CHAPTER 1

62 2 2
                                        

"Sino ba kase nagsabi sayo na mauna-una ka? ayan tuloy hindi ko alam na naaksidente kana pala." sermon sakin ni Krizy sa pag aalala pagkarating sa condo ko.



Bigla niya na lang ako nakita kanina habang naka busangot ang mukha. Nagawa niya pa akong samahan dito dahil sa aksidente.


"Abala 'yong atensyon ko sa paghahanap sa'yo. Hindi ko naman namalayan na may nakasalubong na pala ako sa pagliko ko, kaya ayon... Hindi ko naman sinasadya. Bigla na lang sumulpot 'yung lalaki."


"Sa susunod ha, mag ingat ingat ka. Iwasan mo 'yang pagiging tanga mo paminsan-minsan. Pinapahamak mo pa 'yung sarili mo, e."


"Oo na! Atsaka malayo naman sa kamatayan 'to. Masyado ka namang nag-aalala."


"Malamang! Magpasalamat ka na lang na 'yan lang ang inabot sa 'yo."


Nilagyan naman ng first aid kanina sa pagdating namin dito. Medyo nabawasan na ang hapdi.


"Teka, nakilala mo ba 'yung nakabangga mo? Anong sinabi niya? Nagalit ba siya? Tinulungan ka?" Sunod sunod niyang tanong.


Tumango ako. "May short conversation lang. Okay lang naman. He want to help me but i refused."


Feeling ko napikon sa'kin ang lalaking 'yon, or nainis. Bahala siya. Hindi ko naman ulit makikita 'yon.


"Siya na nga ang willing na tulungan ka tapos tinanggihan mo??"


Nakaka-konsensya naman. Willing nga niya akong tulungan pero tumanggi naman ako. Humugot ako ng hininga.


"Exactly... Baka kasi maaabala ko pa siya."


Paglipas ng araw ay pumasok na ako ng trabaho. Tatlong taon na akong nagtratrabaho sa isang restaurant na pinagmamay-arian ng kapatid ni Krizy. At ngayon napalaran pang ma-promote bilang manager.


Dati ako office worker pero nagresign kalaunan dahil sa hindi nakayanang trabaho. Ewan ko ba, isang taon lang yung tinagal ko don. Hindi ako nagiging komportable sa trabaho ko kaya naghanap na lang ako ng iba na mas maging masaya ako.


Masaya naman ang pagiging manager. Pero kadalasan ay may mga palpak na gawain at ako agad ang nasisisi ng mga kliyente pagdating sa mga caterings at orders. Pero okay lang, nasanay naman ako.


Nasa manager's office ako ngayon. Napahinto ako sa pag che-check ng files nang may biglang kumatok.


"Pasok." si Bren, ang assistant manager ko.


"Ma'am Lorine, may bagong order na catering. May big opening party celebration daw ang Dolina Company sa Cavite. Tayo ang magho-hold ng catering para sa kanila." sabi niya sa'kin. "Narito po ang lahat ng details." sabay niyang ibinigay sakin ang isang folder.


Tinanggap ko iyon at kinuha na ang papel na nasa loob nito.


Desired AffectionWhere stories live. Discover now