27

619 30 1
                                    




The Adventure of Sleeping Beauty

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 27

Unedited...

"B-Bakit nasa iyo ang katanang iyan? K-
Kanino galing 'yan?" kinakabahang tanong ni
Hael. Totoo ang lahat ng nasa panaginip
niya. Hindi siya puwedeng magkamali.
"Ito ba?" nakangiting sagot ni Gawdin sa
apo at maingat hinaplos ang katana.
Napakaganda. Mamahalin. Matalim. Kapag
ibenta niya ito, aabot ng isang milyo lalo na
kapag malaman ng black market kung sino
ang may-ari nito.
"Sino po?" tanong ulit ni Hael. Kailangan
niyang mahanap ang nagmamay-ari nito. "P-
Puwede ko po bang hawakan?" naiiyak na
pakiusap niya.
"Dahan-dahan, baka masugatan ka."
Inabot ni Gawdin sa apo ang katana.
Nanginginig ang mga kamay ni Hael na
hinaplos ang nakaukit na mga salita sa
hawakan nito.
"Ano ba ang ilagay ko?"
"Hael loves Baron po."
Nanlaki ang mga mata ni Hael. "Uy, 'wag
ho!" tanggi ng dalaga.
"Iyon na ho, hayaan mo siya, ako ang
magbabayad," sabi ni Baron kaya
sumimangot si Hael.
"Baron loves Hael na lang," sabi ni Hael.
"Ikaw ang nagmamahal kaya Hael loves me!"
giit ni Baron. "Tama, Hael loves me na lang
po ang ilagay mo."
"Ayaw ko! Break na tayo!" naiinis na sabi ni
Hael at tinalikuran ito pero nahawakan siya
sa kamay.
"Sige na po, I love Hael na lang," napilitang
sabi ng binata. "Okay na po, I love Hael na
lang ang ilagay."
Sariwa pa sa isip niya ang lahat. Mula sa
kulay, laki at pag-ukit ni Tatang. Lahat ay
tugma sa hawak niyang katana.
"S-Sino po ang may-ari nito?"
"Isang kaibigan," sagot ni Gawdin.
"Sino? Saan na po siya? Ano ang pangalan?"
sunod-sunod na tanong ni Hael. Makikita pa
kaya niya ang kasintahan sa panaginip? Sana.
Dahil kahit na matanda na ito o ano man
ang hitsura, yayakapin niya ng mahigpit.
Malungkot na ngumiti si Gawdin at sinagot
ang apo, "Si Baron."
Napaupo si Hael at inilapag sa mesang nasa
harapan nila ang katana. Nawalan siya ng
lakas. Totoo si Baron. Hindi ito sa panaginip
lang.
"B-Bakit sa 'yo ang katanang ito?"
Isang malalim na buntonghininga ang
pinakawalan ni Gawdin bago ikinuwento sa
apo ang nakaraan.
Flashback...
"Bakit humahangos ka?" tanong niya kay
Baron habang hinihingal.
"Puwede bang pakitago ng katana?"
pakiusap ng kaibigan at naupo sa sofa sa
sala.
"Sino na naman ba ang pinatay mo?" tanong
niya. May bahid pa ng preskang dugo ang
hawak na katana. Alam niyang pinagawa ito
ng kaibigan at mahalaga rito ang katana
dahil pinagawa niya ito noon na kasama ang
namayapang kasintahan.
"I killed him!" sagot ni Baron at puno ng
galit sa mga mata. Wala siyang pinagsisihan
sa ginawa. Ngayon lang niya ginamit ang
sandatang ito para pumatay ng tao at
masarap sa pakiramdam. Kung papiliin siya
ng armas para patayin ang taong iyon, itong
katana pa rin ang gagamitin niya.
"Killed who?" Hindi na bago sa kaniya na
may pinatay na naman ito. Kilala niya si
Baron. Magmula nang namatay ang
pinakamamahal na kasintahan, nagbago na
ang lahat. Wala itonv ginawa kundi tugisin
ang mga Lacson lalo na nang malaman
niyang nagpakasal sina Lee at Patch. Ang
bago na ngang motto nga ng frat nila noon
