Third Person's POV
Sa Isla ng mga Vanguardia
"Ishna." Binanggit ng matandang Vanguardia ang pangalan ng babaeng papalapit sa kanya.
"Guro, bakit gising pa ang lahat?" Tanong nito.
Nagtitipon ang mga Vanguardia sa isang lugar sa may bandang gitna ng isla. Sa ilalim ng nag-iisang malaking puno na nakatanim sa malawak na kapatagan ng mga bulaklak na may iba't ibang kulay.
Ang kagandahan ng lugar na ito ay pinapanatili ng mga tagapagbigay buhay ng kagubatan na nakatira ngayon sa isla.
"Hmm. Ikaw, ano nagdala sayo dito?" Tanong pabalik ng matandang guro.
Nagkibit balikat si Ishna. "Pangitain."
Tumango tango ang matanda, "Pangitain ng liwanag sa gitna ng isla?"
"Kayo din?" Tanong ni Ishna.
"Lahat tayo." Matipid niyang sagot.
"Anong ibig sabihin ng pangitaing iyon?"
"Na malapit na ang pagbabalik ng kapangyarihan sa atin ng bagong buwan."
"Oh." Naupo si Ishna sa tapat ng matanda.
"Si Regina, masaya ako sa para sa kanya. Alam kong malaking responsibilidad ang maging tagapangalaga ng kapangyarihan na iyon pero masaya pa rin na kasama niya ang itinakda para sa kanya. Baka mabawasan na katigasan ng ulo niya."
Natawa ang guro na tila sumasang-ayon sa mga sinabi ni Ishna.
"Huwag ka mag-alala. Nakahanda na ang lahat para sa pagsasalin ng kapangyarihan sa isang bato."
"Paano siya makakauwi dito?"
"Si Ali na ang bahala sa kanya."
Ilang sandali pa., "May isa pa akong pangitain, guro, tungkol sa matagal ko nang binabantayan."
Napatingin ang matanda kay Ishna. "Anong bago?"
"Sa pangitain ko, sa unang pagkakataon, hawak niya ang nawawalang aklat ng unang Vanguardia."
"Hmmm." Nag-isip ng malalim ang matanda. Napatingin siya sa gawi kung nasaan ang ina ni Regina na nakikipag-usap sa ibang Vanguardia. "Hanggang ngayon, hindi ko mawari kung ano plano ni Rex. Pinagpalit niya lahat para sa aklat na iyon."
"Ang galing din niya magtago. Nang matagpuan natin ang isa pa niyang anak, ginawa ko ang lahat, minanmanan ko siyang mabuti ngunit hindi talaga nagpakita ang tatay ni Regina." Sabi ni Ishna.
"Sa pagkasilang ulit ng bato ng buwan, lalabas ang kapangyarihan ng batang iyon, kalahating tao, kalahating Vanguardia. Panahon na para iuwi siya dito sa isla at makilala niya ang sarili niya. At isa pa, baka alam niya kung nasaan nga ang aklat." Sabi ng matanda.
"Guro, ano ba ang nasa aklat na yun? Importante siyang kasulatan pero bakit tila hindi kayo masyado nababagabag na ninakaw siya sa atin?" Tanong ni Ishna.
"Tila balot ng kapangyarihan ang aklat na yun. Doon nasusulat ang lahat ng tungkol sa muling pagsilang ng kapangyarihan ng moonstone. Ngunit hindi iyon mababasa ng kung sino man. Tanging ang mga Vanguardia na may papel lang sa pagsilang ang makakaunawa sa mga nakasulat doon."
Nagpatuloy ang matanda, "Alam mo ba kung bakit nalaman namin na si Regina ang itinakda para doon? Noong bata pa siya, lagi siya nagpupunta sa aklatan kasama ni Ali. May isang araw na napasakamay niya ang aklat na iyon. Aksidente lang o marahil tadhana?
"Wala na siyang paningin ngunit ang pandama niya ay may kakayahang sumalat ng tinta. Nadatnan namin siya, kasama ko ang tatay niya, na nagbabasa ng aklat na yun. Ang aklat na kahit ang pinakamahusay ay hindi maunawaan."
BINABASA MO ANG
VANGUARDIA
FanfictionFantasy / Soulmate AU Vanguardias are enchanted and powerful beings from another dimension. They have ink in their arms and a soulmate to find. When they reached a certain age, they are allowed to explore and live in the human world. People know ab...