CHAPTER 26

45 0 0
                                        

"Hanggang kailan mo itatago iyan? Remember, may project pa kayo sa Bohol. Bawal ma-stress, bawal mapagod..." paalala ni Krizzy.


"Alam ko naman. Hanggang sa kaya ko pang itago... Ang bad timing lang ng panahon."


"Tanggapin mo kaysa mag-overthink ka riyan... E ginusto mo makipag-chukchakan sa kanya! Iyan kasi, rumurupok yang puso mo. Tapos ngayon sasabihin mo na bad timing? Baliw ka pala e."


Ikinuwento na rin sa kanya paano nangyari ito. Kahit siya ay hindi natuwa sa ginawa ko. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isipan ko nung mga oras na iyon. Pero hindi naman ako nagsisina nabuntis ako. Hindi lang tumama sa tamang oras. At ngayon hindi ko rin alam hanggang saan ang pagpapanggap ko kay Cholo.


"May balak ka talagang itago sa kanya hanggang sa manganak ka?"


"Krizzy, kinakabahan ako... Ewan ko! Parang may kung sinong pumipigil sa akin na gawin 'yon. Iniisip ko na ang sama ko naman masyado para itago sa kanya. May karapatan siya. Wala lang akong lakas ng loob na mag-bukas ng usapan tungkol dito."


"Eh, andiyan na iyan... Talagang darating ka sa punto na... kailangan mong harapin yung bagay na iniiwasan mo."


Hindi na ako sumagot pa.


Kakatapos ko lang magtrabaho sa resto. Pag uwi ko ng bahay ay may natanggap akong text.


Cholo:

Good evening, Ms. Dixon.

When is your plan to visit your land in Bohol? Para masimulan na natin ang plano ng mas maaga


Napakurap ako... Ramdam ko ang pagkabog ng aking dibdib. Iba pa rin ang epekto sa akin na ngayon ay apelyido ko na ang binabanggit niya. Hindi ako sanay. I gave him my number for business purposes.


I type a reply.

You can decide when. I'll give you the budget as soon as possible.


Cholo:

"I will not handle the budget... Sasama lang ako; I want you to keep that money with you."


"Okay."

I replied.


Cholo:

"Sisimulan na natin bukas, is it okay with you?"


Hindi agad ako nag-reply. Pinag-iisipan ko pa ang magiging sagot ko. Plano ko sana magpa-check up bukas. Ayoko munang malaman niya... Mag-iipon muna ako ng lakas ng loob. Pagkatapos ng nangyaring misunderstanding sa pagitan naming dalawa, ay hindi madali para sa akin na makipag-ayos sa kanya agad-agad.


Me:

I don't have available time tomorrow. Can we move it to the next day? I'm not in a good condition to travel

Cholo:

You're not feeling well?


Desired AffectionWhere stories live. Discover now