26

594 29 0
                                    


The Adventure of Sleeping Beauty

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 26

"Kayo na ba ni Hael?" tanong ni Lance
Leonard kay John Jacob habang nakaupo ito
sa loob ng classroom nila.
"Bakit mo natanong?"
"Wala lang. Nakita ko kasi siya kasama ni
Lee Patrick sa tree park," sagot ni LL at
naupo sa tabi niya saka kinuha ang cellphone
at ipinakita kay John Jacob ang litrato ni
GV.
"Tingnan mo oh, ang ganda na ng mine ko
kasama si Monay," puring-puri siya sa
kasintahan na mahahalata na ngayon ang
tiyan. Kanina lang niya itong kinuha habang
nag-aaral si GV dahil may exam daw.
"Nasaan si Lee Patrick?" madilim ang
mukhang tanong ni John Jacob. Wala siyang
pakialam sa kadramahan at ka-corny-han ni
Lance Leonard. Magmula nang magmahal
ito, nawawala na sa katinuan ang utak.
"Nasa tree park, sinasagot ni Hael."
"Hindi ako nakikipagbiruan!" seryosong sabi
ni Jacob saka pumunta sa tree park.
Malayo pa lang ay naririnig na niya ang
halakhak ni Hael kasama si Lee Patrick kaya
kumulo ang dugo niya. Tumigil ito sa
pagtawa nang makita siya.
"Jacob!" sabi ni Hael at nginitian ang binata
pero hindi siya nito pinansin at kay Lee
Patrick humarap.
"Ano ang ginagawa ninyo rito sa tree park?"
seryosong tanong ni Jacob sa kapatid.
"Nag-uusap," tipid na sagot ni Lee Patrick.
"Nag-uusap? May nag-uusap bang
nagtatawanan?" singhal nito kaya napailing
si Lee Patrick.
"May iyakan pa nga e," sagot ni Lee Patrick.
"Bakit? Nagseselos ka?"
"Bakit naman ako magseselos?" balik-tanong
ni John Jacob.
"Good! Wala ka namang karapatan dahil
hindi mo naman siya kasintahan," ani Lee
Patrick at nakipagtitigan sa kapatid.
"B-Babalik na ako sa classroom kung wala
na kayong kailangan sa akin," nahihiyang
sabi ni Hael dahil may nakakapuna na sa
kanila.
"Kung hindi ko siya kasintahan, ano ang
pakialam mo? Pero alam mo namang
nanliligaw ako sa kaniya!" Ne hindi niya
pinansin si Hael. Gusto niyang
magprangkahan sila ng kapatid.
"Nanliligaw ka pero hindi ibig sabihin nun,
wala nang karapatan ang ibang hangarin na
maging kasintahan siya!" sagot ni Lee
Patrick.
"Pero ako ang nauna sa kaniya!" giit ni John
Jacob. Alam ng mga kapatid kung gaano ka
importante si Hael sa kaniya. Noon, oo,
dine-deny pa niya pero ngayon, wala nang
rason. Mahirap din naman itago ang tunay
na nararamdaman.
"Ikaw ang nauna pero ang tanong, sinagot
ka na ba?" panunuya ni Lee Patrick.
Kaninang tinanong niya si Hael, kinumpirma
ng dalaga na wala pa silang relasyon ni John
Jacob.
Sinipa ni Jacob ang paa ng mesang gawa sa
cemento dahil sa inis. "Tapatin mo nga ako,
Lee Patrick! May gusto ka ba kay Hael?"
Napataas ang boses niya kaya natigilan ang
mga tao sa tree park at hinihintay ang sagot
ni Lee Patrick.
Napasulyap muna ito kay Hael bago
sumagot, "Paano kung sabihin kong oo, may
gusto ako sa kaniya, may magagawa ka ba?"
Namilog ang mga mata ni Hael sa sagot ni
Lee Patrick. Hindi niya maintindihan ang
mga nangyayari. Tama ba ang pagkarinig
niya? O baka naman nananaginip na naman
siya?
"B-Bakit?" mahinang tanong ni John Jacob
sa kapatid. Noong una pa lang, alam na
niyang may kakaiba sa kilos nito kapag
kaharap nila si Hael. Ito pa nga ang
nagtatanggol noon sa dalaga kapag gisingin
niya. "K-Kapatid kita pero bakit si Hael pa?
Marami namang babae riyan," hindi
makapaniwalang sabi niya.
Inilagay ni Lee Patrick ang mga kamay sa
magkabilang bulsa. "Dahil katulad mo,
