After work I prepare to spend my night with Cholo. We took a shopping trip, and pagkatapos ay dumaan kami sa VGC. May isang banda kasi ang nagcoconcert rito kaya rinig na rinig namin ang ingay. Malayo rin kami mula doon at lumugar lamang kami sa may mga upuan sa likod.
"Babs," tawag niya. Bumaling naman ako.
"Hmm?"
"Uhm... I just want to be open about this. I heard some news. Supplier niyo si Garrett?" he asked me. Nagtaka agad ako, saan niya nalaman 'yon?
I have no choice but to nod. Ayoko na ulit magsinungaling sa kanya pagdating sa lalaking iyon. "Yeah, and I don't care. Di ko naman ginusto na maging supplier namin siya. Kung magkikita man kami, that would be all about work," I assured.
Hindi siya agad sumagot. Hindi ko alam kung anong pumapasok sa isipan niya.
I tapped his leg nang mapansin ko iyon. "Babs, wag ka nang mag-isip ng kung ano-ano, okay? I already know what I'm going to do. Wala na siyang makukuha sakin."
"I'm just worried. Ngayon magkalapit na ang distansya niyo, there's a possibility na hindi ka rin niya titigilan… I mean… It's not jealousy... Ayoko lang lalapit-lapitan ka niya. Baka ano pang gawin sayo habang wala ako sa tabi mo para protektahan ka."
I smiled. Hinawakan ko ang kamay niya. "Just trust and give it to me. Cholo, wag ka nang mag-overthink. I know my limits, and I still respect your feelings. Alam kong gusto mo na iiwas ako sa kanya. Kung may magagawa lang ako para paalisin siya, pero wala na. Sila yung nagdesisyon at hindi ako."
"I trust you. Just call me anytime if you need my backup, okay?" Hinawi niya ang buhok ko dahil na rin ito ng hangin.
Tumango naman ako. Kitang-kita ko pa rin ang pag-aalala niya.
Maraming linggo ang lumipas ay ito na ang araw ng 15th anniversary ng Vrecks restaurant. Lahat ay naghanda para sa celebrasyon. Before that day, we already planned. Alam ko ay magiging bibong-bibo ang araw na ito sa resto.
I also prepared. Dahil syempre kahit limang taon pa lang ako nagtratrabaho dito, parang naging pamilya ko na rin sila.
Kinuha ko bilang escort ko si Cholo. Actually, Gabi naman ang party, at sakto ay wala na siyang trabaho. Buti na lang ay pumayag siya kung ayaw niya na iba ang magiging escort ko!
6:30pm, nasa condo ko si Cholo. Sabi niya ay sabay na kaming maghahanda para sa party. Dito na rin daw siya mag-aayos. Nagvolunteer pa siya na siya na ang magmake up sakin. Marunong siya mag-make up? Bakla ba 'to? Kidding
"When I was a kid, I saw my mom's cabinet was full of makeup kits. Tapos nacurious ako kung ano yung mga 'yon. Then one time I saw her applying them on her face. I was just watching her while she was doing that. Halos araw araw siguro natutuwa akong panoorin siyang magmake up evertime na papasok na siya sa trabaho. Sinasabi niya rin naman sakin kung anong pangalan ng bawat gamit na hinahawakan niya hanggang sa naisaulo ko na ang mga iyon, sa kung paano gamitin at kung saan gamitin," kwento niya habang nilalagyan ako ng foundation sa mukha.
Tumawa ako. "Buti na lang hindi ka nagtatago sa kwarto mo para mag-makeup yung sarili mo tapos magsusuot ka ng sexy dress." Walang tigil kong tawa.
Tumigil siya sa pagbrubrush ng foundation sa mukha ko. "Kung hindi ata kita nakilala, baka ngayon mas maganda pa ako kaysa sayo."
"Yaayy!" I laughed. "so are you saying na hindi ako maganda!?"
Tumawa siya. "You're the only and the most beautiful in my eyes, Lorine," paalala niya.
Namula ang pisngi ko. "Ang hirap mo namang paniwalaan. Baka mamaya may makakita kang mas maganda kesa sakin hihiwalayan mo ako—"
I stopped talking when he immediately kissed me. Nanlaki pa ang mata ko dahil masyadong madiin yon.
YOU ARE READING
Desired Affection
RomanceKeshia Lorine Dixon is a business-minded person. She's always with her best friend, Krizzy. She works as a restaurant manager and tends to dream big, achieve her goals, and endeavor to have her own restaurant branch. Pagdating naman sa pag-ibig, naw...
