalawa silang luhaan.
"I don't care!" sabi ni Lee Patrick, "Marami naman ang babae diyan kaya hindi ko siya kailangan."
"Pinaglalaruan mo lang pala si Hael?" galit na sabi ni John Jacob at susugurin sana ang kapatid pero napigilan ni John Matthew.
"Mag-aaway na naman ba kayo?" dumadagundong ang boses ni Dylan.
"Seseryosohin ko naman siya kapag sagutin niya ako pero kapag walang pag-asa, bakit ako magmumukmok? Bakit ako hindi kakain? Marami ang babae diyan na kaya akong mahalin," sabi ni Lee Patrick at ngumisi kay John Jacob. "Hindi naman ako kagaya mo na iyakin!"
"N-Nasabi mo lang 'yan dahil hindi ka talaga nagmahal!" singhal ni Jacob at tumulo na naman ang mga luha. "Letse talaga! B-Bakit ganun? Kung sino pa ang n-nagmahal, siya pa ang hindi sineseryoso!" Naupo siya sa kama at napahimalos sa mukha.
"J-Jacob..." naiilang na sabi ni Ann saka hinimas ang likod ng anak. "Tahan na, malay mo, baka may nakalaan pala na para sa 'yo at hindi si Hael iyo--"
"Si Hael ang gusto ko, Mom! S-Siya lang ang babaeng minahal ko. N-Noong una palang na pagkakita ko sa kaniya, a-alam ko nang mahal ko siya," paliwanag niya. Nakakahiya man na umiyak sa harap ng pamilya pero ano ang magagawa niya? Nakakagaan kasi ng loob kapag maipalabas niya ang saloobin.
"P-Pero ganun nga siguro, h-hindi talaga niya ako mahal. N-Ne hindi nga niya ako pinapansin eh." Tumulo na naman ang mga luha niya. Sarap din batukan ng sarili niya dahil sa pagiging iyakin.
"Ano ba talaga ang nangyari at nagkakaganiyan ka? Alam mo bang nag-aalala na si Hael sa 'yo kanina?" tanong ni John Matthew. Naaawa siya kay John Jacob kung totoo mang wala itong pag-asa kay Hael. Minsan na niyang naranasan ang magmahal pero ang kapalit ay sinaktan lang siya. "Ganun naman kapag magmahal ka. Kapag alam nilang mahal mo sila ng sobra, sasaktan ka lang nila."
"Ang drama mo!" sabat ni Lance Leonard. "Hindi ka naman sinaktan! Umasa ka lang talaga!"
Nagkatitigan sina John Matthew at Lance Leonard. Heto na naman sila.
"Anak, ano ba talaga ang nangyari, ha?" usisa ni Ann at binalewala ang iba pang anak. Naaawa siya kay Jacob. Bilang ina, nasasaktan din siya.
"H-Hindi raw niya mahal si Lee Patrick t-tapos sasagutin na niya 'yong manliligaw niya," parang batang sumbong niya at umiyak na naman. Kung alam lang nila kung gaano kasakit ang nararamdaman niya ngayon.
Katahimikan ang namayani sa buong silid. Walang nagsalita kahit isa at lahat ng pamilya ay nakatingin lang sa kaniya.
"A-Ang sakit, alam n'yo 'yon?"
Walang pasabing lumabas ang mga kapatid kaya ang naiwan ay ang mga magulang na lang niya.
"Wala namang tanga sa mga Ridriguez, baka sa mga Lacson meron?" pabulong na tanong ni Ann kay Dylan.
"Wala ah," sabi ni Dylan at hinarap si Jacob. "Kumain ka na kung nagugutom ka."
"Wala akong gana, Dad," sagot ni Jacob. Lumabas na si Dylan.
"Mom? Hindi ba talaga ako karapat-dapat kay Hael? Bakit hindi niya ako kayang mahalin?"
"Anak, ilan ba kayong nanliligaw kay Hael?" tanong ni Ann. Kulang na lang ay batukan niya ito para matauhan.
"H-Hindi ko po alam, baka marami."
"Ang alam ko kasi, dalawa lang kayo ni Lee Patrick ang nanliligaw," sabi ni Ann. "At kung hindi niya sasagutin si Lee Patrick, eh baka ikaw ang tinutukoy niyang sagutin?"
Natigilan si John Jacob sa sinabi ng ina at ilang segundong napaisip.
"Shit! Shit! Shit!" Ilang beses niyang tinampal ang noo. Bakit ba hindi niya naisip iyon? "Ako ang sasagutin ni Hael?"
Bumukas ulit ang pinto at iniluwa si LL na binalikan ang naiwang cellphone. "Kayo na sana kahapon pa kung hindi ka lang nag-walkout!" sabi ng binata saka lumabas na naman.
"Eh?" Tumayo si Jacob.
"Saan ka pupunta?" nag-aalalang tanong ni Ann.
"M-Mom? Pupuntahan ko si Hael. Kakausapin ko siya!" nagmamadaling sabi niya saka tumakbo patungo sa elevator.
Ang ducati niya ang ginamit para mabilis na makarating sa bahay nina Hael.
Tinawagan niya ito. Pasado alas onse na ng gabi pero umaasa siyang sana ay gising pa ang dalaga.
"Hello?"
"H-Hael? Gising ka pa?" tanong niya na nakasandal sa motorsiklo at nakatingin sa kuwarto ni Hael na biglang umilaw. "N-Nandito ako sa labas ng bahay ninyo."
