CHAPTER 29

41 1 4
                                        

"Verria Moontage Calvillo," Banggit ni Cholo.


Nag-gender reveal kami ngayong araw at madami ang dumalong bisita. And of course, sa palagi kong hinihiling na sana'y babae ang gender ng anak namin. It's a girl! Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayon.


"Verria Moontage?" Na-curious ako kung saan lupalop ng mundo niya iyon nakuha.


Ngumisi siya. "Verria ay galing sa 2nd name kong Vier. Kaso hindi siya maging junior ko kaya ginawa ko na siyang Verria. At yung montage naman, sa 1st baby natin. You named that baby a 'moon,' right?"


May bahid na lungkot akong naramdaman ngunit abot hanggang langit naman ang saya ko sa kanyang paliwanag.


"Kung may panahon man ako na gustong balikan, iyon ay ang panahon na buhay pa siya sa tiyan ko." malungkot kong saad. "Sino kaya ang kamukha niya sa atin, no?" I smiled.


Niyakap niya ako. Nakasandal ako sa dibdib niya at pinalibot ko ang aking braso sa kanyang beywang habang hinimas-himas niya rin ang aking buhok.


"Syempre ako." Humagad ako at nakita ko ang malaki niyang ngisi. Hindi pa rin nawawala ang kayabangan ng lalaking 'to ah no! Pabiro ko siyang sinamaan ng tingin.


"Just kidding," Bawi niya. Muli niya akong kinulong sa mga yakap niya. "ito naman di mabiro, syempre sino ba ang mga magulang niya? Feeling ko magiging maganda si baby Verria, pogi't maganda yung magulang niya e." Confident niyang magsalita.


"Akheisha Lor sana yung ipapangalan ko, inuunahan mo lang ako."


Bumitaw siya upang ako ay harapin. Malawak rin ang ngisi niya.


"Akheisha Lor sounds cute, huh? Mala Keshia Lorine." He grinned. 


Huminga ako. "Yeah, sayang yung pag-iisip ko tapos di lang naman pala magagamit."


"Who told you na hindi na natin magagamit 'yang pangalang Akheisha Lor?"


Kinuwestyon ko siya. "Saan mo nanaman gagamitin? Dami mong alam, Cholo." Lumayo ako sa kanya. Inaakit ako ng mapanglaro niyang ngiti.


"That's too easy to make a new one. Baby girl? That's too basic."


"Tumigil ka nga, Cholo!" Saway ko, tumawa lang siya. Bigla akong kinilabutan sa kanya. Uminit ang buong mukha ko. Jusko naman, pinawisan ako. Hindi pa nga ako nanganganak, nasa next na siya!


"Palagi kong sinasabi sa'yo, don't ever deny the future." Nanatili pa rin siyang nakangisi.


Ganito lang ang reaksyon ko, pero deep inside kinikilig naman.


"Bahala ka nga diyan! Gawin mo 'yan mag-isa mo." Maglalakad na sana ako nang yakapin niya ako patalikod. Sumabog doon ang dibdib ko.


"Can't wait to show you my strength to be husband material. I cannot wait to see our child, Lorine. I'm always praying for your safety and also for the baby's safety. Satisfied na ako kapag makikita ko na okay kayong dalawa pagkatapos. Kaya mo yan, okay? Gagawin ko ang lahat to take care of you and to give you all your needs. I'll do and promise that to you."

Desired AffectionWhere stories live. Discover now