2 years after
"Congratulations to Ms. Keshia Lorine Dixon!"
Lahat ay pumalakpak pagkatapos kong putulin ang ribbon. Mga pinagkakatiwalaan kong tao, kaibigan ko mga ay lahat andito sa welcome party ng bago kong restaurant business.
Noon ko lang ito pinapangarap noong nag-manager pa ako sa Vrecks restaurant. I imagined myself that I will become a CEO in my own fast food restaurant soon. But now, after 2 years of building up my dream, I am already in my final step.
Iba talaga ang power ng prayers. When God is your companion, gaganda at gaganda talaga ang buhay ng isang tao. And I felt that. Nagtiwala at kumapit lang ako sa kanya. Hindi ko naramdaman na nag-iisa ako dahil may diyos akong kasama araw-araw. He is my savior. He saved me from pain, from darkness, and from the wrong people. Kahit na mag-isa na lang ako lumalaban sa buhay.
Thank you, God.
Malaki ang ngiti ko sa lahat ng tao sa harapan ko ngayon. Kitang-kita ko ang mga ngiti nila sa akin habang pinapalakpakan ako. This restaurant was as big as I expected! And my next dream is to have this restaurant discovered in many places.
"I'm so proud of you, Lorine." sabi ko sa isip.
They all congratulated me. Pagkatapos non ay nagkainan na ang lahat.
Krizzy approached me. Ang laki ng ngiti niya. "That's my girl! Congrats, sizzy!" She immediately hugs me.
Natawa ako sa saya. "Hindi ko naman magagawa to agad kung wala yung tulong mo, Krizzy. I love you… Na kahit may asawa't anak kana, andito ka pa rin sa tabi ko."
Kakapanganak niya lang din 4 months ago, at ako ang kinuhang ninang. Naalala ko ang anak ko. But I'm trying my best to move forward. She or he is already my guardian angel.
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. "Hmm! Hindi ako lalake na nang iiwan lang! Babae ako, babae lang ang hindi nang iiwan sa mundong 'to."
I smiled. "Thank you…" Sunod ko siyang niyakap.
"Hi, Ms. Lorine!" bati sa akin ng isang bisita. Bumitaw ako kay Krizzy upang makaharap siya. Nagpaalam naman si Krizzy na may kakausapin rin siyang ibang guest.
"Hi, ma'am." I gave her a smile. Nakipag-shake hands na rin ako.
Siya yung kaclose ko na isa ring business owner. Kasing edad ko lang din. Sakanya ako kumukuha ng mga tips and advice on how to start a good business. Kaya sobrang saya ko na nagkaroon ako ng isang gaya niya na isang matalinong entrepreneur.
"Congratulations! I'm so proud of you, Lorine. Grabe yung growth ng career mo. Di'ba masaya ang magkaroon ka ng sarili mong source of income?" masayang sabi sakin ni Maam Elle. I saw the pride in her eyes.
"Maam Elle, thank you very much for all your advice. Aasahan niyong mai-apply ko iyon dito." I genuinely smiled.
"That's good." Lumipat naman ang tingin niya sa kamay ko. "Wait, is that an... engagement ring?" She asked in curiosity.
Lumipat naman ang tingin ko sa aking daliri. I blinked, and nawala naman ang ngiti ko nang maalala kung kanino nanggaling 'to.
Umiling ako. "Uh, it's not." Pilit na akong ngumiti. "It is just a meaningless ring, ma'am," dahilan ko.
"Oh, I'm sorry I misinterpreted. Curious lang ako, don't you have a boyfriend yet? I'm sure naman may ipapakilala ka sakin, huh."
Umiling ako. "I have no plan."
"Hmm, you're pretty. Hindi nakakapaniwala, Lorine ha."
Marahan akong natawa. "Maam Elle, ganda lang yung meron ako. Pero yang boyfriend, that's not yet my focus now. I don't have any man to give my whole attention. Kaya wala akong maipakilala sayo. Kung meron man… Edi kasama ko na siya dito ngayon," nakangiti kong sagot.
YOU ARE READING
Desired Affection
RomanceKeshia Lorine Dixon is a business-minded person. She's always with her best friend, Krizzy. She works as a restaurant manager and tends to dream big, achieve her goals, and endeavor to have her own restaurant branch. Pagdating naman sa pag-ibig, naw...