Bumukas ang bintana kaya kumaway siya kay Hael.
"Ano ang ginagawa mo diyan? Gabi na ah."
"Usap tayo, puwede ba?"
"Matapos mo akong takasan kahapon?" may himig na pagtatambo sa boses ng dalaga kaya napakamot sa ulo si Jacob.
"Usap na tayo, please. Kung hindi, nababatuhin ko ang bahay ninyo!" pagbibiro niya para matakpan ang kahihiyan. Hiyang-hiya talaga siya.
"Wait lang."
Naputol na ang tawag. Bumukas ang pinto at lumabas si Hael para pagbuksan siya ng gate.
"Gabi na, Jacob. Pasok ka."
"Si Lolo Gawdin?" nahihiyang tanong ng binata.
"Tulog na. Halika, pasok. Malamok dito."
Nang makapasok, parehong tahimik ang dalawa at nakikiramdam sa isa't isa. Naupo si Hael sa tabi niya sa mahabang sofa.
"H-Hael? S-Sorry pala kahapon, hindi ko lang naintindihan ang sinabi mo," paumahin niya at kahit na nahihiya, hinawakan niya ang kamay ng dalaga. "M-Mahal kita kaya nasaktan ako."
"Wala iyon," nakangiting sagot ni Hael. Naintindihan naman niya ito. Hindi lang siguro na-gets ni Jacob at baka iniisip nitong may iba pa siyang manliligaw bukod sa kanila ni Lee Patrick. Ang totoo, labis siyang nag-aalala sa binata lalo na nang hindi ito pumasok kanina. Nahihiya naman siyang magtanong sa mga kapatid nito.
"S-Sino ang sasagutin mo?" kinakabahang tanong ni John Jacob.
"Bukod kay Lee Patrick? Ang isa ko pang manliligaw," nakangiting sagot ni Hael nang mapansing namumutla si John Jacob. Well, mahal niya ito. Sigurado na siya sa nararamdaman. Ganoon nga siguro kapag magmahal, kailangan mong makipagsapalaran at kailangan mong subukan.
"S-Sino?" Para siyang bibitayin. Kahit ang puso niya, parang tinurukan ng potassium chloride kaya biglang bumilis ang pagtibok.
"Ikaw," seryosong sagot ni Hael kaya hindi makapagsalita si John Jacob. Nakatitig lang ito sa maamo niyang mukha.
"S-Sabihin mong hindi ka nagbibiro. S-Sabihin mong t-totoo ang narinig ko. S-Sabihin mong hindi ako nananaginip-- uhm..." Nanlaki ang mga mata niya nang hinalikan siya ni Hael sa mga labi pero mabilis lang.
"Mahal kita, John Jacob Lacson. Totoo ang mga sinabi ko at gising na gising ka, mahal kita!" puno ng pagmamahal na sabi ni Hael.
Natawa siya nang tumulo ang mga luha ni Jacob. "Tama na, huwag ka nang umiyak."
"K-Kasi--mahal mo ba talaga ako? Tayo na?" Gusto lang niyang makasigurado.
"Oo, mahal kita!" Never niyang inaasahan na ganito pala si John Jacob. Oo, minsan pinangarap niyang makatagpo ng lalaking magmahal sa kaniya pero ang iiyakan siya? Hindi niya ito inaasahan.
"T-Talaga? Ang s-saya ko!" Niyakap niya si Hael nang sobrang higpit na para bang wala nang bukas.
"Halata nga," natatawang sabi ni Hael. Kumalas si Jacob sa pagkakayakap.
"H-Hael?"
"Hmmm?" Pinagmasdan niyang maigi ang guwapong mukhang nasa harapan. Kahit saang anggulo, hindi siya magsasawa.
"P-Puwedeng..."
"Puwedeng?" pag-ulit ni Hael.
"P-Puwedeng humingi ng kiss sa lips?" nahihiyang paalam ni Jacob. Sobrang pula na ng pisngi nito.
Napakagat sa ibabang labi si Hael. Ano ba ang isasagot niya? Bakit ba kasi nagpapaalam ito? Sana ginawa na lang nito, hindi naman siya tututol.
"K-Kung ayaw mo, okay lang..." Pero gusto talaga niyang halikan si Hael kaso baka magalit ito. Isa pa, nahihiya siya.
"B-Bahala ka..." sabi ni Hael. Pati tuloy siya ay nahihiya at naiilang na.
Hinawakan siya ni Jacob sa magkabilang balikat at dahan-dahang inilapit ang mukha sa kaniya. Para siyang nawawalan ng hangin habang pababa ang mga labi nito sa kaniya.
Napapikit siya nang masamyo ang mainit at mabango nitong hingi. After a while, she just realized that they are kissing. Jacob touches her soft and innocent lips. Savour every sweetness that she has.
Dumilat siya nang tumigil ang binata.
"P-Pipisilin ko ba ang boobs mo?"
Nanlaki ang mga mata ni Hael sa tanong nito. "Haist! A-Ang ibig kong sabihin, uuwi na ako, gabi na..." namamawis na sabi ng binata saka tumayo. "P-Pasensiya ka na sa istorbo. Bukas, tayo na ha. Susunduin kita."
Nagmamadaling lumabas si Jacob sa bahay nina Hael at napahawak sa dibdib nang makarating sa ducati. Ngayon lang siya nakahinga ng maluwag. Kaninang nasa loob siya, nawawalan siya ng hangin at sobrang init ng pakiramdam at ang lapot pa ng pawis niya.

The Adventure of Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon