Throwback: Cholo POV
"Someone brought me a flower. Sa'yo ba galing 'to? Huwag mo na akong gawing manghuhula oh. Nasa labas ka ba?"
"Huh? Wala akong binigay na bulaklak. Atsaka nasa office ako ngayon. Office hours ko. Luh, badtrip, inunahan ako. Sino 'yan? Nagseselos ako."
Who the fuck has the guts to flirt my wife!?
"Shut up. Hindi ko nga alam."
"Bakit may nagbibigay ng bulaklak sa 'yo?"
"I'll call you later."
Luh? Binabaan ba naman. Kanino kaya galing 'yon? I wanna talk to him.
"Hoy! Ba't ka umalis? Natututo ka ng mag-scape sa trabaho mo ah! 'Di kana highschool!"
Naglalakad ako pabalik sa office nang makasalubong ko si Vince sa hallway.
"TSS! I just had important stuffs."
Napalitan ng asar ang hitsura niya. "Gaano ba ka importante ba 'yan?"
I glared sapat na upang mabawi ang nang-aasar niyang tingin. "Ano bang pakialam mo?" sagot ko.
Deretso na ako naglakad hanggang sa pagpasok ko sa opisina ay sinusundan niya pa rin ako. Wala ba 'tong trabaho?
Umupo ako sa swivell chair.
"Wala ka bang ikwe-kwento?" Tanong niya.
"Wala ka bang trabaho?"
Umupo siya sa edge ng table ko. Hindi ko kuha kung bakit masyado siyang curious tungkol sa nangyari sa araw ko.
"Eto naman parang 'di kaibigan. Mukhang badtrip ka naman kasi!"
Umiwas ako ng tingin. "Hinahabol pa rin ng ex." pagbukas ko ng usapan.
"Huh? Ah! Okay! Kilala ko na 'yang tinutukoy mo. Isang babae lang naman ang tinatakbuhan mo ngayon. Eh kung ganon, malaking problema 'yan."
Alam niya naman lahat ang tungkol kay Lorine dahil kinukwento ko na siya sa kanya.
"Ex lang 'yan."
"Ba't parang laki ng selos mo riyan? Karapatan mo?"
Sinamaan ko lang siya ng tingin kaya natawa na lamang siya.
"Lakas magselos, wala namang label." Asar niya. "Atsaka eto ha, paano kung mahal niya pa rin? Hindi niya lang sinasabi."
YOU ARE READING
Desired Affection
RomanceKeshia Lorine Dixon is a business-minded person. She's always with her best friend, Krizzy. She works as a restaurant manager and tends to dream big, achieve her goals, and endeavor to have her own restaurant branch. Pagdating naman sa pag-ibig, naw...
