CHAPTER 4

56 1 0
                                        

Pagbangon ko pa lang sa umaga ay nararamdaman ko nanaman ang katamaran para pumasok. Ugh! Nakakapagod naman kasi magtrabaho. Parang gusto kong magwalwal mamaya after work. Napagod ako this past few days, kaya kailangan ko ng self-break.


Nakasuot ako ng gray pants at black tube sa loob na sinamahan ko rin ng white coat. I also apply makeup, kahit blush on lang, dahil pupunta naman ako ng trabaho. Just a simple aura. I looked good with my outfit. Maigi kong tinitingnan ang sarili sa salamin. Wala naman akong pinapaimpress, but why not impress myself? Kung ibang tao pa siguro ako, matagal na akong nainlove sa mukhang 'to. I wore a sandal with 2-inch heels.


Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng bahay.


Pinark ko muna sa garage ang sasakyan bago pa ako pumasok sa loob ng resto, but I stopped walking when I encountered a familiar face na naging parte ng past ko. Nasa malayo pa siya pero kitang-kita ko na ang mukha niya na siya talaga 'yon.


Si Garett, my ex. Parang gusto kong umatras sa paglalakad. Sobrang laking trauma ang inabot ko sa kanya noon. But now, I already moved on. Pilit niyang sinasabi sa akin na balikan ko siya nung mga panahon nais ko na siyang hiwalayan dahil sa pagiging red flag niyang lalaki. He cheated on me with my high school friend. Nakita ko na nakipaghalikan siya sa high school friend ko. I know my worth, kaya ko siya hiniwalayan. Then now I saw him again. Mas lalo lang sumira yung araw ko.


"Lorine?" tawag niya sa akin nang magtagpo ang tingin naming dalawa.


Oh, kilala niya pa pala ako hanggang ngayon, huh. Pero malaki ang nagbago sa kanya ngayon. Mukhang nakaangat-angat na rin sa buhay.


Walang reaksyon ko siyang tiningnan. Hanggang sa nagawa niyang lumapit sa akin. Nakangiti ang mukha na parang hindi makapaniwalang nakita niya ako ulit ngayon.


"How are you?" he asked.


"What are you doing here?" I asked back. Walang tuwa sa reaksyon ko nang makita siya rito.


"May dinaanan lang ako... ikaw? Anong ginagawa mo dito?"


Humihinga ako at umiwas ng tingin. "I'm here for work. Excuse me," sabi ko bago ko siya nilampasan upang tumuloy na sa loob ngunit bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko dahilan ng aking paghinto.


Tiningnan ko siya sunod na binawi ang kamay ko. "What? Do you need something? I'm a busy person, kaya wala akong oras para dito."


"It's nice to see you again."


Sumulyap ako sa paligid at bumuga ng hininga to bring out my frustrations. Is this his way to impress me again? Hindi naman maganda 'yung last interaction namin kaya hanggang ngayon kahit anong sabihin niya, nawawalan ako ng ganang pakinggan.


"May sasabihin ka pa?" I raised my brows.


Pansin ko ang paglunok niya. Ramdam ko ang guilty sa kanyang mga mata.


"Kung mababago ko lang ang lahat... I already did. Aaminin ko na ikaw pa rin yung mahal ko hanggang ngayon, Lorine, even if it's almost 2 years have passed... I hope you can still forgive me. Please, I'm sorry for what I did. Hiniwalayan ko na siya dahil ikaw pa rin yung gusto ko—"

Desired AffectionWhere stories live. Discover now