5

600 32 0
                                    

The Adventure of Sleeping Beauty

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 5

Unedited....
"Gising na Hael!"
Ang matandang nakapamewang ang namulatan ni Hael.
"Lola Pasing?"
"Alangan naman Lolo!" sagot ng matanda at pinaghahampas siya ng unan kaya mabilis siyang bumangon.
"Lola naman. Sorry na," paumanhin niya.
"May naghahanap sa 'yo sa labas," sabi ng matanda. Biglang kumulo ang tiyan niya nang maamoy ang sinigang.
"Sino ho? Si Baron?" Iyon ang unang pumasok sa isip niya. Si Baron lang naman ang laman ng panaginip niya at itong matanda.
"Kasintahan mo siya?"
"Ho? Hindi po," tanggi niya pero alam niyang nagdududa ito.
"Doon din 'yon papunta!" sagot ng matanda.
"L-Lola? Lola ko ho ba kayo?" malay ba niya kung lola nga talaga niya ito pero Rosalinda ang pangalan ng asawa ng lolo Gawdin niya.
"Hindi," sagot ng matanda.
"H-Hindi ho? Kaano-ano kita?" nagtatakang tanong niya. Sobrang misteryo sa kaniya ang panaginip na ito dahil nang kurutin niya ang sarili, nasaktan siya. Pang totoo talaga ang lahat.
"Lolo mo ako!"
Halos malaglag ang panga niya sa sagot ng matanda na nag-uusok na ang ilong sa inis.
"Lola naman," nakasimangot na sagot niya.
"Gusto mong malaman ang totoo?"
"Opo," sagot ni Hael. "Ouch!" hiyaw niya nang paluin siya ng hawak nitong kawali.
"Alas otso na at male-late ka na! Kausapin mo rin ang tarantadong lalaki sa labas at kapag magkaroon ka ng pagkakataon, pakihampas sa ulo niya ng matigas na bagay dahil wala siyang galang!" galit na sabi ng matanda saka lumabas na.
Nagbihis si Hael. May mga damit siya sa durabox na nasa unahan ng kama. Simple lang ang bahay na gawa sa kawayan ang dingding at semento ang sahig pero malinis at nasa ayos ang lahat.
" Ang tagal mong lumabas!" reklamo ni Baron.
"Bakit ka napadpad dito?"
"Hindi ko alam kung paano ka nakalabas sa bahay pero sinasabi ko sa 'yo, hindi mo ako matatakasan, Hael!"
"Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin, Baron?" prangkang tanong niya.
"Gusto kitang pagbayarin sa ginawa mo sa akin!" prangka rin nitong sagot.
"Bilisan mo na, may pupuntahan tayo!"
Hindi niya alam kung nag-aaral pa ba siya sa panaginip niyang ito? O ano?
"Sasama ako sa iyo pero sa isang tanong."
"Ano?"
"Ilang taon ka na? Ano ang apelyido mo? At saan ka nag-aaral?"
"Isa lang pero tatlo naman ang kailangan kong sagutin!" bulong ni Baron.
"Hindi pa ako nag-aaral dahil kakauwi ko lang dito sa Pilipinas para magbakasyon. Hindi ko na kailangang ipaalam ang edad ko pero natitiyak ko sa iyong mas matanda ka sa akin dahil wala pa ako sa kolehiyo!"
Nagulat si Hael. Bakit sa tingin niya e magkaedad lang sila? Matangkad kasi ang binata at kung kumilos ay parang mas matanda na sa kaniya. "Tungkol sa apelyido ko, kilala ang pamilya namin at nakapagtataka dahil hindi mo alam."
"Pamilya mong matapobre!" bulong ni Hael. Ang ama lang nito ang nakita niya pero hindi na niya gusto ang mababang tingin sa kaniya.
Hinanap niya ang lola Pasing niya pero hindi na niya nakita kaya sumama siya kay Baron at sumakay sa motor.
Dinala siya ni Baron sa lugar na kung saan sila unang nagkita.
"Brod!" bati ng kasama na naka-frat shirt. Isa-isang nakipag-handshake ang mga ito.
"May frat ka na? Hindi ba't hindi ka pa college?"
"May alam ka sa frat, huh?" nakangising sagot ni Baron at kinuha ang mamahaling sigarilyo sa bulsa at nagsindi ng isang stick.
"School of fraternities and sororities ang CTU kaya alam ko," sagot niya. Kahit wala siyang pakialam, hindi maiwasang makarinig siya sa mga estudyante.
"School of fraternities?"
"Oo, iba't ibang fratenity sa school namin. Member ka ng frat, hindi mo alam?"
Tumawa ang mga nakarinig sa kaniya. "Wala ka palang alam sa fraternity, Miss Ganda!" sabi ng kasama ni Baron. "Alpha Sigma Rho lang ang fraternity sa Crysantemum!"
Sa napapansin niya, mga college student na ang mga ito maliban kay Baron.
"Hindi kaya!" sagot niya. "May Tau Gamma at Alpha Kappa Rho!"
"Paano nakapasok ang frat na 'yan sa CTU? Impossible!" hindi makapaniwalang tugon ni Baron. Ipinagbabawal ng mga Lacson ang ibang frat dahil exclusive lang ito sa mga Asirhonians (Alpha Sigma Rho).
"Brod, mga Asirho!"
Napatingin si Hael sa papasok na grupo na nakasakay sa ducati at sports car. Ang mga kababaihan ay napapalingon din at ang iba ay napapatili.
"Ryan!"
"Adrian!
"Lee!" sigawan ng mga ito.
Napadako ang mga mata ni Hael sa lalaking mas matangkad sa tatlo. Ang guwapo nito kahit na may pagkasuplado ang mukha.
Napalunok siya ng laway nang magtama ang kanilang mga mata. Kinabahan siya. Tapang at pagiging dominante ang isinisigaw ng mga mata nito. Nagulat siya nang bahagyang itinulak nito ang babaeng humarang sa daan nila.
"Nandito rin ang tarantado sa Pilipinas!" galit na sabi ni Baron sa tabi niya. Nakaramdam si Hael ng matinding tensyon nang palapit na ang mga ito sa kaniya.
"Baron!" nakangising bati ni Ryan at napasulyap kay Hael. "Ang ganda ng chickas mo ah! Sabihin mo lang sa akin kung nagsawa ka na!" Napayuko si Hael nang kindatan siya nito. Guwapo rin naman ito pero halatang bolero. Susugod na sana si Baron pero pinigilan ni Hael.
"Nasaan ang pinsan mo?" nanggigigil na tanong ni Baron.
"Bukas pa ang uwi niya," sagot ni Adrian pero hindi ito pinansin ni Baron. Sa halip, kay Lee siya tumingin. Kunb puwede lang sana niyang barilin ito.
"Layuan mo ang bestfriend ko!" Utos ni Baron.
"Matagal ko nang nilalayuan at alam mo iyon," walang ganang sagot ni Lee at nilagpasan na sila.
"Hubby!" sigaw ng babae mula sa malayo kaya lahat sila ay napatingin dito.
"Shit!" sambit ni Lee at binilisan ang paglakad. Sumunod naman ang dalawa nitonb kaibigan at ang iba pa kaya nawalan ng kaba sa dibdib ni Hael.
"Hi, kailan ka pa dumating?" bati ni Baron at hinarangan ang dalaga.
Poker face na pinagmasdan siya ng kaibigan.
"Hindi tayo bati!" parang batang sabi nito saka hinabol si Lee.
"Kaasar!" desperadong sambit ni Baron.
Pasimpleng tumalikod si Hael para lumayo habang okupado pa ang utak ni Baron.
"Hell!" narinig niyang may tumawag sa kaniyang pangalan pero patuloy niyang sinusundan sina Lee. Kailangan malaman niya kung sino ang mga ito pero bago pa man niya tawagin si Lee, nakaramdam siya ng lindol.
"Ano ba!" Biglang tumayo si Hael at sinampal ang lalaking nakatayo sa harapan niya. Nandoon na e. Malapit na niyang makausap ang mga ito. Lahat ng taong nakakita ay napatulala sa ginawa ng dalaga. May ilang napasinghap lalo na ang mga nasa labas na nakasilip sa bintana para lang makita ang quadruplets.
"Motherfucker!" pagmumura ni John Jacob at napahawak sa namumulang pisngi. Ang lakas ng pagkakasampal ng dalaga. Tila nagising naman si Hael at pasimpleng iginala ang mga mata kaya kitang-kita niya ang mga matang nakatulala na nakatitig sa kaniya. Napaatras siya nang mapadako ang tingin sa mga nagbabagang mata ni John Jacob.
"S-Sorry," inosenteng paumanhin niya. As in hindi talaga niya sinasadya. Kusa na lang lumipad ang mga palad niya at dumapo sa pisngi ni Jacob. Inayos niya ang medyo magulong buhok. Natatakot siya sa puwedeng gawin ni John Jacob sa kaniya.
"Bitiw!" Sabay tulak ni Jacob kay Lee Patrick na pinipigilan siya sa braso pero hindi nagpapatinag ang kapatid.
"Relax, bro! Babae 'yan!" paalala ni Lee Patrick.
"Ke babae, tomboy, lalaki o bakla wala akong pakialam! Basta bitawan mo ako!" Sasapakin na talaga niya ang dalagang namumula ang mukha sa pagkapahiya. Wala pang babaeng nakasampal sa kaniya. Kahit mommy nila ay wala pa talaga.
"Tama na sabi eh!" sabay tulak ni Patrick dito para maupo sa upuan. "Kayo naman ang nang istorbo sa kaniya. Kitang natutulog ang tao," depensa niya para sa dalaga.
