Chapter 3

281 37 10
                                    


Saturday 8am

Narda's POV

"Lola, okay naman po ako dito. Mas madali na rin kasi ang lapit lang sa ospital."

Kausap ko si Lola sa telepono. Maaga kasing tumawag para itanong kung uuwi daw ba ko.

"Okay apo. Paano? Next week ka na lang uuwi?"

Napatingin ako sa mga boxes pa na nasa kwarto ko. Hindi pa ako tapos talaga magligpit. Yung mga hindi masyado importanteng bagay, di ko pa nalalabas sa boxes. Kaya naisip ko na ipagpaliban muna ang pag-uwi ngayong weekend.

"Opo, La. Mag-ayos muna ako. Nasaan po pala si Ding?"

"Naku, inutusan ko. May dumaan kasi nagbebenta ng pakwan sa kariton, e di man lang ako tinawag. Pinahabol ko tuloy."

Natawa naman ako. "Naku, Lola. Namiss ko na yung sinigang mo na may pakwan."

"O sya, pag-uwi mo na lang. Kamusta naman yung roommate mo dyan?"

"Okay naman, La." Sabi ko na lang.

"E isama mo sya dito pag hindi na kayo busy at nang makilala naman namin."

"Ahhhh.." Napaisip pa ako. Hindi pa pala alam nina Lola na Vanguardia ang roommate ko pero tsaka ko na ikekwento. May moment naman kami kagabi pero mukhang ang aga pa para ipakilala kina lola. Eto pa namang pamilya ko, kapag may dinala akong kaibigan dun, parang di na pauuwiin. Aampunin na ganun?

"Si-sige po, sa susunod La, pag close na kami. Isang linggo pa lang e." Sabi ko na lang.

"Ay, iclose mo. Baka naman hindi mo pinakikisamahan maayos."

"Lola naman! Wala ka ba tiwala sakin? Ang bait bait ko kaya."

"Ay syempre naman, apo kita e. Bakit ka kasi nautal? E baka naman napupusuan mo yan."

"Lola, shhh. tama ka na! Tanda tanda mo na, crush crush pa rin yung nasa isip mo." Sabi ko naman habang hinihinaan yung volume ng cellphone. Parang narinig ko kasi si Regina lumabas ng kwarto nya.

"E kelan ka ba kasi makakahanap. Aba e, mahirap naman yang mag-isa ka na lang parati."

"Lola. 28 na ko. Hayaan mo na ako. Masaya naman ako ah, at tska sus, mahirap na kaya kiligin kapag nag-aadulting ka na. Tsaka kayo nga, ang tagal na wala ni Lolo. Okay ka naman."

"E meron naman ako dalawang apo. Hindi naman ako mag-isa" Sabi naman nya.

"E di may kapatid akong pasaway at isang lola na love na love ko." Palambing ko naman sa kanya.

"E mauuna naman ako sayo. At tsaka paano kung nagkagirlfriend na tong si Ding."

"Lola naman, wag magsalita ng ganyan. Tsaka di pa magkakagirlfriend yang si Ding, sa torpe din yan."

"Naku, contest kayo. Sige na, para makapag-ayos ka na dyan."

"Sige na La, love you. Sabihin nyo kay Ding, umayos sya ha."

At nag-end na kami ng call. Etong si Lola, kasama pa lovelife namin sa pinoproblema.

Nagdecide akong lumabas ng kwarto kasi may naririnig akong mga kalampag sa may living room.

Pagbukas ko ng pinto, nag-aayos si Regina ng mga folder nya. Nakaayos din sya na parang may lakad.

"May pasok ka?" Tanong ko.

"I'm a freelance attorney so I don't. I just need to meet someone." Sabi nya nang hindi tumitingin sakin.

"Okay." Ahh freelancer pala sya. Meron siyang clients. Baka may mga hindi siya pro bono na clients kasi paano siya kikita? Ayan na naman ang mga tanong ko.

VANGUARDIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon