Narda's POV
"Hala! Narda, saan kayo galing? Nasan si Noah?" Bungad sakin ni Ishna. Siya kasi ang una ko nakasalubong pag-uwi ko sa community.
"Ha? Bakit?" Kinabahan kong sabi. Ang boses kasi ni Ishna, nag-aalala.
"Lagot ka kay Regina! Kanina ka pa hinahanap. Doon ka na daw matulog sa tinatambayan natin sa likod na bahay."
Napanganga ako. "Ha. Ahhhhhhhh." Naku naman.
"Nasan si Noah?"
"Binalikan yung ado—susunod na lang daw siya." Napailing ako na parang ginising ko ang sarili ko.
"Si Regina?" Tanong ko.
"Bakit ganyan mukha mo? Umiyak ka ba?"
"Ha?" Dali dali kong pinunasan mukha ko, nanghilamos nako bago kami umuwi dito e. "Hindi."
Tiningnan niya ako nang may pagdududa.
"Hindi nga. Si Noah kasi parang tanga. Nagshare bigla. Lam mo na." Sorry na, Noah.
"Ahh." Tumango tango si Ishna. Hindi ko alam kung naniwala siya.
"Anyway, puntahan mo na si Regina at baka sa labas ka na talaga makatulog."
Sabay umalis. Grabe naman.
...
Sunod ko nakasalubong si Ali.
Napakunot pa noo niya, "O san ka galing?"
"Ha? Dyan lang. Si Regina?"
"Tulog na ata." Sabi niya.
"Ha??? Ang aga aga pa" Napatingin ako sa phone ko, 7:30pm pa lang. Hala, 7:30 na???
He laughed. "Baka nagpapalipas ng tampo."
Oh.
"Saan ka ba kasi nanggaling? May problema ba? Bakit hindi ka nagpaalam? Kala niya dyan dyan ka lang pupunta. Inip na inip, pumunta pa yun ng infirmary kanina."
"Ha? Pumunta sya infirmary??" Nagpanic ako kasi pumunta sya doon nang wala ako.
"May problema ba?" Tanong niya.
"I swear Ali, wala. May pinag-usapan lang kami ni Noah."
"E di sa kanya ka magpaliwanag." Sabi ni Ali.
"Ali naman eeeeh."
Natawa naman sya ulit, "Pero seryoso, matutulog na daw siya. Suyuin mo na lang."
...
Pagkarating ko sa kwarto, tahimik akong pumasok.
Nakahiga lang siya sa kama. Alam kong hindi pa siya tulog kasi never naman natulog ng 7:30pm si Regina. Wala naman time difference ang mundo ng Vanguardia sa mundo ng mga tao.
Naupo ako sa gilid ng bed. Nakatalikod siya sa akin.
"Uhmm, mahal?"
Hindi siya kumibo. "Pasensya ka na, ginabi na kami. Sabi ni Ali nagpunta ka pa daw ng infirmary. Sorry, dumating ka doon ng wala ako."
Wala pa rin. Hindi naman na talaga ako umaasa na kakausapin niya ako ngayong gabi lalo na at pinaalam nya na matutulog siya ng maaga.
Nagtry ako silipin siya. True enough, nakabukas naman ang mga mata niya.
Lumapit pa ako.
I kissed her temple.
"I love you."
No answer.
"Sorry po." I said.
Wala pa rin sagot. Itinaas ko na lang ang kumot niya at napasyang maligo muna.
BINABASA MO ANG
VANGUARDIA
FanfictionFantasy / Soulmate AU Vanguardias are enchanted and powerful beings from another dimension. They have ink in their arms and a soulmate to find. When they reached a certain age, they are allowed to explore and live in the human world. People know ab...