Kinabukasan ay kakatapos ko lang din mag-ayos sa sarili ko. Sinigurado kong maganda ako ngayon. Nakatali lang ang buhok ko at naka-formal attire at sinabayan ko pa ng aking 2-inch high heel. Bumaba na ako ng condominium. Nasa tabing highway siya nag-aantay. Masyado akong sabik at binibilis ang bawat lakad ko.
Nakalabas na ako at nakita ko agad ang sasakyan kong naka-park. Binaba niya ang bintana upang salubungin ako. Naka-shades pa siya, huh, sinabayan pa ng magaganda niyang mga ngiti.
He's so fresh as hell! Naka-wax pa ang buhok at pormadong-pormado. Ang gwapo niya.
Bumaba siya ng sasakyan bago pa ako makalapit. Parang nanigas ako nang salubungin niya ako ng beso.
"Good morning, miss," pormal niyang bati. "Ganda mo talaga, palagi," puri niya.
Umiwas ako at parang binigyan ako ng mainit na hangin ngayon. Tinatago ko ang ngiting nais na lumabas. Bumaling ako. Nadi—distract pa rin ako sa look niya.
Tiningnan ko siya up and down. Masyado siyang prepared para sa araw na 'to, huh. Favorite niya talaga ang palaging mag polo shirt na long sleeve tapos tinupi niya pa iyon hanggang sa braso niya. Kitang-kita ang biceps niyang taglay. Naka-jeans din ito na halos fitted sa binti niya.
"Anong ganap mo ngayon?"
Sinabit niya sa kanyang ulo ang shades na suot niya. "Uh, I have a meeting to attend. My new project is coming." Aniya. "Do I look good?" Tiningnan niya pa ang sarili sa bintana ng sasakyan. Pinapanood ko lang siya.
"You look… handsome," as in hot!
Dumeretso ako sa driver's seat at bubuksan na sana nang pigilan niya ako. Bumaling ako.
"You should be my passenger right now. Just let me drive you." Deretso ang titig niya kaya umiwas ako.
Hinawakan niya ang palapulsuhan ko, sunod akong dinala papuntang front seat. He guided me to step inside at siya na rin ang nagsara.
Gosh, princess treatment. Gentlemen.
I cleared my throat. Nang init ang aking pisngi. Jusko, ang aga-aga pa. Sinuot ko na ang seatbelt ko bago pa magkaroon ng romantic move kapag nakita niyang hindi pa ako naka-seatbelt.
Sabi ko sa kanya na idadaan niya muna ang sasakyan sa workplace niya. Para naman hindi na siya mag-commute kapag uunahin niya pa akong i-drop.
"Take care. See you when?" Tanong niya nang makababa at ako naman ay nakalugar na sa driver seat.
I smiled. "Next time. I'm still busy."
He nodded. Sinara ko na ang glass window at humarurot na papuntang resto. While driving, I want to slap my face. Hindi ko maitago ang aking ngiti. Ngiti dahil sa kanya!
2 days later…
"Myghod! Naiinis ako sa inorderan kong bag online, until now wala pa rin?? Akala ko ba 5 days lang yung shipping nila but... Argg! It's almost 2 weeks! Kung pwede lang talaga icacancel ko na yon e," I sighed. Sumandig ako sa swiveled chair na inuupuan ko.
"Madam, chill ka nga… I thought hindi mo ugali yung mag-order online? Remember muntikan ka ng ma-scam noon sa pera. Buti na lang naiwasan mo," sabi niya sa akin.
"That was one of my trusted online sellers, Bren. If I could cancel that order, I already did. But I want that bag so bad." I rubbed my forehead.
"Wag ka na mag alala, baka mamaya o bukas darating na iyon."
Tiningnan ko siya.
"I want it now."
"Luh? Anong akala mo sa bag na yon may pakpak? Try to contact the seller," he convinced me.
YOU ARE READING
Desired Affection
RomanceKeshia Lorine Dixon is a business-minded person. She's always with her best friend, Krizzy. She works as a restaurant manager and tends to dream big, achieve her goals, and endeavor to have her own restaurant branch. Pagdating naman sa pag-ibig, naw...
