CHAPTER 11

27 1 0
                                        

I'll wait for you in BBC Valley later. I have something for you. I love you. See you, Babs, mwa!

Finally! This day is already our 1st anniversary celebration. I can't wait to see him! And he has a surprise?? Nacurious tuloy ako. Wag lang talaga na mamahaling presyo 'yon.

Oras na ng out ko sa trabaho, inayos ko muna ang sarili, nag-retouch, inayos ang buhok, sunod na nagpalit ng damit bago ako lumabas at sumakay na ng sasakyan. Kanina pa ako prepared. Sa condo pa lang kanina ay naghanda at nagdala na ako ng masusuot para hindi na ako mag-drive pabalik doon. Dumiretso na nga ako sa location na sinabi niya.

Para akong nanginginig sa kaba na hindi ko alam kung ano bang meron doon at bakit doon niya ako pinapunta. Susunduin niya pa sana ako ngunit tumanggi ako dahil may dala naman akong sasakyan. As long as I'm with him, I'm happy and safe.

Nakarating na ako at sobrang nacurious agad ako sa lugar na ito. Ang ganda. Lumabas na ako sa sasakyan. Ramdam ko agad ang preskong hanging sa paligid dahilan ng paglipad-lipad ng aking buhok. Napaangat pa ko ng ulo dahil parang pataas ang lupa na aapakan mo bago ka pa makakarating sa main spot nila kung saan may mga magagandang kulay ng ilaw doon. May mga maliliit na kubo pa na mukhang cottage.

I'm here, na. Wyn?

I texted him.

Agad naman siyang nagreply.

Deretso ka lang sa may cottage no. 01. I'm waiting for you here.

Nagtanong pa ako sa nakasalubong kong crew. Buti na lang ay tinuro niya sa akin kung saan ang cottage 01. Di na ako nahirapan pang maghanap.

Tuluyan na akong naglakad. Ngunit napadahan ako sa paglalakad dahil malayo pa lamang mula sa cottage ay kitang-kita ko na siya na naroon... he's waiting. Nakatalikod ang upo nito mula sa direksyon ko kaya hindi niya pa ako nakikita. May nakapatong na puting tela sa lamesa at may nakahanda na ring mga pagkain. May mga kandila pa at lantern na nakasabit sa may atip. Malawak akong napangiti; pinaghandaan niya talaga ito.

Hindi ako nagpahalata na nakarating na ako. Gugulatin ko sana siya ngunit sakto ang pagtayo niya at napaharap sa akin.

Bumitaw ako ng tawa. Lumawak agad ang ngiti niya.

"Ikaw ah, mangugulat kapa," ngisi niya. Lumabas siya mula sa cottage upang malapitan ako.

"Ano to?" marahan kong tanong. Not expecting sa inihanda niya para sakin.

Hindi lang ako sanay. Dahil sa bawat monthsary na sineselebreyt namin ay food trip food trip lang ang madalas naming ginagawa. But this... Para akong nasa isang paraiso.

Ngunit mas nadistract ako sa hitsura niya ngayon. Nagsimula nang tumibok ang dibdib ko nung naglakad siya palapit sa akin. I could say... Wow! Kahit simple lang ang kanyang pananamit, kuhang kuha agad iyon ng paningin ko. He's so handsome, for God's sake! He is wearing a light maroon neutral-colored shirt that fits with his white pants, wearing his Nike shoes, and with a tucked-in attire. He looked so fit! Wala ata sa oras na malalaylo na ako sa hitsura niya.

Niyakap niya ako, hinalikan ang aking noo.

"Nakalimutan mo bang anniversary natin ngayon?" He pouted.

Parang inaakala niyang hindi ko alam!

"Of course not! Alam mo, ewan ko sayo. Kaya nga ako nandito, diba?" natatawa kong sabi. "I only mean I didn't expect na dito mo ako dadalhin."

Mas lalo niyang hinigpit ang paghawak sa dalawang kamay ko. "Happy anniversary, babs. Sobrang saya ko na kasama na naman kita... I'm sorry kung gumastos ako ng malaki para dito. That's only the way to surprise you even for once and make you happy."

Desired AffectionWhere stories live. Discover now