"Mukhang sirang-sira yung mukha niyo sa iyak... May gusto ba kayong kainin? Snacks?"
Kakapasok pa lang namin sa loob, pinapasok ko na si Cholo. Pinaupo ko siya sa sofa, nanatiling walang lakas ang estado ko.
"Si Cholo na lang bigyan mo," sabi ko. Dumeretso ako sa kusina upang makainom ng tubig.
"No, it's okay. Huwag mo ng abalahin yung sarili mo sa'kin, Krizzy," rinig kong aniya.
"Oh sige. Lorine, mauuna na ako ha... Yung soup andiyan lang. Initin mo na lang kung gusto mo kainin ng mainit. Iwan ko muna kayo." Lumapit siya sakin saka binigyan ako ng beso.
Ngumiti naman ako sa kanya. "Thank you for everything, Krizzy."
She smiled. "Huwag mo nang isipin iyon. Kung ano man ang desisyon mo sa inyo ni Cholo, hahayaan na kita. Alam ko naman na... alam mo rin ang ginagawa mo. At masyadong namaga iyang mata niyo. Huwag mong kalimutan na buntis ka. Baka ma-stress ka niyan," paalala niya.
Tumango tangi ako. "Yes... mag-iingat ka." Binigyan ko siya ng halik sa pisngi sunod na niyakap.
She smiled again. "Ikaw ang mag-ingat, Lorine. Ingatan mo ang sarili mo, okay?" May bahid ring pag-aalala sa kanyang mukha.
I nodded. Binitawan na niya ang magkahawak naming kamay saka tuluyang umalis. Nanatili pa rin ako sa kusina na malayo kay Cholo.
Humigop ako ng tubig. Huminga ako ng malalim. I need to calm myself... Buntis ako, buntis ako...
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ay umalis na ako sa kusina. Nakita ko si Cholo na nakayuko ang ulo habang nakasandal ang dalawa niyang siko sa kanyang magkabilang binti. Malalim ang iniisip. May dala akong isang basong tubig. Naglakad ako papunta sa kanya at nilapag ang basong may tubig sa center table na nasa kanyang harapan.
"Hydrate yourself."
Ininom niya naman din iyon. Sunod na pumasok ako sa aking kwarto. Hinayaan ko lamang siya sa labas. Masyado pang mabigat ang pakiramdam ko upang makatabi siya ng mahabang oras. Bahala na siya kung anong nais niyang gawin. Uuwi ba siya o rito magpalipas ng gabi. Ni-lock ko na lamang ang pinto.
Dumidilim na rin ang gabi. Lumabas ako sa aking kwarto. Kakagising ko lang din. Pagbukas ko pa lamang ng pintuan ay agad kong naamoy ang lutong ulam. Amoy beaf steak. Amoy ba galing sa kapitbahay 'yon? Natatakam ako.
Pagdating sa kusina ay bigla kong nakita si Cholo na abala sa paghahain ng pagkain. Nagluto siya?? Oo nga, nagluto nga siya.
Napansin niya ang pagdating ko kaya agad napalitan ng ngiti ang kanyang labi. Naka-apron pa. Dahan-dahan rin akong naglakad palapit sa dining table.
"Oh, umupo ka," inalayan niya akong makaupo. "Timing na gising ka na. I cooked beaf steak. Your usual request." he smiled.
Hindi niya pa rin 'yon nakakalimutan. Paborito ko rin iyon na niluluto niya noon.
YOU ARE READING
Desired Affection
RomanceKeshia Lorine Dixon is a business-minded person. She's always with her best friend, Krizzy. She works as a restaurant manager and tends to dream big, achieve her goals, and endeavor to have her own restaurant branch. Pagdating naman sa pag-ibig, naw...
