CHAPTER 17

34 1 0
                                        

Binigyan ko ang doctor ng hindi makapaniwalang tingin. Kahit gustuhin ko mang sumaya, pero... Severe yung lagay ng baby ko!

"Pero doc... Dinugo siya, kung buntis siya, kamusta po ang bata?" Hindi na rin mapakali ang tanong ni Krizzy.

Nilipat ng doctor ang kanyang tingin mula sa akin na kanina ay nakay Krizzy.

"The baby is already one month.  I'm sorry to say this to you pero... nakunan ka, Lorine," malungkot na balita ni doc.

Para akong binagsakan ng libo-libong bato sa ulo.

I stopped. My tears were starting to blur my eyes. "No," i defend. "Don't say that word, doc." I smile like a crazy.

Para akong nabibingi. Hindi agad naproseso sa utak ko ang sinabi niya.

"I'm sorry... We did everything we could.  Unfortunately, tests and ultrasounds revealed that the baby's heartbeat was no longer present.  Changes in your hormone levels, possibly related to depression and anxiety, may have contributed to placental complications that affected the baby's oxygen and nutrient supply. Your baby needs you, but you didn't take care of yourself, Lorine. I'm sorry for your lost."

Biglang nanginig ang buong katawan ko. Nanigas. Sumasabog sa kaba.

Hindi ko alaaammm!

"N-nooo...." Nawalan ng lakas ang boses kaya kaya napabulong ako, at umiling-iling. Parang ayokong maniwala na patay na yung anak ko sa sinapupunan ko. Deretsong bumuhos ang aking mga luha. I couldn't breathe... "B-buntis ako?.... Doc, yung anak ko!!" I cried. "Hindi pwedeng pati siya mawala pa... Doc, please buhayin niyo yung anak ko!" I almost beg her. "Kahit siya na lang ang maiwan sa akin, please..."

"I'm sorry, kung may magagawa lang kami. But it's over. Nang ma-admit ka dito, nakita namin na wala nang buhay ang bata sa sinapupunan mo. Condolence, Ms. Dixon."

Nagwala ako at wala na sa sarili katinuan. Umiyak lang ako ng umiyak at humagulgol ng malakas. Niyakap ako ni Krizzy. Hindi pwede pati yung anak ko ay mawala pa... Noooo!!

"C-chollooo... M-may anak tayo.... Namatay siya ng dahil sayo..." I whispered, crying.

Hindi mangyayari sa'kin 'to kapag hindi niya ako binigyan ng dahilan...

My babyyy.... I'm sorry. Hindi alam ni mommy na andiyan ka...


"Lorine…" Krizzy also cried.

"Krizzy... Ma… May anak... Kami! Hindi pwede! Bakit pati 'yung anak kooo!!"

After that, I screamed in pain. It was so painful to accept. Pati yung anak ko ay nawala sa akin. Saan pa ako kukuha ng lakas para mabuhay pa? Lahat na nawala sa'kin.... I couldn't live happily. Simula noong nawala si Cholo, wala na akong ibang natatanggap kundi sakit. Araw-araw... Pagod na pagod na ako... Bakit ba ang malas ko sa mundo?

Pag-uwi ko sa aking condo, nasilayan ko ang maliwanag na buwan sa langit. Lumabas ako at pumunta sa balcon. Tumitig ako sa buwan. Magang-maga na ang mata ko sa walang tigil na pag-iyak.

"B-baby…" I sobs. "I'm sorry... Kasalanan ko... Kung alam ko lang na andito ka sa tiyan ko, inalagaan na kita, hindi kita hinayaan... Patawarin mo si mommy, ah… Hindi ko alam… I love youu…" I cover my mouth. Mas lalong napabilis ang luhang sunod-sunod na bumubuhos.

"Choloo..." i uttered. "Kung hindi ka sana umalis... Hindi sana ako nagkakaganito at hindi namatay yung anak natin... Nadamay siya sa sakit ko... Buntis ako nung umalis ka... Hindi ko alam kung maniniwala ba ako na wala ka na habang ako ay iniwan mong sirang sira na… Kasalanan mo at gusto kitang sisihin sa lahat... Huwag ka nang maglakas loob na magpakita pa sa akin. Akala ko hindi mo hawak yung susi ng puso ko, pero hawak mo pala kaya ka nakaalis… Nakalabas ka na... Wag ka nang pumasok muli… parang awa mo na."

Desired AffectionWhere stories live. Discover now