CHAPTER 16

27 1 0
                                        

Pag-uwi ko ng condo ay wala akong ibang ginawa kundi ilabas ang bigat ng loob ko. Hanggang sa mag-alas onse ng gabi na, walang tigil pa rin ang mga masasakit na luhang lumalabas sa aking mata.

Palagi kong tinatanong ang sarili. Ano bang nagawa ko? Ayos naman kami, diba? Maniniwala ba ako na umalis talaga siya? Maniniwala ba ako sa sinabi ng babae kanina? Maniniwala ba ako sa sarili kong iniisip na iniwan niya na talaga ako?

Hindi...

Hindi.

Hindi niya magagawa sa akin iyon. Mahal niya ako, hindi niya 'yon kayang iwan ako.

"May dala-dala na isang malaking maleta. Hindi ko alam kung saan siya pupunta. Mukhang aalis e. Nagmamadaling sumakay ng taksi."

Kung totoo man na umalis siya.... at iniwan ako ng walang sabi... Tanginang pagmamahal naman! Bakit! Bakit ba ang sama ng tadhana sakin! Ngayon hindi ko na alam kung paano siya macocontact. Cannot be reach ang linya niya. Naiinis ako na gusto kong magdabog! Malakas kong pinalo-palo ang unan upang mailabas ang aking mabigat na emosyon.


Kahit gustuhin kong matulog, hindi ko naman magawa. Wala akong tulog hanggang sa lumabas na ang araw. Alas syete ng umaga, nag ayos ako at umalis ng condo. Pinuntahan ko si Krizzy sa bahay niya upang makahingi ng contact kay Vince. Alam kong si Vince ang palaging kasama niya sa trabaho... baka sakaling alam niya at malaman ko kung pumapasok ba si Cholo at kung nasabi niya kay Vince kung nasaan siya ngayon.

Hindi pa alam ni Krizzy ang nangyari. Nakarating na ako sa bahay nila. Sinalubong niya ako agad sa gate, at pansin ko ang pagtataka niya nang matingnan ako.

"Bakit ganyan yung mata mo? Umiyak ka ba?" nag-aalala niyang tanong nang mabuksan niya ang gate saka lumapit sa'kin. "Hey." Hinawakan niya ako sa balikat.

I starts sobbing. "K-krizzy…" I immediately hug her.

"Bakit? Anong nangyari?" binitawan niya ako.

Bumaba ako ng tingin. Ilang beses akong sumisinghot.  "S-si... C-choloo…"

"Ha?" Puno siya ng pagtataka.

Inuuna ako ng mga masasakit kong mga iyak. Parang pinipiga ngayon ang aking dibdib  sa tuwing maalala ko ang biglang pagwala niya sa aking tabi. 

"H-he left… without saying goodbye…" I sob. "I don't know why!"

Hindi ko siya nakikita dahil nakayuko ang ulo ko. Ngunit pansin ko na natigilan siya sa pagsasalita. Hindi siya agad sumagot.

"Teka… paano nangyari? Hindi kayo nagkabati? Iniwan ka ba niya dahil sa nangyari sa party?"

Umiling ako. "Hindi ko alam… Hindi ko alam kung bakit… Pumunta ako sa bahay niya pero wala siya doon at may nakakita na may dala-dala siyang maleta habang dali-daling sumakay ng taxi... Krizzy... Hindi ko na alam kung anong gagawin ko! Naiinis ako ng hindi ko alam! Nakaya niyang iwan ako at hindi pa rin siya nagpaparamdam sa akin! I thought we were already okay! Bakit ang dali na lang para sa kanya na iwan ako ng hindi ko nalalaman??"

Pinapasok niya ako sa loob ng bahay niya. Nasa kwarto niya kami ngayon. Ikinuwento ko sa kanya lahat.

"I just want to talk to Vince. May contact ka ba sa kanya? 'Di ba magkaibigan kayo?"

Kinuha niya agad ang cellphone niya. "I will call him."

Tinawagan niya agad si Vince. Hanggang sa sumagot ang linya nito.

"Oy, Krizzy," sagot niya. Nakaloud speaker iyon.

"Oo, Vince, ako 'to. May gusto lang kumausap sayo."

Desired AffectionWhere stories live. Discover now