CHAPTER 12

32 0 0
                                        

"Hoy! Ang sosyal niyo naman, may pa-Korea pa kayo ni Engineer!" bungad sakin ni Krizzy pagpasok niya pa lamang sa condo upang mangbwisita.

Nakauwi na kami ng Pilipinas pagkatapos ng halos dalawang linggo ng tagal namin sa Korea.

Umupo ako sa sofa at ganon rin siya, tinabihan ako. "Anong meron sa inyo 'don?" tanong niya.

Namula agad ako. Pumasok sa isipan ko nung isang gabi. Haayyss! Naco-conscious nanaman ako!

"W-wala! Malamang, mamasyal, magbakasyon..." sagot ko. E totoo naman din.

"Nakita ko yung post niya sa IG... Ikaw yung laman ng stories at mga posts niya! Tapos dumaan pa kayo sa Hybe Insight!" aniya mukhang nainggit. "Ba't di moko sinama!"

Hindi naman siya fan. Crush niya lang si Namjoon. Kaya pati siya ay naloloka na rin.

"Girl, libreng ticket lang sakin ni Cholo 'yon. Hindi ko nga rin inexpect na pupunta pala kami don."

Humaba pa ang pagchichikahan namin ni Krizzy. Kung ano-ano na lang ang kinukwento ko sa kanya tungkol sa pagpunta namin don. Pinakita ko rin sa kanya pictures and videos na nakuha ko mismo sa cellphone ko.

Kami lang dalawa dito sa condo. Pinaghanda ko na rin siya ng snacks at juice.

"Anyways, Lorine."

Bumaling ako sa kanya ng magsalita siya. "Hmm?"

She gulped. "Ayoko rin sanang i-kwento sayo 'to kasi nakikita ko na... sobrang saya mo na kay Cholo. Pero sasabihin ko sayo 'to dahil... kailangan mo na ring malaman."

Pinalibot ako ng kuryosidad. Parang seryoso ang sasabihin niya. Tinutok ko ang atensyon ko sa kanya.

"Krizzy, deretsuhin mo na ako." I sip a drink.

"Si... Si Garett."

Muntik na akong mabulunan sa iniinom kong juice. Narinig ko pa lang ang pangalan na iyon ay agad nagbago ang reaksyon ko na ngayo'y parang gusto kong magalit.

"Ilang beses na siyang pabalik-balik sa resto habang wala ka dito sa Pinas. Hinarap ko siya at hinahanap ka. Tinatanong niya kung nasaan ka pero sinabi ko lang na... off work ka lang. Tapos kinabukasan bumalik nanaman siya… Hindi ko alam, Lorine kung anong kailangan niya sayo. Bakit pabalik-balik siya at atat na atat ka niyang makita. Hindi ko sinabi sa kanya na nasa ibang bansa kayo dahil ayoko sirain yung bonding niyo ni Cholo."

Paulit-ulit akong kumurap. Naramdaman ko ang irita at pagkulo ng dugo ko. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi.

"Tangina…" bulong ko. Napamura na lang ako sa inis. Pabagsak kong nilapag ang basong hawak ko sa lamesa. "Kailan pa ba siya titigil!? Hindi ko alam kung ano yung kailangan niya sakin! Bakit ba ginagawa niya sakin 'to!" bumuga ako ng hininga. "Nakakainis, ha!"

Sumandig ako sa sofa at napapikit. Gulong-gulo yung isipan ko sa mga nangyayari. Naghalo ang inis, galit, at poot sa dibdib ko. Akala ko ay huling beses na niyang magpakita sa akin nung nakaraan. Wala na siyang halaga sa akin! Ayoko na siyang makita!

Ayokong saktan si Cholo. At alam kong kapag malaman niyang nagpapakita pa sa akin 'yong lalaking 'yon, ay baka away na naman ang magiging resulta nito!

"Gusto ko lang malaman kung... Nagkikita pa ba kayo sa mga nakaraang araw o buwan? Bakit siya nagpaparamdam sayo ulit? Anim na taon na kayong wala, diba?"

Hinarap ko siya. "Krizzy, I don't know! Ni wala na kami at noon pa 'yon! Hindi na nga ako nagpapakita sa kanya at siya lang yung pilit na lumalapit sa'kin!"

"Lorine, mahirap namang sabihin sayo 'to… pero feeling ko sa mga galaw niya… hindi pa rin siya nakamove on sayo. Nakakainis lang isipin! Hindi ba siya napapagod? Niloko ka na nga niya tapos ngayon bumabalik siya?"

Desired AffectionWhere stories live. Discover now