Cholo's POV:
"Engineer, kamusta ang opening ng branch? Congrats! Successful ang project ah." Laking ngiting salubong ni Vince. Sumunod siyang pumasok sa opisina ko.
Huminga ako ng malalim. "It was all worth it." Nilapag ko ang bag ng aking laptop saka pagod na binagsak ang sarili sa couch. Sinandig ko ang aking ulo at tumingin sa kisame.
Umupo naman siya sa table ko, nakaharap sa akin. "Kaya ang laki ng ngiti. Hanggang ngayon nakangiti pa rin, oh!" Mahina niya akong sinapak sa binti kaya napabitaw ako ng ngisi.
"Tigilan mo nga ako. Syempre, masaya ako na natapos ko lahat. Nagkaroon pa ako ng acknowledgment galing sa mga Dolina. Ang laking opportunity non, bruh."
"Oo nga naman. Nakaka-proud ka! Ang galing mo talaga! Graduate ng Summa cum laude, top 4 sa board exam tapos ngayon kinilala pa na isang dakilang inhinyero! Jusko! Sinong babae pa ba ang tatanggi sa isang tulad mo?"
"Tss!" Sunod akong napahinto nang pumasok sa utak ko ang kanyang huling sinabi. Babae... Pumasok ang babae na 'yon sa utak ko.
Lumalim ang aking pag-iisip.
"Anyways, thanks, Engineer."
I suddenly let out a chuckle.
"Oh," gulat ni Vince. "Bigla-bigla ka na lang tumatawa riyan."
Sinulyapan ko siya at tinino na ang aking hitsura.
Now I knew... She's working as a restaurant manager.
She is a literally born woman who doesn't know how to change her car's wheel. Wala naman talaga akong meeting. Sinabi ko lang 'yon para madaliin siya.
Masungit talaga ako sa mga babae. I couldn't find my taste.
Pero siya... I couldn't remain grumpy. I sometimes laugh at her reaction because she's... She's cute.
Lorine's POV:
A day passed.
Nasa kusina ako ng resto nang biglang sumulpot si Bren.
"Miss Loraine! 'Yung customer natin!" nagpapanic niyang sabi.
Agad akong napalingon sa kanya. Gulat na gulat ang reaksyon ko sa kanyang sinabi.
"Bakit? Anong nangyari?" Dali-dali akong lumapit sa kanya.
"May batang nagsusuka dahil sa inorder nila at pinapatawag ka ng nanay!"
Sabay kaming tumakbo patungo sa customer na nasusuka. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil sigurado ay pagkain ng restaurant ang nakain niya kaya siya nasusuka. Lumalakas ang kaba ko. Pagdating namin sa mga dinings ay agad akong may narinig na boses na sumisigaw.
YOU ARE READING
Desired Affection
RomanceKeshia Lorine Dixon is a business-minded person. She's always with her best friend, Krizzy. She works as a restaurant manager and tends to dream big, achieve her goals, and endeavor to have her own restaurant branch. Pagdating naman sa pag-ibig, naw...
