Narda's POV
Tsk! Ano ba yun?!
Sabi ko sa isip ko. Di pa ako capable magsalita kasi parang tulog pa yung diwa ko.
Pikit mata kong hinawi gamit ang kanang kamay ko ang halaman na tumatama sa pisngi ko.
Kailan pa nagkahalaman dito sa sala – aray!
Gumalaw ako sa pagkakahiga kasi kung hindi, madedeads na yung braso ko. Medyo inayos ko yung higa ni Regina. Nakayakap kasi yung kaliwa ko sa kanya.
Hay universe, alam ko namang suspicious ito, pero kinocomfort ko lang naman siya kagabi, promise, kaya nakatulog kami nang ganito. Tsaka kung hindi ko gagawin to, isa samin mahuhulog sa couch.
At isa pa, siya kaya tong matindi yung kapit sa tshirt ko. Nakayakap din naman siya sakin. Kaya pwede bang sulitin ko na?
May dahon na naman ng halaman na kumiliti sa pisngi ko.
Naimulat ko ang mga mata ko sa wakas at tumingin sa gilid ko sabay hawak dun sa halaman para hawiin ito.
Huh?
..
..
..
..
Sinundan ko kung saan nanggagaling yung halaman. Para syang mga buhay na baging na nagmumula sa..
Sa likod ng tv?
Sa dingding?
Sa bintana?
Sa kusi—
Langya!
..
..
..Ang tagal nagregister!!!
Nanlaki ang mga mata ko nung narealize ko na napuno na ng halaman ang condo. Napalinga linga ako sa paligid. Panaginip ba to?
Tapos bigla na lang bumalikwas ng higa si Regina, e hindi naman kalakihan yung couch kaya talagang sa ibabaw ko lang siya mapupunta.
Napasinghap ako nung nagkatinginan kami.
..
..
..
..
..
"Y-yung.. " / "Oh shit!!"
"OY! TEKA MAHU-"
Thud.
"......hulog ka." Pahina kong sabi kasi nahulog na si Regina sa sahig bago ko pa matapos yung sasabihin ko. Well, mababaw lang naman at tsaka mukhang di naman masama yung pagkakabagsak niya so baka alive naman siya?
"Ugh!" narinig kong daing nya.
Pero shet, hindi matapos tapos yung pagprocess ng utak ko. Di ko pa lubos maisip yung kulay ng mga mata nya kanina nung nagkatinginan kami, may maraming mga bulaklak naman ang bumukadkad ng sabay sabay sa loob ng condo. Para siyang garden design kapag may ikakasal.
"Woah! Ang ganda.." Napanganga pa ako habang bumabangon sa pagkakahiga.
"Glad that you find it amusing."
Napalingon ako kay Regina. Nakahiga lang siya sa sahig. Yung isang kamay niya nakahawak sa noo niya.
Napatingin ulit ako sa mga mata nya at agad niyang binaba yung kamay niya para matakpan ito.
"Sorry Narda, I'm supposed to be in my bedroom."
Lumingon ako sa may bedroom door niya kung saan nakasabit ang calendar. October 25. Naalala ko yung house rules namin. Ngayon dapat siya hindi pwedeng abalahin.
BINABASA MO ANG
VANGUARDIA
FanfictionFantasy / Soulmate AU Vanguardias are enchanted and powerful beings from another dimension. They have ink in their arms and a soulmate to find. When they reached a certain age, they are allowed to explore and live in the human world. People know ab...