CHOLO
I had already arrived at home when my phone suddenly rang.
"Hey dad, goodevening.." mahina kong bati.
"How are you, Vier?" he asked.
Nilapag ko ang aking laptop bag sa couch, sunod na umupo na rin doon. Why does he always tend to call me by my second name?
"I'm good po."
"If I were you, samahan mo na kami dito sa Canada. Son, until now, we're still hoping for your decision to migrate."
Napasuklay ako sa aking buhok. Napasandal ako sa aking binti. "Pa, ilang beses ko bang sinasabi that I don't want to live in Canada? I don't have close friends there in the first place. Mabo-bore lang ako," sabi ko. "And also, sunod-sunod naman yung mga naging projects ko dito. And my house, hindi ko ito maiwan o magawang maibenta... pinaghirapan ko ito since then, I'm contented to be an independent dad… Don't worry, I'm okay."
Rinig ko ang kanyang pagbuntong hininga. "Just tell me, you're welcome here."
"Love you, Dad."
"I love you, son."
Alam kong miss lang nila ako kaya gusto nilang mag-migrate ako sa Canada. Wala talaga akong balak. Maybe Canada is not a better place for me. My dad is a Canadian, and my mom is a Filipina. Kaya nung nagkatrabaho na ako ay sumama na si Mom at yung younger brother ko sa Canada kasama si Dad. Ako na lang ang nag-iisang naiwan dito. They also have their business there. Kaya mas pinili nilang mag-stay doon.
Kinabukasan ininvite ako ni Vincent sa birthday ng pinsan niya. Kakagaling lang din namin sa trabaho. Pag uwi ay dumeretso na kami sa isang restaurant. Vrecks restaurant yung pangalan. Maganda naman yung lugar. Ngayon lang ako nakapunta dito.
Habang nagsisimula ang celebration, may isang babae ang nahagip ng paningin ko. Dumaan siya malapit sa table kung nasaan kami. Di ko namamalayang sinusundan ko na pala siya ng tingin hanggang sa nakalampas siya sa'min. She immediately caught my attention. Nakasuot siya ng casual dress, but she's effortlessly gorgeous. My lips suddenly formed a smile. 'Na love at first sight' ganon pala yon? Tsk!
"Huy!" biglang may kung sinong tumapik sa leeg ko kaya napabaling agad ako sa kanya. "Baliin mo na lang yang leeg mo, lingon ng lingon kapa sa babaeng dumaan," ani Grendell, kasamahan ko sa trabaho.
"Gago ka ansakit non," reklamo ko. Hinawakan ko ang aking leeg sa kung saan niya pinalo kanina.
"Sino 'yon?" tanong niya.
"Huh? Di ko nga kilala."
"E bakit ganyan ka kung makatingin ha?" laking ngising asar niya. "Type mo no? Aysuss!" Asar niya.
"Di nga maganda 'yon," sagot ko.
"Pre," bigla akong tinabihan ni Vince habang nakatingin ito sa harapan. "Tingnan mo, oh," turo niya sa harapan. "Gandang babae, pare!" laking ngiting sabi niya, niyugyog pa ako. "Lapitan mo na kaya! Hingan mo na rin ng number... Kaibigan siguro siya ni Krizzy."
"Krizzy?"
"Si Krizzy 'yung nag-imbita sa akin. Kaibigan ko."
Lumipat ang tingin ko sa babaeng tinuro niya. Hindi ko agad nagustuhan. Agad naman akong umiwas. "Tsk!"
"Tangina mo kaya ka single e! Ang hina mo pala sa commitment, tsk tsk!" umiling-iling pa ito.
"I'm searching for the right one. Just shut your mouth."
"Paano mo malalaman kung di mo kilalanin? Ang weak mo talaga, Calvillo."
Di na ako sumagot. Basta ayoko. I could only say if she's the right one for me if I could already feel the different feelings na sa kanya ko lang talaga nararamdaman. That's the sign, kung maramdaman ko na ang feelings na 'yon… Hindi ko na palalagpasin ang tsansa.
YOU ARE READING
Desired Affection
RomanceKeshia Lorine Dixon is a business-minded person. She's always with her best friend, Krizzy. She works as a restaurant manager and tends to dream big, achieve her goals, and endeavor to have her own restaurant branch. Pagdating naman sa pag-ibig, naw...
