The Real Sacrifice (Finale Part 2)

149 17 1
                                    

Ali's POV

"Buhay kapalit ng buhay"

"At pagkakataong tuparin ang nakasulat kong tadhana"

Pumikit ako ng mariin nang biglang sumiklab ang nakabubulag na liwanag.

Sa aking pagmulat, unang bumungad sa akin ang mga ilang bituin sa kalangitan.

Parang ang tagal na nung huli ko silang nakita.

May mga namumuo ding ulap na tila uulan.

Nakahiga ako sa damuhan na may mga mapuputi at maliit na bulaklak.

Iniangat ko ang aking mga kamay.

Unti unting nawawala ang sakit.

Sa tabi ko, ang aking guro.

"Tinupad na ng buwan ang kahilingan." Ani nito. "Bumangon ka at tingnan ang buong paligid."

Bumangon ako.

Para akong nakatayo sa isang bagong isla.

...

Isang patak ng ulan ang tumama sa aking mukha.

Nadagdagan pa ito hanggang sa namalayan ko na umuulan na.

The rain of healing.

The Vanguardias around started to gain consciousness. All unaware of what just happened.

"Please." Napapikit ako nang marinig ko ang umiiyak na boses ni Regina, nagmamakaawa.

Tumulo na agad ang luha ko.

Nandoon pa rin sya, nakaupo sa di kalayuan.

Narda is still there.

"What happened? Regina did it? That one thing that we fear." Narinig ko si Ishna. Her voice is on the verge of crying.

I know Regina was seeing visions and feeling things. She had always doubted that something would go wrong at new moon. Hindi siya nag-iisa. It's been in our every conversation.

Pinahid ko ang luha ko. "Narda did." I said.

Napatingin siya sa akin. Nagtataka ngunit hindi kami nagsalita.

Noah is still here, standing still. He is biting his lip, trying to stop himself from breaking down.

...

Regina's POV

"Heyy." Narda coos. She tucked Regina's wet hair in her ear.

Regina just shook his head, "Narda, hindi ko kaya." She sobbed. "Ako dapat ito. You are supposed to go home."

She cupped me in the face again, "Regina, makinig ka sakin."

"Natatandaan mo nung bago pa lang tayo nagiging magkaibigan? Yung bucket list mo? Hiking, go to the beach in the human world, ride an airplane. Gawin mo lahat yun. Wala na ang kapangyarihan ng buwan sayo, mabuhay ka sa paraang gusto mo, mahal."

"Not without you!" I cried.

"Shhh.." Niyakap niya ako. "Kahit wala na ako. Ito talaga ang tadhana natin e, wala tayong magagawa."

"What are you talking about?"

"Basta tandaan mo na sa isang bahagi ng buhay mo, itinakda tayo para sa isa't isa. At mabuti na lang pinakasalan kita ng biglaan."

She giggled in between tears.

"Mahal na mahal kita. Hanggang sa dulo ng aking buhay. Sana pagtagpuin ulit tayo sa susunod na buhay, sa mas magandang pagkakataon naman. Pero kahit ganito, wala akong pinagsisihan. Wala akong hindi gagawin para sa iyo, Regina."

VANGUARDIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon