⭕ Warning: Violence, abuse and words
2 days passed
Sinamahan ko si Cholo papuntang presinto dahil dito daw nahuli sa Maynila ang totoong pumatay sa ama niya. Tinuro raw ng witness kung nasaan ang suspect. Kaya nahuli agad at nakakulong na ngayon.
Kahit gustuhin ko man pigilan si Cholo sa galit niya ay malabo ko ng mapigilan. Pagbaba pa lang namin ng sasakyan ay deretso siyang tumakbo papasok ng presinto at sumalubong sa amin si Attorney. Sumusunod lang ako sa kanya. Natatakot ako para kay Cholo. Iba pa naman siya magbuhos ng galit. Halos nanununtok na ng tao.
"Nasaan ang mga gagong iyon?" Tanong niya kay attorney.
"Follow me."
Nakarating kami sa visitor area. Inaantay namin ang paglabas ng suspect na kinukuha pa ng mga pulis. Nasa tabi lang ako ni Cholo.
"Babs." Kinakabahan kong tawag. Sinusubukan ko siyang kalmahin at hinimas ang kanyang likod dahil mukhang nanginginig na ito sa galit. "H-hindi ko alam paano ka pakalmahin.. But know your limitation please. Don't ever do a physical abuse. Kilala kita."
Tumango siya, masama pa rin ang tingin. Kulang na lang ay matatakot na sa kanya ang mga upuan dito sa talim ng tingin niya.
"Kung mapigilan ko, gagawin ko. Gusto ko lang malaman ang dahilan kung bakit sobrang... Sobrang demonyo niya para gawin iyon!"
Nalaman namin, na ang mismong witness ang siyang kasabwat ng mismong lider ng murder. Kahit mismo si Cholo ay walang kaide-ideya kung bakit nila iyon ginawa. May atraso ba sila sa pamilya niya!?
Hindi na ako sumagot pa. Nakita ng dalawang mata ko ang pagdating nila at ganon rin si Cholo.
Napatigil ako. Ganon na lamang ang pagtulala ng tingin ko habang nakapokus ang mata ko sa isang lalaki na dala ng mga pulis. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Halos lahat ng emosyon ko ay bumagsak.
What... the... fuuucckk!
"G-garrett..." Pabulong na bigkas ng aking bibig.
Ikaw ang pumatay sa tatay ni Cholo???????
Sa hindi makapaniwala ay agad bumagsak ang luha sa aking mga mata. Paulit-ulit akong kumurap. Binabagsakan na ako ng mundo. Nanigas at nanghihina.
Nakapokus lamang ang tingin niya sa akin. Walang emosyon. At parang hinihintay niya lang ang maaring mangyari.
Parehas kami ni Cholo... Natulala sa presensya niya sa hindi pag aakalang siya ang puno't dulo sa lahat ng nangyaring masama sa buhay namin. Umipon lahat sa utak ko.. Sa kagagawan niyang traydorin ako ang dahilan kung bakit nawala ang magulang ko.. Tapos.. tapos ngayon hindi ko akalaing mawawala ang ama ni Cholo ng dahil rin sa kanya!?
"Ikaw?" Gulat na bigkas rin ni Cholo. At alam ko na ang mangyayari pagkatapos nito. Hindi pa rin nasi-sink in sa utak ko. "Tangina.. ikaw ang pumatay sa tatay ko!?" halos namumuo na sa galit ang kanyang boses.
YOU ARE READING
Desired Affection
RomanceKeshia Lorine Dixon is a business-minded person. She's always with her best friend, Krizzy. She works as a restaurant manager and tends to dream big, achieve her goals, and endeavor to have her own restaurant branch. Pagdating naman sa pag-ibig, naw...
