CHAPTER 18

33 0 0
                                        

"Are you sure you want to build your own business?" pagkumpirma ni Krizzy.

I sighed. I'm still on my process of deciding. "Hindi pa naman sigurado... Pero, yeah... I have a plan."

"So happy for you… You're already growing," she proudly said.

"Kaysa naman magmukmok lang ako dito. I want to explore. Alam kong madami pa akong makakasalubong na mga araw. Di ko pa rin tanggap pero... Wala namang mangyayari kapag mananatili lang akong gano'n."

It's almost 1 and a half years that have passed. Now I'm already healed from pain. Not totally, but I'm in the process of healing. I can already control them. Pero 'yun nga lang, sa tuwing maaalala ko ang mga masasakit na bagay, sumasakit rin muli ang dibdib ko.

Kinaya ko… Hindi ko alam kung paano. Nagagawa ko na ring ngumiti kahit papaano. Isang taon na nag-iisa ako sa buhay. Wala akong ibang kasama kundi si Krizzy lang. Siya yung tumulong sa'kin na malagpasan lahat. Siya ang pumipigil sa lahat ng mga delikadong balak na nagagawa ko. And I'm also thankful to God. Hindi niya ako pinabayaan.

Halos ilang buwan rin ako nagdusa sa depresyon ko. Halos araw-araw sinasaktan ko ang sarili ko. Tinatanong kung ano bang nagawa kong mali sa mundo bakit paulit-ulit akong sinasaktan ng ganito. And now I realize hindi ako ang mali. May mga tao lang talaga na pumapasok sa buhay na ayaw makuntento. Hindi lahat ng andiyan ay mananatiling andiyan. Nakakaramdam ng pagod, kaya walang ibang gagawin kundi ang maglaho.

Nakakapagod na ring maghabol, sa totoo lang. Hindi ko alam kung paano ko maha-handle ang emosyon ko kapag darating ang araw na babalik siya sa akin upang magpakita. Magagalit lang siguro ako, sisigawan siya, sasaktan siya... o kung rurupok ba ako… Hindi ko alam! Mahal na mahal ko siya, pero dahil sa ginawa niya sa akin... Hindi ako sigurado kung ang pagmamahal ba na iyon ay nanatili pa o naglaho na.

Isang taon na ang lumipas nung huli ko siyang makita. Nakakapagod na rin maghabol. He doesn't care about me anymore. Hindi ako yung isang babae na naghahabol ng atensyon. Magsasayang pa ba ako ng pera para hanapin lang siya kung saang lupalop man siya ng mundo napadpad? Magmumukha lang ata akong tanga o ewan. I only want to live in peace without any worries about everything.

It's much better to give more importance to yourself because at the end of the day, you will still fight for yourself. Lumaban ako nang mag-isa. Iniwan na man ako ng lahat... sa huli ako pa rin naman ang mag-iisang haharap ng mga araw na sasalubungin ko. And I realize that was good enough. Mas masaya kapag mag-isa dahil wala kang iniisip na iba.

Ngayon ay nakapag-ipon-ipon na ako. Binabalak ko ang magpatayo ng sarili kong negosyo. Hindi ko nga alam kung paano ako magsisimula. Mabuti na andiyan si Krizzy, handa siyang tulungan ako. Siya raw ang maghahanap ng contractor at nag-hire na rin kami ng architect para masimulan na ang restaurant build-up.

After how many weeks, ibinigay sa akin ni Architect Josieanne na blueprint para sa overview ng nagawa nilang design, kakilala ko lamang rin siya dahil ka-batch ko siya noong college. Sa unang kita ko pa lang ay masasabi kong sobrang expensive tingnan ang hitsura.

I was happy that I made it on my own. I also bought my new house and lot. Lahat ng address at personal information ko noon ay pinalitan ko na ng bago. Pinakawalan ko na ang lahat ng meron ako noon na nagiging dahilan ng pagbalik muli ng sakit sa damdamin ko. I left my condo unit and transferred to my new home na malayo sa gulo. My phone number, all my social media accounts... Lahat dineactivate ko at pinalitan ng bago.

I grew up alone. Kahit papaano ay nabawasan na rin ang masakit na naranasan ko at nalagpasan ko na ang depresyon. Natutunan ko rin na kailangan kong bumangon dahil may mga pangarap pa ako sa buhay na kailangang tuparin. Mas nakakatuwa at magkakaroon na ako ng sariling negosyo. Soon to rise.

Desired AffectionWhere stories live. Discover now