CHAPTER 10

33 1 0
                                        

"As we can see, after how many months, we observed na mas lalong nag-increase yung percentage ng profit sa Vrecks resto. And we can already say that we made it to give a successful operation since then and until now, and we want to thank our customers sa walang sawang pagsuporta nila sa business natin." Masaya silang pumalakpak pagkatapos kong ma-ipresent sa kanilang harapan ang PowerPoint while we are having our business conference.

"Thank you for being a responsible manager, Miss Lorine. Hindi ako makakarating rito na kung hindi dahil sa inyo…" giit ni Maam Flor. Muli kaming pumalakpak para sa kanya. "I'm so glad that we made it more excellent despite any challenges that we faced before, but somehow, we overcame them through the cooperation, trust, and patience of all." She smiled, and I smiled back at her.

"And because of that, I decided to decrease the sale prices of our dishes para mas lalong ma-enjoy ng mga costumers natin yung favorite mga foods nila dito. We will post the announcement in our entrance gate immediately. And this will only be effective for only 1 week, starting tomorrow," she shared an additional piece of good news.

Labis ang tuwa ng mga crews at pati na rin ako sa inanunsyo ni Ma'am Flor. It also gave us a motivation to continue. Parang pakiramdam namin ay nabayaran ang lahat ng pagod at sakripisyo ng lahat para lang mapaayos ang takbo ng resto na ito.

Paglabas ko ng conference room ay sinalubong agad ako ni Krizzy. Bahagya akong nagulat. Di ko alam na may balak pala siyang bumisita dito sa resto.

"Gagi, anong ginagawa mo dito?" nakangiti kong tanong.

Hinawakan niya agad ako sa braso habang mahina akong hinila para maglakad.

"May hinatid lang ako kay ate Flor, and may meeting pala kayo kaya hinintay talaga kita."

Bumaling ako. "Really? For what?"

"Starbucks," aya niya. "It's already lunchtime! Di ka pa kakain?"

Biglang pumasok sa isipan ko na may plano pala kami ni Cholo na magkita ngayon. Hindi ko alam kung nakalabas na ba siya sa site.

Krizzy didn't know that we're already together! Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag malaman niyang sinagot ko na si Cholo...

Kapag wala pa si Cholo, pagbibigyan ko muna siya na mag-Starbucks. Minamanage ko pa rin naman yung time ko between her and him. Baka mamaya magtatampo sa'kin ito.

Paglabas namin ng exit door ay agad akong napahinto sa gulat nang makita ko si Cholo na nag-aantay na pala sa akin sa labas. Nakasandig pa ito sa may pintuan ng sasakyan niya habang may kung anong inaabala sa cellphone niya. Nagtaka pa si Krizzy sa paghinto ko sa paglalakad.

He did not update me. Andito na pala siya? OMG, my fault... Ngayon ko lang nabuksan yung cellphone ko at nagmessage pala siya!

"What? Let's go."

"Wait," pinigilan ko si Krizzy. "Someone is waiting for me. Akala ko talaga mamaya pa 'yung dating niya," sabi ko sa kanya.

Kumunot agad ang noo niya. "And who's waiting? Ohh noo… You're telling me now that you already have your boyfriend who's waiting for you?" Lumaki agad ang mata nito na para bang hinuhuli ang aking sikreto. Ang lakas talaga ng pang-amoy.

"If I told you yes… would you believe—"

"Sino 'yan?" putol niya agad. Bigla na lang kinilig at niyugyog pa ako. Pinipilit akong ireveal kung sino.

Lumipat ang tingin ko sa gawi ni Cholo, at ganon rin si Krizzy. Nakita ko na nasa amin na ang tingin niya at mukhang inaantay na ako. His wearing his shades na mas lalong nagpapogi sa hitsura niya ngayon while wearing his polo and long pants! Gantong pormahan pala yung sinusuot niya palagi kapag papasok sa trabaho.

Desired AffectionWhere stories live. Discover now