Narda's POV
Nagising ako mga 4am. Ramdam ko pa rin ang pagod kasi ang daming nangyari at three hours pa lang tulog ko.
Lord, pwede mo naman idistribute? Bakit parang bumuhos lahat ngayon.
Bumangon ako sa kama kasi naiihi na ako.
Pagbukas ko ng pinto palabas ng kwarto ko, muntik na ako mapasigaw sa gulat.
"Anong ginagawa mo dyan?!"
Si Regina kasi nakaupo sa sahig. Yung couch namin sa living area, ang pwesto niya nakatalikod sa tapat ng pinto ng room ko. Nakasandal siya doon.
Nakapajama tapos may bouquet ng bulaklak ba yun sa tabi niya.
"Uhmm, waiting for you to calm down sana." Sabi niya.
"Ng three hours?!"
Nagkibit balikat lang siya. "I had a hunch that you fell asleep nga."
I sighed.
Hindi ako marupok. Hindi ako marupok.
"Teka nga naiihi ako." Sabi ko at nagdere-derecho ako sa cr.
Pagbalik ko, nandoon pa rin siya.
"Matulog ka na nga. Tsaka bakit ka ba dyan sa sahig?"
Hindi ko na siya hinintay sumagot, tumalikod na ako at binuksan ang pinto ng room ko.
Nagsalita siya.
"But you're just not ready now, right? Papakinggan mo naman ako, diba? Please, Narda?" Sabi niya ng mahina.
Nilingon ko siya.
Medyo masama pa talaga ang loob ko kaya ayoko pang makipag-usap pero kung umiyak to, bibigay na talaga ako.
Minsan bwisit din yung pagmamahal e.
Tumango lang ako and she seemed satisfied with that answer. "Then, I'll wait as long as you need."
"Wag ka na nga dyan mag-wait. Matulog ka na dun."
Sinungitan ko na lang siya at pumasok sa room. Para namang nakatulong ang pag-susungit ko, lalo ako hindi nakatulog e.
Pagkatapos ng 30 mins na paikot ikot sa kama. Sumuko na ako. Iniisip ko kasi baka naghihintay pa rin sya sa labas.
Tumayo na ako.
Ano, sisilipin ko ba? Wag na kaya. Naka-5 mins pa bago ko unti unting pinihit ang doorknob at sumilip sa labas.
Ready na ako magsungit ulit.
Kaso wala na siya dun.
Tangina naman. Makatulog na nga.
...
Kinaumagahan..
Eh? Nagprepare siya ng breakfast.
Pero hindi na siya nagsalita bukod sa "kain ka na."
Pinagsilbihan niya din ako. Pinaglagay niya akong food sa plate.
Tapos sumabay din siya kumain.
Ako yung hindi nakatiis.
"Wala ka bang pasok?" Tanong ko.
"Hmm?" Napatingin siya sakin habang nakasubo yung tinidor sa bibig niya. "Nakaleave."
Tumango lang ako.
Wala na ako maisip kaya tumahimik na lang ako.
...
BINABASA MO ANG
VANGUARDIA
FanfictionFantasy / Soulmate AU Vanguardias are enchanted and powerful beings from another dimension. They have ink in their arms and a soulmate to find. When they reached a certain age, they are allowed to explore and live in the human world. People know ab...