nagpakatotoo lang ako."
Napaupo si Hael sa nangyari. Umaasa siya na
sana ay panaginip lang ang lahat ng ito.
Kahit ang mga bulungan sa paligid, hindi
niya naririnig dahil sa ingay rin ng utak niya
at puso niya.
"Si Hael na lang ang hayaan nating
magdesisyon kung sino ang pipiliin niya,"
wika ni Lee Patrick, "Siya naman ang
masusunod eh."
"Hindi ko alam kung paano nangyari 'to
pero nakakadismaya ka!" Pinipigilan lang ni
Jacob na suntukin ang kapatid. "Bakit
ngayon pa? Kung kailan na inamin ko, saka
ka naman umeksena!"
"Pareho lang tayo," depensa ni Lee Patrick.
"Kagaya mo, naghahanap din ako ng perfect
timing para umamin!"
"Sana hindi mo na hinintay na aamin ako!"
ani John Jacob at sinulyapan si Hael na
nakayuko at napakagat sa ibabang labi.
Mahal niya ang dalaga pero paano kung si
Lee Patrick ang piliin nito? Hindi yata niya
makakaya lalo na't lumalim na ang
pagmamahal niya kay Hael. "Kung sino man
ang pipiliin mo, makakaasa kang tatanggapin
ko."
Tumingala si Hael at ngumiti sa dalawa.
"Kung sino man ang mapipili ko, alam kong
siya ang ibibigay ni God para sa akin."
Marami pang nangyayari sa buhay niyang
wala pang kasagutan pero naniniwala siyang
lahat ay may dahilan at plano ng Panginoon.
"At this point, God does not plan for us. He
gave us Free Will so we can live our life. The
choices we make in life are all our own," sabi
ni John Jacob at tinalikuran ang dalawa.
"Babalik na ako sa classroom, Hael," paalam
din ni Lee Patrick. Hindi naman ito
nagsabing nanliligaw ito sa kaniya. Ang akala
niya ay nakikipag-close lang si Lee Patrick
dahil kailangan niya ang tulong ng mga ito.
Wala sa sariling naglakad siya palabas sa
tree park.
"Naging sorority queen lang, nilalandi na
kaagad ang quadruplets!"
"Naku, kapag landiin niya si LL, basag ang
mukha niyan kay GV!"
"Pero 'di ba, siya talaga ang pinili ng
maskara? We all witness pa nga the kinang-
kinang thingy?"maarteng sabi ng isa pero
ang mga mata ay nanghuhusga rin.
"Hi," bati ni GV nang makasalubong siya.
"Nakita mo si John Matthew?"
"Hindi eh," sagot niya kaya sumimangot ang
kaharap.
"Tinago na naman siya ni LL sa akin!"
nagtatampong sabi nito. "Eh si Jiro?"
"Hindi rin," sagot ni Hael. Nag-aaral na si
Jiro ngayon dito sa CTU pero mas si JM na
ang pinaglilihian ni GV.
"Hael, sabi ni Mommy Ann, mamasyal ka raw
sa Sabado sa bahay nila." Kaninang umaga
ay ibinilin ni Ann sa kaniya na kapag makita
si Hael, imbitahan niya ito.
"S-Sige..." nahihiyang sagot ng dalaga. Mula
nang manalo siya, tuwang-tuwa talaga ang
ina ng quadruplets sa kaniya. Busy lang siya
kaya hindi siya makahanap ng tiyempo para
pagbigyan si Ann.
"Hael?"
"Hmmm?"
"Tuwing Sadado at Linggo raw ng hapon,
tuturuan ka ng quadruplets na matuto ng
self defense," ani GV. Siya sana ang
matuturo pero tumutol kaagad si Lance
Leonard dahil maliban sa buntis siya, walang
tiwala sa kaniya ang binata. Baka
magkagusto raw siya kay Hael. Kung
sabagay, kung siya ang dating si GV, hindi
malayong magkakagusto siya kay Hael.
Maganda ito at simpleng tao lang.
"Okay," sabi niya at ipinagpatuloy ang
paglalakad. Magaling siya mag-manage ng
time dahil noon pa man, time management
na ang ina-apply niya sa buhay bilang
working student. Hindi na siya nagtitinda sa
bus terminal o kahit sa karenderya dahil
sinasahuran na siya bilang sorority queen ng
20k monthly pero mas pinili niyang 10k ang
tanggapin at ang kalahati ay idino-donate
niya sa Red Cross para sa food feeding sa
