CHAPTER 30

30 1 0
                                        

"C-cholo?... C-cholo, i-iyong baby ko..." Mahina kong daing.


Nagising ako, at si Cholo at si baby Verria agad ang binubulong ko. Nasa kalahati pa lang ang pagdilat ng aking mata. Sinusubukan kong hanapin sila sa paligid ko ngunit wala akong nakikitang tao dito.


Ang bigat ng pakiramdam ko. Anong nangyari sa akin? Nasaan sila? Bakit hindi ko sila kasama dito?


Sinubukan kong tumayo ngunit hindi ko kinaya, sumakit lamang ang ulo ko. May pumasok na isang nurse na medyo nasa edad na rin.


"Nurse,"


"Mrs. Calvillo, finally you're awake. Tatawagin ko lang ang nurse na umasikaso sa inyo to check your condition."


Lumunok ako. "Uh, nurse, I'm okay... Iyong anak ko po? I need to see her. Nasaan sila?"


"Nasa nursery room pa si baby mo, kasama yung daddy niya. Okay yung anak mo, ikaw lang ang inaalala ng asawa mo kanina dahil sa nangyari sa'yo."


I felt relieved, ngunit napalitan naman iyon ng dahil sa huli niyang sinabi.


"May nangyari sa akin?" Napatanong ako.

Kinuwento niya sa akin ang nangyari kanina. Pinoproseso pa ng utak ko ang mga sinabi ng nurse. Muntik na akong mamatay?


Lumingon ako sa direksyon ng pintuan at nakita ko na pumasok si Cholo sa loob bitbit ang bata. Para bang nawala lahat ng sakit ko sa katawan ng makita ko silang dalawa. May namuong ngiti sa labi ko habang nakaawang pa.


"Lorine, you're awake!" he murmured. Hindi makapaniwala ang kanyang reaksyon. Dali-dali siyang naglakad ngunit may pag-iingat pa rin dahil may bitbit siyang bata. "How are you? Okay ka na ba?" labis ang pag-aalala niyang tanong. Iyong mata niya na parang wala sa oras ay aakalain na niyang katapusan ko na.


Nais kong maiyak ng makita ko ang baby ko.


"Okay lang ako, Cholo... Iyong baby ko..."


Dahan-dahan na niyang binigay sa kamay ko ang bata. Deretso ko agad siya tinitigan. Nakakalutang... Naiiyak ako... Ang ganda niya.


"A-anak ko..." Naiiyak kong sabi na may ngiti sa labi.


Ramdam ko ang pagyakap sa akin ni Cholo nang makaupo sa tabi ko. Hinalikan niya rin ang aking ulo.


"Nurse, is she already okay?" Tanong ni Cholo sa dumating na bagong nurse.


"Ichecheck po namin muna siya sir dahil kakagising niya lang po kasi," sagot niya kay Cholo, tumango naman siya. "If it is okay lang po sana to borrow your time for us to check your blood pressure, ma'am?" Sunod niyang request sa akin.


Pumayag ako habang pinahiga ko muna si baby Verria sa kama.


Desired AffectionWhere stories live. Discover now