"Hindi ako ang gumising! Nakatayo lang ako!" Tatayo na naman sana siya pero pinigilan ni John Matthew.
"Tama na nga 'yan. Para kang bakla!" saway ni JM.
"Ikaw kaya ang masampal?" nakatingala siya sa tatlong kapatid na nakatayo sa harapan para harangan siya.
"Sampal lang sa 'yo. Suntok nga sa akin," sabat ni LL. Hanggang ngayon, hindi pa mawala sa isip niya ang pagsuntok ni GV sa pisngi niya.
"Kahit na! Umalis kayo at patitikimin ko ng kamao ang babaeng 'yan!" Hindi na niya makikita ang bulto ni Hael dahil sa tatlong pader na nakaharang.
"Sabing tama na eh!" Saway na naman ni Lee Patrick. "Natutulog siya at hindi niya sinasadyang masuntok ka dahil tayo naman ang may kasalanan!"
"Ipagtanggol mo pa ang babaeng 'yan, Patrick!" ani Jacob.
"Sa ating apat, ikaw ang tulog-mantika kaya alam mong mananampal talaga siya kapag magising dahil ikaw nga, sinuntok mo rin si LL noon!" Noong pinagising ito kay LL, bigla na lang sinuntok ang kapatid.
"Huwag mong sabihing, sinasadya mong suntukin ako noon?" nagdududang tanong ni LL.
"Hindi ah!" Kumalma na siya. Hindi talaga niya sinasadyang masuntok ang kapatid. Naiinis lang siya dahil ginising siya nito kaya gusto niyang manapak ng tao at sa kasamaang palad, nakasapak nga siya at nang pagmulat ay nakabulagta si LL sa harapan niya kaya nagpalitan na sila ng suntok. Dalawang araw rin silang hindi pinalabas ng mansion.
Mayamaya pa'y hindi na umimik pa si John Jacob pero masama talaga ang loob niya sa dalaga. Napahiya siya!
Dumating na ang kanilang guro kaya nakahinga ng maluwag si Hael. Takot lang niya sa mga ito. Isang ordinaryong estudyante lang naman siya sa CTU.
Matapos ang klase, nilapitan niya si Lee Patrick na nakaupo pa. Sa kanilang apat,mukhang ito lang ang mabait sa kaniya.
"Lee? Kilala mo ba ang dating may-ari ng school na ito?"
"Ano'ng klaseng tanong 'yan?" sabat ni John Matthew.
"C-Curious lang," naiilang na sagot niya.
"Malamang, lolo namin!" pagsisinuplado ni LL.
"A-Ano ang pangalan ng lolo ninyo?" tanong niya. Wala siyang nabasang history ng paaralan. Kahit sa library ay wala ring aklat. Lahat ay itinago nina Dylan sa hindi rin nila alam ang dahilan. Noong naging ulyanin na si Patch, nakiusap itong huwag ipaalam ang kuwento ng pamilya hanggat wala pang nahanap na bagong sorority queen.
"Wala ka na roon. Unless, isa kang spy?" sagot ni Jacob at pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa. "Mahirap na spy!"
Tumayo na ang mga ito at naunang lumabas ang tatlo. Nginitian siya ni Lee Patrick bago magsalita, "Lee Lacson."
Nanindig ang balahibo ni Hael sa narinig.
"K-Kaibigan pa niya sina Ryan at Adrian?" Iyon ang narinig niyang tawag ng mga babae kanina sa panaginip niya.
"Hindi ko alam kung paano mo nakilala ang tatlong founder ng alpha sigma rho."
"S-Si Baron, kilala mo ba?" nauutal na sagot niya kaya naningkit ang mga mata ni Lee Patrick.
"Umaasa akong hindi ka nga spy ng ibang fraternity, Hael!" iritadong sagot ni Lee Patrick.
Lupaypay na naupo si Hael at naguguluhan. Paano nangyari na tama ang nasa panaginip niya? Tama nga ba?
"Hindi kaya..." naiiyak na bulong niya saka napahilamos sa mukha. Impossible ang naisip niya. Sino ba ang maniniwala sa kaniya? Kahit siya, hindi rin naniniwala sa mga nangyayari pero bakit? Bakit parang totoo ang lahat?
"Impossible pero bakit pakiramdam ko, nagta-time travel ako?" bulong niya at mabilis na kinilabutan sa naisip pero mas kinilabutan siya nang makitang nasa pintuan pa si Jacob at mukhang inaabangan siya para makaganti sa pananapak niya rito.
"Jacob! Halika na!" yaya ni Lee Patrick at hinila ang kakambal.
"Bitiwan mo ako! Gigilitin ko pa ang leeg ng Hell na 'yan!" galit na sabi bi Jacob pero hinila na siya ng mga kapatid.

The Adventure of Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon