Chapter 22

354 24 19
                                    

Time: 9am

Narda's POV

"Hmm." Nagising ako dahil sa liwanag mula sa siwang ng kurtina ng balcony sa kwarto ni Regina. Bukas kasi yung pinto, hindi na namin naisara kagabi.

Sumilip ako sa clock sa bedside table niya. 9am na pala. Tapos nilibot ko ang mata ko sa buong kwarto.

Yup, parang garden. Hindi talaga ako nananaginip kagabi.

Tumagilid ako paharap kay Regina. Natutulog pa rin siya.

Lumapit pa ako ng onti para matitigan ko siya mabuti.

Parang anghel naman tong soulmate ko.

Nangingiti ako. Kainis.

Nakakakilig pa rin kapag naiisip ko na kami talaga. Nakasulat pala talaga ako sa tadhana niya. Pwede pala kami. Gusto pala niya ako.

Hahawiin ko sana ang hibla ng buhok na nahulog sa mukha nya nang magsalita siya..

"Stop staring at me." Bulong niya.

Gising pala. Lumawak yung ngiti ko tapos tinuloy ko na yung paghawi ng buhok niya at iniipit ko sa likod ng tenga niya.

Ngumiti din siya. Kinikilig din kaya siya?

"Good morning." Sabi ko.

She opened her eyes. Nagbalik na siya sa dating kulay.

"Morning love."

Anuba.

I giggled. "Eh, wait lang, hindi ko na kaya." Ang kilig kasi.

Tumawa siya.

"You're acting like we didn't have sex last night.. and this morning."

Natawa na lang din ako. E bakit ba? Sa kilig ako e. "Yabang ah."

"Well, I told you I am a fast learner."

"Hmm." Wala na ako nasabi. Sige na. Bigay ko na sa kanya ang bragging rights.

"Oh, don't reminisce na." She teased. "May pasok ka today diba?" Sabi ba naman.

At yon.

"Ughh. Ang galing manira ng moment e." Napatingin ako agad sa orasan. 9:30am na agad? Hala, 30 minutes akong kinilig lang?

"Kailangan ko nang bumangon." Nagmove ako, naghilahan pa kami ng comforter.

"O sige nga, paano ko hahanapin ang damit ko e ang daming halaman?" Nung narealize ko kung paano ako aalis sa kama.

"Ugh!" At sumubsob siya dun sa unan niya. Nagtalukbong pa ng comforter.

Ay.

Hindi ko alam kung ano ikina-iinsecure niya e ang magical nga nung mga halaman niya.

"Haha! Biro lang naman bebe."

Hinaplos ko ang likod niya, sa ibabaw ng comforter na nakakumot sa kanya.

"Kiss? Babangon na ko."

"No."

Natawa ako. Maiinis lang to sakin pag pinilit ko kaya nikiss ko na lang yung hair niya. Mga two times.

Humiga siya ng maayos. "Joke lang." Sabi niya.

She lifted her arms as if asking me to come closer. "Kiss? At maligo ka na baka ma-late ka sa shift mo."

I kissed her. Quick lang. Kasi di pa ako nagtotoothbrush.

Okay na ako sa ganitong morning routine.

Pwede na.

VANGUARDIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon