Time check: 5pm
Ali's POV
"Ali!"
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. I saw Brian so I stopped jogging.
"Pre, night shift?" Alam ko naman na night shift siya kasi si Narda pang-umaga. It is just to start up a conversation.
We never really got close unlike Noah. Wala rin masyadong chance kasi nga magkaiba sila ng shift ni Narda, and for obvious reasons, we (me and Regina) are always with Narda.
"Oo, pero mamaya pa. Magkakape ako dyan sa gilid e. Tara? Tapos ka na ba?"
"Tara." I'm not yet done pero parang ang tagal ko nang hindi nakita si Brian, makabalita man lang.
Naglakad kami papunta sa isang kiosk na nagbebenta ng coffee.
"Kamusta na si Regina, pre?" tanong ni Brian sakin.
"Hmmm? What about her?" I asked him.
"Kamusta na siya? Message ako ng message sa kanya e."
"Ha? What for?" I asked.
"Madami. Uhmm. Ayaw na ba talaga niya sakin?" Tanong niya.
Nag-iisip ako ng isasagot. Hindi pa ba niya gets yun? Mas matagal pa process ng pagmomove on nito kaysa dun sa ligawan stage nila ni Regina ah. If ligawan stage man talaga masasabi yun.
"Pre, diba nag-usap naman pala kayo matagal na? Before pa pala yun noon nagdinner tayo. Baka you have to just let it go. It's been what? Three months?" I said.
He sighed. "Si Narda ba, gusto na niya?"
Tapos, I remember, Narda also told me na kinausap niya din si Brian. They are not actually okay ata kasi siyempre, bro code daw? It's somewhere between the lines like, "gusto ko siya pero if mag pag-asa pa kayo ni Regina, hindi naman ako hahadlang." Si Narda talaga, mapagparaya. Para talaga akong nanonood ng teleserye.
Anyway, di ako sumagot, uminom lang ako ng kape. Nakatingin siya sakin at umiling iling siya. Gets naman niya and there is no point in denying that there is something between them.
"Tsk. Lagi na lang."
I don't know the context of that, but I have no plan of asking him.
"Wala pre, e, ganun talaga. Minsan, may mga hindi talaga para sa atin."
"E diba, ako yung soulmate? Bakit parang nabalewala yun? Diba, ganun naman ang mga Vanguardia?"
"Brian, hindi naman dahil soulmate, pag-aari na siya ng kung sino man."
Hindi siya nagsalita.
"Or baka naman, nagkamali lang tayo?" Sabi ko.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya.
I just want to give him a hint na hindi siya. As much as I want to tell him, I respect Regina's decision to keep it from Narda for now. I don't agree with it pero it's her call. I don't trust Brian enough na he will keep it to himself kapag sinabi ko.
"Hindi mo ba talaga natatandaan ang nangyari nung aksidente?" Tinanong ko.
"Uhmm. Hindi masyado pero ako ang nag-attend sa kanya."
There's a subtle change in his body language when he answered, and I got curious. Come to think of it, this is the first time na natanong ko siya tungkol sa aksidente.
"So ikaw talaga unang humawak kay Regina? Diba maraming casulaties dun?" Tanong ko pa.
"Hindi ko natatandaan noong una. Pero na-alala ko na din. Naalala ko na. Dun pa nga pwesto niya sa may bandang gitna e."
BINABASA MO ANG
VANGUARDIA
FanfictionFantasy / Soulmate AU Vanguardias are enchanted and powerful beings from another dimension. They have ink in their arms and a soulmate to find. When they reached a certain age, they are allowed to explore and live in the human world. People know ab...