ay "Kill all asirho" pero dahil kay Patch,
nawalan sila ng permit.
"I killed my father!" nanginginig na sagot ni
Baron at napahimalos sa mukha. Ilang beses
niyang sinaksak sa dibdib ang ama hanggang
sa malagutan ng hininga at walang bahid ng
pagsisisi sa puso niya.
"Baron? Alam mo ba ang ginawa mo?"
Napatayo si Gawdin dahil sa sinabi ng
kaibigan.
"Yes!" sagot ni Baron at naikuyom ang
kamao. Nagkakaedad na siya. Marami na ang
nagawa niyang kasamaan sa mga Lacson at
Villafuerte. Gusto man niyang magsisi pero
huli na ang lahat. Alam niyang nasusunog na
ang kaluluwa niya sa impyerno.
"K-Kung puwede lang ibalik ang buhay ng
mahal ko, ibabalik ko! Nagpagamit ako!"
umiiyak na sabi niya. Masyadong pinaglaruan
ng ama ang isip niya. Saka na lang niya
nalaman dahil kumanta ang isa sa mga
pumatay kay Hael na ang ama niya ang
nagpapatay at hindi sina Lee.
Natahimik si Gawdin. Naaawa siya sa
kaibigan. Kahit na masama ito, alam niya
ang puno't dulo ng lahat. Akala nga niya,
ang mga Lacson nga ang pumatay kay Hael.
"P-Puwedeng pakitago ng katana?" pakiusap
ni Baron at tumayo.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Gawdin.
"Magtatago," malungkot na sagot ni Baron.
"Hina-hunting na ako ng mga Lacson dahil
sa katarantaduhan ko. Habang may natitira
pa akong panahon, gagawa muna ako ng
bagay na ikatuwa ng kaisa-isang babaeng
minahal ko," sagot niya. Sa impyerno na siya
pupunta. Sa dami pa naman ba ng batang
pinatay niya at kahit na step-daughter e
ginahasa pa niya. Hindi siya naging
mabuting tao at alam niya iyon.
. ....End of Flashback.....
"Oo, masama siyang tao pero isa ako sa mga
nakakilala sa kaniya noong mabuti pa siya,"
pagpatuloy ni Gawdin.
"A-Ano ho ang nangyari pagkatapos niyang
mapatay ang tatay niya?" tanong ni Hael.
Naaawa siya kay Baron. Alam niyang
mabuting tao ito. Naging biktima lang ng
panlilinlang at nabalot ng galit ang puso
nito. Alam niya kung gaano nito minahal ang
dating kasintahan. Pero siya nga ba ang
naging kasintahan ni Baron? May nabago ba
siya sa nakaraan? Ito nga ba ang tunay na
nangyari noon? Pero bakit buhay siya?
Ngumiti si Gawdin. "Nagtago siya. Inipon
niya ang lahat ng ari-arian niya at binili ng
pagkain para sa mga batang nasa lansangan.
Nagpanggap siya na isang pulubi para hindi
mapansin ng mga Lacson. Ang ilan,
pasikreto niyang na-donate sa Home for the
Aged at charity para sa mga bata. Lahat ng
ari-arian niya ay ibenenta niya dahil alam
niyang hindi matatanggap ng mga tunay
niyang kadugo ang kayamanang naipundar
niya mula sa kasamaan."
"B-Buhay pa po ba siya?" naiiyak na tanong
niya at pinahidan ang mga luha. "P-
Pasensiya na po, n-nadala lang ako sa
istorya niya," humihikbing paumanhin niya.
"Wala na siya. Patay na," sagot ni Gawdin na
nakatitig sa apo. Naalala pa niya ang huling
pagkikita nila ni Baron.
*Flashback Ulit*
"Bakit napadalaw ka?" tanong niya sa
kabigan. Pareho na silang matanda pero
matikas pa rin tingnan si Baron.
"Aalis ako," sagot ni Baron. "Pupunta ako ng
China."
"Ano ang gagawin mo sa China?"
"Puwede bang pakibigay ng tip sa mga anak
nina Lee na nasa China ako at sa resthouse
ako ng kaibigan natin?" pakiusap niya at
napasulyap sa buntis na anak ni Gawdin.
"Pero papatayin ka nila," nag-aalalang sabi
ni Gawdin pero ngumiti lang si Baron.
"It is my pleasure to be killed by those
girls," sagot niya. Pagod na rin siya sa
pagtatago. "Ang ganda ng anak mo. Ano
ang ipinagbubuntis niya?"
Napalingon si Gawdin sa buntis na anak na
nagwawalis sa kanilang bakuran. "Babae."
"Mabuti naman. Gawdin, puwede bang
mahanap mo ang isang bagay para sa akin
at pakibigay sa apo mo bilang kabayaran sa
pagiging mabuti mong kaibigan? Alam kong
gusto mo ring mahanap iyon,"
makahulugang sabi ni Baron.
"Ano iyon?"
"Ang kuwentas at singsing namin ng
kasintahan ko," pakiusap ni Baron saka
nginitian ang kaibigang noon pa man,
pinagkatiwalaan na niya.
*End of Flashback ulit. My ghad!*
"W-Wala na pala siya," pinunasan ni Hael
ang mga luha. Ganoon nga siguro, hindi
lahat ng tao ay namamatay na masaya o
nabibigyan ng pagkakataon na magbago.
That's life. They may hate him pero siya,
hindi niya magawang magalit. Siguro dahil
buhay nila iyon at may sarili rin siyang
buhay, sila ni Baron.
"May kasalanan din ako dahil kinunsinti ko
siya," malungkot na sabi ni Gawdin.
"Wala ho kayong kasalanan, Lolo," sabi ni
Hael pero napailing si Gawdin.
"K-Kung pinigilan ko lang sana si Baron
noon. Kung sinubukan kong turuan siyang
magpatawad pero hindi. Isa ako sa mga
taong nagpursigi sa kaniya para
maghiganti!"
Napatingin si Hael sa mukha ng matanda.
"Gusto kong mapatay namin ni Baron ang
pumatay kay Hael!"
"H-Hael?" ulit ng dalaga.
"Hael ang pangalan ng dating kasintahan ni
Baron na ipinangalan naman namin ng lola
mo sa iyo," namula ang pisngi ng matanda
kaya napakunot ang noo ng dalaga.
"N-Nagkita na ba kayo ng kasintahan ni
Baron?"
"Oo," pag-amin ng lolo. "Maganda siya,
mabait at simpleng tao. Noong una kong
pagkakita sa kaniya sa bilyaran, kagaya ni
Baron, palihim ko siyang minahal."
Napahilamos si Hael sa mukha. "I-Ikaw 'yon?
Ikaw ang bestfriend ni Baron na palagi
akong--I mean, palaging kinakausap si
Hael," sabi niya saka tumayo at niyakap ang
lolo.
"Bakit ba?" nagtatakang tanong ni Gawdin.
"W-Wala ho. Na-miss lang kita, Lolo!"
Tinitigan ni Hael ang mga mata ng lolo.
Kaya pala ang gaan ng loob niya sa kaibigan
noon ni Baron.
"Biktima lang din kami, apo. Ang akala ko
rin, sina Lee ang pumatay kay Hael." Ngumiti
si Gawdin. "Pero sa burol ni Hael, saka ko
naman nakilala ang babaeng nagpatibok muli
ng puso ko, ang bestfriend ni Hael, ang Lola
Rosa mo." Saka lang niya nalaman na ang
Rosa ay short cut ng pangalan ng Lola
Rosalinda niya.
Mas lalong sumakit ang ulo ni Hael sa
natuklasan. Ibig sabihin, ang lolo' lola niya
ang mga naging bestfriend niya noon? Kaya
pala sa una pa lang ay magaan na ang loob
niya sa mga ito sa paglalakbay niya sa
nakaraan.
"N-Nahanap n'yo na po bang ang pinakiusap
ni Baron? Nasaan na ang kuwentas at
singsing ni Hael?"
"N-Nasa sorority mask ang mga diyamante
ni Hael!" sagot ng matanda.

A/n:
Kung may kulang man o hindi kayo
naintindihan, next chap na lang... Mahina
ako sa explanation. Hehehe💜💖💚

The Adventure of Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon