CHAPTER 31

28 0 0
                                        

5 months after


"Maldives!" Sigaw niya sa saya nang makaapak kami sa sahig ng Maldives. Kakababa lang din namin ng eroplano.


Ngayong honeymoon namin, sa dream place niya naman.


Tumawa ako sa tuwa. Nag book kami ng grab para makapunta sa binook rin naming hotel. Bukas pa kami magstastart gumala dahil maggagabi na rin. Pinoy na pinoy, huh. Hindi sanay gumala sa gabi.


Ito ang pinakamagandang hotel na na-book namin dahil hindi mawawala ang view ng city. Ang ganda! Ito na ata ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Mali, hindi lang itong araw. Dahil ang pinakamasayang araw sa buhay ko ay ang mga panahon na magkasama kami ni Cholo at ng baby namin. Sayang nga lang na hindi pa namin pwedeng igala si baby Verria. Naiwan na lang siya sa mommy ni Cholo. Next month pa raw kasi sila makakauwi.


Tumambay ako sa may balkona. Tuwang-tuwa ako sa view, parang nalulusaw ang puso ko sa ganda ng nakikita ko.


Bigla na lang akong niyakap ni Cholo sa likod. Hinarap ko siya saka ngumiti. Hinawakan niya ang likod ko dahil nakasandig lang ako sa railing. Nasa 10th floor kami naka-check in.


"Tapos ka na magluto?"


Hinayaan ko siyang magluto sa kusina kanina dahil volunteer niya naman 'yon.


"Yeah," tipid niyang sagot habang malawak ang tuwa sa mukha.


"Bakit naman masaya ang asawa ko?" Pinalupot ko ang braso sa kanyang leeg.


"Hindi ko inaasahan ito."


"Na?"


"Na darating tayo sa punto na ganito."


I smiled. "Hindi naman tayo magiging ganito kung hindi mo ako hinabol-habol noon."


Pansin ko sa kanyang hitsura na inaalala ang mga panahon na nagkakilala pa lang kami.


"Kung gaano mo ako iniikot para mahulog lang sayo. Kung gaano kalakas yung level ng pagiging malandi mo," dagdag ko.


Nababitaw siya ng ngisi. "Mahulog ka na sakin, huwag lang sa 10th floor." Hinila niya ako palayo sa railing. Nakahawak pa rin siya sa baywang ko. Malabo namang mahulog ako e hanggang dibdib ko naman ang taas non.


"Oh ano? Naalala mo?"


"Pasalamat ka nga na naging ganon ako. Siguro hanggang ngayon... single ka pa rin. Atsaka baka hanggang ngayon, wala ka pa ring poging asawa."


Hindi ko mapigilan ang tumawa. Bwisit kahit kailan talaga! Mahina ko siyang sinapak sa dibdib. Hanggang ngayon, hanggang dibdib niya pa rin ako. Napansin ko rin na mas nag-improve ang chest muscle niya, huh. Hindi ko siya napapansin na nag-wowork out nitong mga nakaraang araw.

Desired AffectionWhere stories live. Discover now