mga batang lansangan monthly.
Pagpasok niya, wala pa si Lee Patrick at si
Jacob ang nandito.
Walang imik na naupo siya at ipinikit ang
mga mata dahil sumasakit ang ulo.
"Huwag kang matulog," sabi ni Jacob na
inabutan siya ng chocolates.
Tinitigan lang niya ang isang pirasong
toblerone. "Galing 'to kay Jaffy kaya walang
lason." Inilapag nito sa arm chair ang
toblerone. "Baka bangungutin ka."
"Hindi ako mabangungot," sagot ni Hael.
Hindi na siya nananaginip ng masama.
"Tulog ka kasi nang tulog kaya kapag
managinip ka ng masama, ang hirap mo
nang gisingin."
"Hindi naman ang masamang panaginip ang
rason kung bakit binabangungot ang tao,"
saad ni Hael.
"Iyon kaya!"
"Sa pagkakaalam ko, pancreatitis ang
pangunahing rason ng sinasabi nating
bangungot," sagot niya. Actually, natakot
siya kaya nag-research siya about sa
bangungot. Kadalasan ay lalaki ang biktima
at kapag umatake ang pancreatitis o
pamamaga ng pancreas, hindi nila
nararamdaman ang sakit dahil sa sobrang
pagod o sobrang kalasingan kaya hindi
maagapan at hindi nadadala sa hospital. Ang
pinakabiktima ng pancreatitis ay mga lalaki
kaysa sa mga babae.
"Hindi ba panaginip?"
"Hindi," sagot ni Hael at umiling.
"Pancreatitis daw ang sanhi ng bangungot
kaya puwede tayong mabangungot habang
gising." Kadalasang nakikita sa tiyan ng mga
lalaking nabangungot ay noodles o pancit
dahil ang pangunahing tungkulin ng
pancreas sa katawan natin ay nagre-release
ito ng digestive enzymes sa small intestines
para ma-digest ang mga pagkain na kinain
natin. At ang noodle ay kagaya ng goma na
kapag nailagay o nababad sa tubig ay mas
lalong lumalaki kaya mas mainam na huwag
kumain ng ganoon o "heavy meal" bago
matulog lalo na kapag nakainom at pagod
para makasigurado.
"Hael? Huwag ka nang bangungutin, ha."
Marami ang rason kung bakit hindi na
nagigising ang tao. Nandiyan ang sleep
paralysis, cardiac arrest at kung ano pa.
"Kapag ba hindi na ako magising--"
"Gigisingin kita!" ani Jacob kaya napangiti
ang dalaga.
"Bakit? Paano kung gusto kong manatili sa
panaginip ko?" Kung bibigyan siya ng
chance noon, ayaw niyang mamatay. Gusto
pa niyang makasama si Baron nang matagal.
"Gagawa ako ng paraan para magising ka!"
Pareho silang natahimik nang pumasok ang
guro kasama sina LL at JM na hindi
nagpapansinan.
Pagkatapos ng klase, naunang nag-offee si
Lee Patrick na ihatid siya pero hindi rin
nagpatalo si Jacob kaya napagdesisyunan
niyang umuwing mag-isa. Bumili muna siya
ng bigas sa nadaanang tindahan para may
maisaing mamayang gabi.
"Lolo?" tawag niya sa matanda nang
pumasok sa bahay pero walang sumasagot.
Inilapag niya ang bag sa lumang sofa at ang
bigas sa ibabaw ng mesa saka dumiretso sa
kuwarto par magpalit ng damit. Black
maong shorts and white tshirt na may
desinyo ni Spongebob sa gitna ang napili
niya. Magtatakip-silim na pero tinatamad pa
siyang magluto.
Narinig niya ang kaluskos sa likod ng bahay
kaya napangiti siya. Alam niyang ang lolo
niya iyon.
"Lolo Gawdin!" masayang pagbati niya.
Tumigil ang matanda sa paghasa ng hawak
nitong katana.
"Ano ang ginagawa mo?" tanong niya at
naupo sa harapan nito.
"Pinapatalim ko lang ang katanang ito,"
sagot ng lolo kaya natigilan si Hael habang
nakatitig sa matalim na sandata.
"S-Saan mo po nakuha ang matalim na
sandatang iyan?" nauutal na tanong niya
habang nakatitig sa nakaukit sa punong
hawakan ng katana. "I love Hael".

The Adventure of Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon