Kinabukasan
Huminto ako sa pagta-type sa aking laptop nang may kumatok sa pintuan.
"Go in."
"Ms. Lorine," bungad ni Gina sakin. Mukhang hindi siya mapakali. "May magaganap na meeting ngayon. May mahalagang pag-uusapan lang daw po tayo. Pinatawag ka nila. They need to talk to you."
Nanatili akong nakatingin sa kanya. Still processing what she said. Kaka-meeting lang namin, may meeting na naman.
"About what?"
"Engr. Calvillo suddenly exited the project. They need to talk about it right now."
Bumaba ang kilay ko. "I'll follow."
Nag-isip muna ako saglit bago tumayo. He already exited. Ni wala pa nga akong ginawang warning to get him out of this project. I think he got frightened. He took it seriously. Hindi ko na problema 'yon.
Dumeretso na'ko sa conference room. Pagpasok ko, nahahalata ko ang pagseryoso ng lahat.
"Nabalitaan mo na ba?" bungad ni Franco sakin.
"Ang alin?" sagot ko sabay upo sa CEO chair. I act innocent. Alam ko na ang ibig nilang sabihin. Hindi naman ako affected na nag-quit siya.
"Engineer Calvillo quit the project," Marge said.
"Kung hindi mo sana siya kinuwestyon during our meeting, sana hindi siya nag-isip na bawiin ang proposal, di'ba? Nakaka-offend ka rin. So now, I think hindi matutuloy ang plano mong construction sa Bohol," Franco scolded.
"Wala ka bang gagawin para kausapin siya, Ms. Lorine? We need him to continue the plan."
"We don't need him, and I don't need him. Wala akong gagawin para magmakaawa sa kanya na huwag na lang mag-back out. That was his decision. Wala na tayong magagawa," sabi ko sa kanila.
"Settled na lahat, bakit hahayaan mo lang?"
"Hahayaan kong i-back out niya ang pinasukan niya, but I won't let my dream be pending just because he quit."
"Sinayang nga naman," nagparinig si Franco. Felt disappointed. Alam kong galit na siya pero ayoko nang iyon pansinin.
Sinayang... Ako nga yung sinayang niya.
Nakabalik na ako sa office nang tawagan ko si Vince.
"Yes, Madam Lorine. Napatawag ka ah," natutuwang boses niyang salubong.
I called him. Humihinga ako ng malalim bago sumagot. "Just accept my proposal."
"Accept? Loh, si Cholo na nga—"
"Nag-quit na siya."
"Hah? Ay loko, bakit??"
"Labas kana don. Hindi niya pa napirmahan ang kontrata. Proposal pa lang ang pinirmahan niya, kaya wala na akong ibang malalapitan kundi ikaw lang. So please. Nakikiusap ako."
"Jusko naman, Lorine. Bakit mo hinayaan na mawala yan sa kamay niya? Pasensya kana, pero busy yung sched ko ngayon e. Ang dami kong nilolook forward na project. May trabaho pa akong binisihan sa skyway build up. Hindi ko maisisingit 'yan."
"Vince! Akala ko ba payag ka lang sa plano ko? Bakit naman biglang nagbago yang isip mo? Hey! Hindi ko ginusto na kunin si Cholo kaya sa'yo ako lumapit pero hinayaan mo na kunin niya!"
"Lorine, I'm really sorry. Bakante naman siya, kaya sa kanya ko na binigay. Gusto man kitang tulungan pero... I'm really sorry talaga…"
"May ongoing project pa siya sa Pasay, 'di ba? Tapos kinuha niya 'to?" Kunot noo kong tanong.
YOU ARE READING
Desired Affection
RomanceKeshia Lorine Dixon is a business-minded person. She's always with her best friend, Krizzy. She works as a restaurant manager and tends to dream big, achieve her goals, and endeavor to have her own restaurant branch. Pagdating naman sa pag-ibig, naw...
