CHAPTER 21

45 0 0
                                        

I laughed sarcastically. Ngunit hindi pa rin mawawala ang paninikip ng aking dibdib.

"Sorry?? Then f*ck you! Sorry for what?? In leaving me for how many years!?" My voice raised.

Sunod-sunod ang luhang bumuhos sa mata ko habang ako ay nakatitig lang sa kanya. Habang siya, inaako ang bawat salita mula sa akin dahilan ng pananakit ng bawat tingin niya. Hindi siya agad nakapagsalita. He went speechless.

"I-I'm really… sorry, Babs." He said in guilt. Iyon lang ang nasabi niya. Halos nagmamakaawa na siyang makuha ang atensyon ko. He made a step to get closer to me. Humakbang naman ako paatras.

"Don't come close..." Pilit kong kinakalma ang sarili kahit mahirap dahil nasa special event kami ngayon. Ayokong mapahiya ng dahil lang sa kanya. "Umalis ka na."

Umiiyak na ako. Wala na akong salita pang masabi at nanatiling gulat pa rin ako sa nangyayari. Hindi ko na kaya. Gusto kong humagulgol dahil bumalik ang lahat sa puso ko. Hanggang sa kinuha na ako ni Krizzy na nasa paligid lang namin.

"Cholo, umalis ka na!" Galit siya at hinila na ako paalis. Summoned ako.

Naiwan siyang walang kalaban-laban. Umalis na kami. She guided me to walk. Nakarating na kami sa sasakyan nila. Pinapasok nila ako sa backseat at tinabihan pa ako ni Krizzy. Kasama namin si Brian, ang asawa niya. Siya na mismo ang nagmaneho.

Umiyak lang ako ng umiyak. Kahit ayoko nang umiyak, ngunit iyon naman ang ginugusto ng sarili ko.

Bakit ngayon ko lang siya nakita?? Pinaglalaruan na lang ba ako ng mundo? Na ngayo'y hindi ko na siya kailangan saka pa mangyayari 'to?? Hindi ako naging masaya nagpakita siya ulit sa'kin ngayon. 4 years! Tangina, anong ginagawa ng tadhana sa'kin!?

"'Yun ang rason kung bakit gusto ko ng pauwiin ka," sabi niya sa akin.

Pumikit ako at isinandig ang ulo sa sandigan. "Hindi ko na siya kailangan... tangina, ang sakit ulit, e." Tinakpan ko ang mukha gamit ang palad.

"Just cry." She tapped my shoulder.

Hinatid nila ako sa bahay. Sa buong biyahe nakatulala lang ako at parang hindi ko pa rin tanggap. Naubusan na ako ng iyak. Bumalik lang ang lahat ng sakit.

I remember the past years when I was diagnosed with depression. Na-trauma siguro ako kaya nangyari sa akin iyon. From Garrett, from my mom and dad, from Cholo, and next from my innocent child. I experienced a lot of pain! I lost my child because of him! Doble ang sakit na pinaranas niya sa akin. Putangina… Tapos ngayon… Bumalik… Kailan pa ba ako makakalaya sa sakit?

"Mahal mo pa rin ba?" she suddenly asked me.

After I fixed myself, humiga na ako sa kama. We're talking through video call.

Hindi ako sumagot agad. Natulala ako sa tanong niya. I licked my lower lip.

"Ano bang klaseng tanong 'yan?" Walang gana kong sagot.

"Just making sure. At hindi ako maniniwala kung sasabihin mong hindi na. At sana nga wala na talaga. Pero alam kong hindi basta-basta naglalaho ang pagmamahal."

"Krizzy, almost 4 years!" I said. "The pain is still fresh, lalo na hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam kung bakit niya nagawa sa akin 'yon! It had an impact on me! I couldn't just accept and forget about it. Wala ng natirang halaga."

"So anong balak mong gawin? Magtatago ka na lang ba?"

Umiwas ako sa screen, tumingin sa malayo. "I'm not yet ready to make any conversation with him. Kung bumalik siya dito, o edi sige. Huwag niya lang ako guluhin ulit."

Desired AffectionWhere stories live. Discover now