CHAPTER 3

43 1 0
                                        

"I'm Engineer Cholo Calvillo, sir." He formally introduce himself. "I came here to give you the evidence that you're looking for."



Hindi ako nakapagsalita. Alam ko na gagawin na niyang ilabas ang totoo. I will trust him now na matulungan niya akong maayos 'to.



"Evidence? pwede ba kitang isama na maimbitahan sa prisinto Engineer Calvillo? doon na natin ito pag usapan."


"Sure, no problem." sagot niya.


"See? he has an evidence to prove that this persons are criminals!" sabi ng babae.



"Manahimik ka nga!" sambit ng isang waitress na nasa aking likuran.


Engineer Cholo ignore her.


"Tama na yan, sumama na kayo sa prisinto para matapos na ang gulong to." giit ng pulis.



Kinakabahan ako sa mangyayari kapag nasa prisinto na kami. Nagtagpo ang tingin namin ni engr. Calvillo. Kalmadong tingin iyon at nakatulong sa pagwala ng pag aalala at kaba sa loob ko.



Lumipat ang kanyang tingin sa mga pulis. Nilapitan niya ang mga ito saka may ibinulong. Sumagot ang pulis saka tumango. Wala akong narinig sa mga sinabi nila. Sunod na lumapit sakin ang lalaki.



"Sumabay ka na sakin. Nagpaalam na ako sa kanila. Wag ka ng sumabay sa police car. Baka kung ano pang gawin sayo kapag magsabay kayong dalawa." aniya.



Bumaba ako ng tingin at lumingon sa aking likuran upang makausap ang mga crews. "Ako na lang ang pupunta. Maaayos namin 'to." Sabi ko sa kanila.



Dumeretso na kami sa sasakyan niya. Hindi ko inaakala na sasakay kami sa iisang kotse ngayon. Wala na akong dahilan para tumanggi pa. Parang wala ako sa sarili ko ngayon dahil unang beses kong maimbitahan sa prisinto at may nakaaway pa na customer. Unbelievable.



"I know you were getting uneasy. Just calm down." basag niya sa katahimikan habang nagmamaneho. Naging dahilan pa iyon upang mabawasan ang kabang nararamdaman ko.



Huminga ako ng malalim. "Bakit ka pala dumating ng maaga? wala naman akong sinabi na pupunta ka ng maaga 'diba?" I asked out of curiosity.



"I decided na dumaan muna sa resto before i go to work. I just want to check if you're okay." he said. Sunod siyang sumulyap. "but that surprised me, narinig ko ang sinabi ng pulis tungkol sa ebidensya kaya... It was just a good timing." aniya habang nagmamaneho.


Nagawa niya pa talagang mag-alala sa akin.



Pagkarating namin sa presinto ay prinesenta na nga ang ebidensya. Lahat ay nagulat at ang babae ay mukhang hindi makapaniwala sa kanyang nakita.



"Saan niyo nakuha yan!? hindi totoo yan!" pilit niya pang dinedeny ang nakita.




"Paano mo nagawa to sa sarili mong anak?" sabi ko sa kanya. "tapos kami pa ang sinisisi mo kung bakit siya nalason? matino ba talaga 'yang utak mo? sa tingin mo may maniniwala pa sayo na ngayon labas na ang lahat? nakakahiya ka naman!"



"Ano bang nagawa namin sayo bakit ang laki laki ng galit mo samin? Kung galit ka sakin, anong nagawa ko sayo? ni hindi nga kita kilala! ang kapal naman ng pagmumukha mo!" dagdag ko.




Tumawa lang siya. Doon kumulo ang dugo ko. Baliw ba 'to? bakit tinatawanan niya lang ako? akmang susugurin ko na sana siya ng dahil sa inis ko nang may kung sinong humawak sa aking balikat upang pigilan sa aking gagawin.



Desired AffectionWhere stories live. Discover now