"Lorine, I'll wait for you here. Hindi ako aalis hangga't hindi ka lumalabas. Alam na alam kong naririnig mo ako at andiyan ka ngayon sa loob."
Ayokong magpakita, ayokong lumabas...
Mas lalong sunod-sunod na bumuhos ang mga tubig sa aking mata habang nakaupo sa sahig. Walang tigil rin ako sa paghikbi. Tumakbo ako papasok ng kwarto. Ayoko siyang harapin.
Damn!
It brings back my trauma.
My trauma made me traumatized. It made me weak, and it almost gave me sleepless nights before. It gave me feelings I never wanted. My trauma didn't make me stronger. I just made myself stronger by dragging myself out of the dark place and dealing with consequences that weren't my fault.
Kaya ngayon, parang may kung anong humihila sa akin patungo muli sa madilim na mundo. Sinampal muli ako ng katotohanan. Nangungulila pa rin ako. Nasasaktan, nadudurog nang maalala ko ang nawala naming anak.
Hindi ko alam kung sarili ko ba ang dapat kong sisisihin sa lahat. Dahil hindi ko naman ito mararanasan kapag hindi ko nagawang pumasok sa isang bagay na makakasira pala sa akin.
Hanggang sa napabitaw na ako ng malakas na sigaw para lang makalabas ng sakit sa damdamin at sigurado akong umabot iyon mula sa labas.
I screamed, again and again... Napasabunot ako ng buhok habang malakas na humihikbi sa loob ng kwarto upang mailabas lang ang tinatago kong bigat at sakit.
Humangad ako at tumitig sa kisame. "A-anak ko... I'm sorry... Andito na 'yung daddy mo..." bumulong ako habang nakadapa sa sahig. "Paano ako magiging malakas ulit? Wala akong lakas para harapin ang daddy mo."
Hanggang sa tuluyang nanghina ang boses ko. May naririnig akong tumatawag sa pangalan ko mula sa labas, ngunit hindi ko iyon pinakinggan. Nanatili lamang akong nakaupo sa sahig. Spending my time crying...
Lumipas ang minuto, nakasandig lamang ang aking ulo sa edge ng kama habang nakaupo ako sa sahig. Wala na ring lumalabas na luha sa mata ko. Tulala at malayo ang iniisip.
Ilang taon na ang nakalipas ngunit bakit pakiramdam ko ang sariwa pa rin?
Narinig ko ang kidlat at kulog mula sa labas. Napaangat ako ng tingin para makita ang langit sa labas nang mapansin ko ang lumiliwanag na pag-ilaw ng kidlat sa dumidilim na langit at paglakas ng pagtunog ng kulog. Alam kong may bagyo. Delikado raw ang kulog at kidlat ngayon.
Walang lakas akong tumayo para sumilip sa bintana. Nakita ko pa rin ang sasakyan niya sa labas. Posibleng andito pa rin siya.
Napakurap ako nang muling sumabog ang kulog sunod na pagbuhos ng malakas-lakas na ulan. Kitang-kita ko pa ang sumasayaw na mga puno dahil sa malakas na hangin. Lumipat ang tingin ko sa labas ng gate. Hinahanap agad siya ng mga mata ko. Hindi ko alam kung nasaan siya nakatambay ngayon... I couldn't see him in my eyes.
Lumunok ako at bumibilis ang bawat paghinga. Hanggang sa naisipan ko kunin ang malaking payong na nasa gilid ng aking closet. Lumabas ako ng kwarto at binuksan ang pintuan ng sala.
Sana naman ay nag-iisip siya. Ngayon ay umuulan ng malakas, dapat makikita ko siya na nasa loob na ng sasakyan niya!
Nagdadalawang-isip pa ako na tumuloy nang makalabas na ako ng bahay. Huminga ako ng malalim sunod na gumawa ng mahinang hakbang palapit sa gate.
I open the small gate. Unang pagdapo ng tingin ko ay nakita ko siyang nakaupo sa semento at nakasandig ang likod nito sa gulong ng kanyang sasakyan. Nang magtagpo ang mata namin ay naging aktibo ang galaw nito. Nanigas ako nang makita ang hitsura niya ngayon. Basang-basa, sirang-sira at awang-awa.
YOU ARE READING
Desired Affection
RomanceKeshia Lorine Dixon is a business-minded person. She's always with her best friend, Krizzy. She works as a restaurant manager and tends to dream big, achieve her goals, and endeavor to have her own restaurant branch. Pagdating naman sa pag-ibig, naw...
